Ako si Mitch Tacadena. Isang kakaibang tao. Joke XD Ordinaryong tao lang ako. Mahilig mag-gitara, kumanta, mag-selfie atbp. Mahirap na. Baka abutin pa tayo ng 20 taon kapag sinabi ko yung mga hobby ko.
"Mitch." at lumingon ako sa tumawag saakin.
"Oh, kayo pala." as usual, yung mga babaeng araw araw na nagpapa-picture saakin.
"Hi Kuya Mitch, picture?" at ayun pinagbigyan ko ulit. Pag di kasi ako pumayag eh mage-emote yang mga yan.
"Thanks." at tumayo na ako dun sa may bench. Nasa school garden kasi ako eh. Palibhasa recess kaya nasarapang magpahinga.
Kaso pagtayo ko, nakabangga ako ng isang babae.Natapunan ko yung damit niya. Pati ata mukha eh
"Ano ba ha?! Pwede ba? Tumingin ka sa dinaraanan mo?!" aba ang tapang ! Haay, pasalamat siya natapunan ko lang siya kundi, baka napatulan ko na 'to. Pasalamat siya babae
"Oh. Panyo" at ayun binigyan ko siya ng panyo. Kaso yung panyong cheap. Cheap din kasi pagmumukha niya eh