Simula

11 0 0
                                    

.....

El's Pov.

   Hayss, Nakakainis! First day of school nanaman puro pakilala lang naman gagawin.
Minsan nakakatamad na ring magpakilala kuno, sabagay kelan ba ako nagsipag? Mamaya na nga ako magdadaldal di nyo papala ako kilala.

Ako nga pala si Elsie Leighnie Dela Cruz masyado ba mahaba? sige sa nanay ko kayo magreklamo.

Habang nag aayos na ako narinig ko nanaman ang kalabog ng kaibigan kong kalog. Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan yang bansot na yan. Sya nga pala si Kristine Merry pak! o diba paskong pasko ang pangalan. Nang pumasok sya sa kwarto ko..

"ELLYY!!!! sigaw nya 

" Putek! Ano nanaman!? Parang hindi tayo nagkita ng ilang taon kung makasigaw!" Sabi ko

" Sorry na hehe peace!

"Ano ba ginagawa mo dito at nambubulabog ka!?"

" May maganda akong balita sayo!!"

"Siguraduhin mong mas maganda pa yan sayo! Kundi papakain ko sayo itong hawak kong basura!"

"Eto na nga eh! YUNGONESIDEDMAGCOCONCERTDITO!!" sabi nya

"What!?"

Napaenglish tuloy akong hinayupak ka.

"Wat!Wat ka dyan! Kala mo talaga....

"Anong sabi mo!?"

"Pakshet ka"

Boogsh! Aba! Ibalibag pa naman ang pintuan ko! Oo pintuan ko! Mag wawalk out nalang namamalibag pa! Tibay!
Sa totoo lang kanina pa ako nag aayos ng kwarto at putcha napakadaming basura! At syempre dahil dakilang masipag ako ay naglinis ako. Nekekeheye nemen kese keng meme ke pe meglelenes dete se sebreng deme he he he..

"Mamaa! Tatapon ko lang po itong basura sa labas!

"Osige nak!"
 
Lakad dito lakad doon bwiset naman kase! Napakalayo ng tapunan ng basura dito samen! Tamad din ng truck ng basura! Walang pumupunta hinayupak na yan.
  Ayan na malapit kanaa konting tiis nalang..

"Aruch!!!! Putaa!! Aray! Aray!"

Yung paa ko! Deds na deds naa.

"Okey ka lang!? Sorry! Sorry! Di ko sinasadya! Pasensya na!"

  Mukha ba akong okey!? Huhu..

"Di ako okey! Masaket!!" Hala! Yung basuramg hawak ko! Bwisit!! Nadaganan ko!

"Let me help you"

"Aba, Dapat lang!" pero masakit talaga nagulungan yung paa ko. Kaso teka nga lang ang init init naka jacket at Shades to si kuya. Anong trip nya sa buhay??

  "Hoy!! Saan mo ako dadalhin!? Ayoko pa mawalan ng v-card Parang awa mo naa" Charot lang mukhang gwapo si kuya mwehehe

"Hahaha papaupuin lang kita sa loob at dadalin sa inyo."

Sayang! Anong sayang! Nagulungan kana't lahat lahat uunahin mo pa si landi mamaya kana hahaha.
Sya na rin ang nagtapon ng basura. Mabait naman eh mukha nga lang jologs sa itsura nya..
 
  Describe ko ba?

Maputi matangos ang ilong! Nahiya ako bigla sa ilong ko, Ma jaw line naks! Haha di ko ba makita yung mata naka shades nga diba?

Di ko namalayan pumasok na pala sya sa loob at nakatitig ako sa kanya!
  
Nekekeheye eke!!

"Why are you staring at me?"

"A-ahh n-nothing"

"Saan yung bahay mo at ihahatid na kita"

Akala siguro ni kuyang jologs malayo bahay ko eh nagtapon lang naman ako ng basura

Correction sya ang nagtapon gaga

Eh sya pala sorry naman, Ilang liko lang naman ang itinuro ko sa kanya at nakarating na din ako sa bahay.

"Dito nalang po kuya"

"H-ha? Oh sige"

Pagentleman si kuyaa. Sya pa nagbukas ng pintuan, Ano kala nya saken di ako marunong?

Magthank you ka nalang dami mo pang dada

"Salamat"

"Sige"

Naglakad na sya pabalik sa kotse nya at tumalikod nako nang maalala ko may sasabihin pala ako sa kanya.

"Sandali lang!!"

Di ko naabutan sayang.. Tatanungin ko pala sana yung pangalan ni kuyang jologs.
Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay nandun na pala si Merry.

Aba nauna pa sakin ang bruha.

"Hoy! Ano ginagawa mo dito?!"

"Baka sabay tayo pumasok noh?"

Anong oras na pala!!

12:45 pm na teh

"Wait lang antayin moko dyan maliligo lang ako!"

Habang nagmamadali akong umakyat sa taas ay bigla nalang akong nadapa

"Aray! Ang saket nyeta!"

Jusko! Ang lampa mo Ely! Aakyat ka nalang madadapa kapa! Kung di ba naman tanga!

Natapos nako maligo at nagbibihis nako ng damit pamasok. Pulbo liptint onti okey na hehehe..

"I'm done! Mama! Papasok na po ako!"

"Akala ko mamaya kapa matatapos" sabat ni Merry

"Lakampake!"

"Hahaha! Osiya siya! Magsipasok na kayo at tanghali na."

"Opo!" Sabay na sabi namin.

Malapit lang naman yung school dito kaya hindi na namin kailangan sumakay. Kaso parang ang dami dami kong ginawa kaya lanta ako naglalakad papasok.

"Hoy anyare sayo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa hahaha!"

"Wala kana don! Trip moko hinayupak ka hahaha!

" Eh? Hahaha!"

Nababaliw na syaaa. Iwan ko kaya to dito? Hmmmm.. Kaso ayokong magisa mag hanap ng classroom ko mukha pa naman nagkakagulo sa loob

"WHAAAAAHH!!! ILOVEONESIDED! ASDFGHJKL!...

Anong meron? Lingon lingon...
Asan na si Merry!? Nakanang! Ayoko ng ganito! Bwisit.

Ang ingay ingay naman! Kala mo naman may artistang bumisita dito sa school!
Nahihilo na ko kakaikot dito at sa wakas! Nakita ko rin ang blackboard kung saan nakalagay ang mga room ng bawat section para sa mga estudyante.

Lakad lakad lakad lakad...

*Boogsh*

Aray! Takte! May nabunggo akong lalake! Nakadagan saken! Putaa!

" IKAW!?"







Million ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon