"Dont Be Afraid Of Love"

82 3 1
                                    

By the way there's a boy name John.Sawa na siya sa Pag-ibig.

(JOHN'S POV)

Ilang beses na akong nasaktan. Di ko alam kung ano ang dahilan

kung bakit sila nang-iiwan. Nagkagirlfriend ako nung una tumagal

kami ng 3 taon ngunit namatay siya dahil sa aksidente. Magkasama

kami sa kotse at nabangga kami sa isang poste. Iniisip ko at

tinatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi nalang ako ang namatay at

hindi nalang siya.

(FLASHBACK)

Noong grade 4 ako, kasama ko lagi ang aking mga kaibigan at

naglalaro kami sa labas ng soccer. May nakita ako na girl at wala

siyang kasama. Malungkot siyang naghihinntay ng service niya. Hindi ko

siya pinansin nung una hanggang sa nakikita ko na siya palaging

walang kasama. Kinaibigan ko siya dahil naaawa ako sa kanya dahil

siya ay nagiisa lang.

JOHN:"Hello anong pangalan mo?"

Ang sabi naman niya "Jane,"

JOHN:"Pwede ba kitang maging kaibigan?"

JANE:"Oo"

(JOHN'S POV)

Nag promise ako noong gabi sa baba ng orion's belt.

Doon nagstart ang relationship namin. Noong grade six matalik na

matalik ko siyang kaibigan. Halos hindi kami mapaghiwalay noon,

laging nagsheshare ng baon. Nagkagusto ako sa kanya at pinangako

kong siya ang pakakasalan ko pagtanda ko

"Ikaw na ang pakakasalan ko kasi ikaw lang ang naging matalik kong

kaibigan na babae. Nagagandahan din kasi ako sa iyong mga ngiti at

mata. Hindi rin ako makatiis pag malungkot ka. Nasasaktan ako

pagnasasaktan ka. Hindi kita maiwanan"

Nagblush siya nung sinabi ko iyon

Naging childhood friend ko siya at masayang-masaya kami lagi

(Uwian, sinundo ako ng mommy ko)

Tinanong ko sa isip ko kung "Bakit niya ako sinundo at  

hindi yung service driver?" Kinausap ako ng mommy ko

MOMMY:"John, anak pupunta tayong Canada next week at doon na tayo titira."

JOHN:"Ma, hindi pwede iyon! Marami akong iiwanan na

kaibigan."

(Nagtalo kami ng nagtalo hanggang sa pumayag na ako. Nagpaalam

na ako kay Jane at nangakong babalik ako.)

(AFTER TEN YEARS)

Bumalik ako sa bansa.Makikita ko na ulit siya.

Sinalubong ako ni tita Weng(mommy ni Jane) sa airport.

JOHN:"Tita!"(sabay mano sa kanya)

"Si Jane po nasaan?"

TITA WENG:"Ah nasa bahay. Hanggang ngayon di ka pa rin niya

makalimutan. Miss na miss ka na niya. Iniyakan ka nung gabing

umalis ka."

(JOHN'S POV)

"Dont Be Afraid Of Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon