Ang salitang kakaiba ay hindi kagaya ng iba o ng dati, ito ay natatangi sa lahat, at ito ay panibagong damdamin na hindi mo naranasan dati.
At itong salitang kakaiba ay maihahalintulad ko nung dumating ka sa buhay ko, may kakaiba, may kakaiba akong nararamdam sa tuwing tayo'y magkasama, sa tuwing magkahawak ang ating kamay, sa tuwing magdadampi ang ating mga labi, at sa tuwing magyayakapan tayo ay halos ayaw kong bumitaw pa.
At sa tuwing kasama kita may kakaiba sa aking damdamin, ako'y nakakadama ng kapanatagan na para bang ako'y dinadala sa aking mapayapang tahanan, na para bang dinadala ako ng aking kasiyahan sa langit, sa isang salita ako'y comportable sayo, comportableng makasama ka.
At alam mo aking mahal bago pumikit ang aking diwa tuwing gabi, ako'y napapaisip sa ating kinabukasan, sa ating bagong yugto ng ating kabanata, nangangarap sa kakaibang pangarap, pangarap na makasama ka hangang kamatayan.
At sana aking mahal may kakaiba ka ring nararamdam sakin katulad ng aking kakaibang nararamdaman para sayo...