Hade's POV
Ang dumi dumi naman nito, ang dami pa. Ang init init pa, Wow ano 'to? sinumpa lang ako ng mundo, ganon?
*phone call*
*riing* *riiing*
Ano ba 'yan may tumatawag pa.
*riing* *riiing*
Ito na nga oh atat masyado eh.
"Hello?" it's me i was wondering. Joke.
"Uy bro, nasaan ka na? Shift mo na, hinahanap ka na ni boss" Martin.
"Ito na oh OTW na" it's me again.
"Sige na sige na, bye" Martin.
Every "hello" ends with a "goodbye"- HUGOT
Hinubad ko na ang apron ko at nagpaalam na sa boss ko. At habang naghihintay naman ako ng jeep ay may nakita akong anghel na nilaglag sa langit ay 'este magandang nilalang pala, na nasa loob ng sasakyan.
Awts bhe, tinaasan ba naman ako ng kilay, ang sungit inaano ko ba 'to. Sa kagwapuhan kong 'to, tinataasan na lang ako ng kilay? Tinatarayan na lang ako? Galit ba talaga siya sa mga gwapong katulad 'ko.
*BEEP* *BEEP*
PUTEK MUNTIKAN NA KO MABANGGA NG JEEP?!?! CAPSLOCK PARA DAMA NIYO DIN.
Hehehehehe. Buti na lang gwapo ako, kaya 'di ako natuluyan. K. Back to reality, nandito na 'ko sa coffee shop at ako ang naassist ngayon sa counter, kaya ito ako ngayon. Kinukuha ang mga order nila.
"Shocks ang gwapo naman ng waiter na 'to!!!"
"Omg, waiter ba talaga 'to?!?!"
"Bes, lagi na kong pupunta dito!!"
Rinig kong mga bulungan nila. Hindi ko nga alam kung bulong lang ba talaga yun, Eh sa rinig na rinig.
Ehem, speaking of the kagwapuhan 'kong taglay hind na sila tumigil kakatili, iba talaga ang isang napakagwapong Hades Castillo oo.
"Uhm, miss ano pong order niyo?" swabe kong sabi, syempre kahit gwapo ako nalandi din ako 'no. Hindi lang panget ang nalandi hahaha.
"Coffee, Tea or me?" #HazeCastilloAndHisWays At syempre me ang pinili nila, pero 'di ako pumayag 'no. Nakareserve ata 'tong kagwapuhan ko kay "Ateng magandang nilalang" oha haba ng code name.
And speaking of kay Ateng magandang nilalang. Nakita ko siyang nakaupo, at naghahanap ng gwapo ay 'este waiter pala. Destiny nga naman oh haha. Kaya lumapit ako. Hehehehehehehe.
"Hello miss, what's your order?" tinaasan niya ulit ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Wait, are you really the waiter? You look like a completely..... beggar" insulto niya pa. Nako ha, maganda ka sana eh. Ano ba 'yan turn off agad.
"Excuse me miss. Hinihingi ko lang ho yung order niyo ang dami niyong sinabi haha. And correction, hindi nga lang ho talaga ko basta waiter. Pinaka-gwapong-waiter" with matching pogi pose pa yun ah.
YOU ARE READING
He's my Choice
FanfictionSi Hades ay isang simpleng lalakeng matalino, mabait, masipag, mapagmahal at gwapo pa! Hindi ka madaling makakahanap ng isang kagaya niya dahil malabo nang may lalaki pang kagaya niya sa mundo. Si Hades ay mahirap lamang ngunit sobrang sikat sabihin...