ANUNG ORAS NA?
(One-Shot story)
Author:
Giggling_Green<3
Feb. 14, 2014
My valentine's story :)
@Dedicated sa lahat ng taong walang RELO :))
----------
" ANUNG ORAS NA? "
Yan yan! ;[
Yan nalang lagi ang tinatanong mo tuwing patapos na ang klase.
At syempre ako, sasabihin ko naman kung anong oras na.
Kaso sa lahat naman ng pwedeng itanong yan pa! pwede namang..
"may boyfriend ka na ba?"
o kaya naman..
"pwede ka ba ligawan?"
:')
Kaso HINDI ehh!
Sa araw araw na ginawa ng Diyos, kung oras lang pala ang itatanong mo,
bakit di ka nalang bumili ng relo?
Wala bang oras yang cellphone mo?
Ako lang ba ang katabi mo para tanungin kung anung oras na?
PERO..
Sa tanung na yan, yan ang dahilan kung bakit natutuwa ako :)
Wag niyong isipin na baliw ako!! Dahil BALIW na BALIW talaga ako sa taong laging nagtatanong nito.
" Anung oras na ba? "
Natutuwa ako dahil atleast kinakausap mo ko.
Kasi first year pa lang, Patay na patay nako sayo, hanggang ngayong 4th year at magtatapos na tayo.
Pero ako naman tong duwag at di masabi sayo ng harapan kung ano tong nararamdaman ko.
Nung unang beses na tinanong mo ko, sobrang kinilig ako :">
Pero sa paulit-ulit na beses na tinatanong mo sakin yan, minsan naiinis nako! x(
Yan na lang ba ang mga katagang maririnig ko sayo hanggang sa makatapos tayo?
Minsan nga kahit mag-isa ako naririnig ko pa rin yang tanong na yan at paulit-ulit na binabanggit sa utak ko.
kaya minsan kinakausap kita kahit di naman kita kasama.. ganito talaga ang epekto mo saking lalaki ka!
At eto ako ngayon sa upuan ko, KATABI ka.
Patapos na ang klase at alam ko na ang sasabihin mo..
Napansin kong lumingon ka sakin sabay sabing..
" Marie, ANUNG ORAS NA? "
Ayan !
yan na naman yang Favorite line mo!
" ORAS na para MAHALIN moko!! "
At yan!
Yan din ang mga sagot na gusto kong isigaw sayo!
Maya maya narinig kong maraming nagsisigawan at nagtitilian.
" Ayiiiiiiiiiiiiiiieh!! "
Teka? Nababaliw na ba tong mga kaklase ko? Bakit sumisigaw kayo?
Tumingin ako sa katabi ko at nakita kitang nakatingin sakin at mejo naka'nganga ?? o.O
Hindi naman ako naka 'two piece' para mapa nganga ka, kulang nalang tumulo yang laway mo. haha! xD

BINABASA MO ANG
Anung Oras Na ? [One Shot]
Novela JuvenilNakakaiirita na! Lagi nalang bang yan ang maririnig ko sayo? Anung oras na? Hindi ba pedeng Mahal kita?