Waiting for you

28 8 6
                                    

This story is dedicated to sis MsLegion.

Ito na po ang nabuong kwento ng 500Words.

WAITING FOR YOU

Ibinato niya ng marahas ang batong pinulot niya sa tabi niya.

Nasa ilog lang naman siya at nag mumuni-muni.

Pumikit siya at huminga nang malalim.

"Mangako ka sa akin Charish, Kahit anong mangyare, hindi mo ako iiwan." Aniya sa kasintahang nakangiti sa kanya.

"Lance naman." Anito at hinaplos ang kanyang pisnge at dinampian ng mainit na halik ang kanyang labi.

"Kahit pa ayaw sayo ni Mama at Papa, Wala silang magagawa." Nakairap na anito at yumakap sa kanya.

Napabuga siya ng hangin.

At tumayo sa pagkaka-upo, inumpisahang maglakad papalayo sa ilog.

"I promise lance, No matter what happen, darating ako. Pangako." Anito at itinaas ang kanang kamay, Tanda nang panunumpa.

Bumuga siya ng hangin at inayos ang sarili.

"I love you Charish, Aantayin kita dito umabot man ako ng umaga aantayin kita." Matatag na aniya.

Hinaplos nito ang kanyang pisnge.

"I love you too lance, but for now aalis muna ako. Kailangan kong umuwi, baka hinahanap na ako. Basta babalik ako rito, Promise." Muli ay pangako nito.

Napatigil siya sa paglalakad.

Ramdam niya ang sakit na muling tumusok sa kaniyang puso.

Matiyaga siyang nag-antay sa tabi ng ilog, kipkip ang bagpack kung saan naroon ang kunting damit niya at ipong pera.

Ngayon ang balak nilang pagtatanan ni Charish, Ang Prinsesa ng mga Bautista.

Mayaman ang angkang kinabibilangan nito, Samantalang siya ay isang hamak na mangingisda lamang.

Hindi pabor ang mga magulang nito sa kanilang pag-iibigan, Kaya't naisipan nilang magtanan na lamang.

At mangyayare ito ngayong gabi.

Napasulyap siya sa relong pang bisig.

Pasado alas dos nang madaling araw.

Wala pa din si Charish.

Kinakabahan man siya, ay pinang-hahawakan niya ang pangako nito sa kanya.

Pero nasaan na ang babaeng mahal niya?

"Lance." Narinig niyang sigaw mula sa likuran niya.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

Bumalik ito.

Bumalik si Charish.

Agad siyang lumingon at tama ang sapantaha niya.

Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Nagtitigan sila at maya-maya lang ay may nanulay na elektrika sa katawan nila at nagsanib ang kanilang mga labi.

"Dumating ka Charish." Natagpuan niyang anas dito.

Tumango ito sa kanya.

At hinaplos ang kanyang pisnge.

"Mahal na mahal kita Lance at lahat gagawin ko para sayo."

"Kung sa tingin mo Charish matatakasan mo ako, Nagkakamali ka!" Sigaw mula sa likuran nila.

"Papa." Nanulas sa labi ni Charish.

Humigpit ang yakap niya rito.

"Uuwi ka ngayon din o papatayin ko ang lalaking yan?" Sabay tutok sa kanya ng baril nito.

"Papa."

"Halika na!" Anang papa nito.

Tumingin sa kanya si Charish at bumitiw.

Lumakad ito hanggang sa tumigil sa harapan ng ama nito.

"Tara na Papa!" Narininig niyang anas nito.

Nang bigla na lamang muling tumutok ang baril nito sa kanya, At pinaputok ito.

Napapikit siya ng mariin!

That was the last day, He saw Charish.

Sinalo nito ang balang para sa kanya.

Dahilan ng pagkataranta ng Ama nito.

At iniwan siyang nakatanga.

Lumingon siya sa ilog.

Ngumiti at bumulong.

"I'm still waiting for you."

Waiting for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon