Chapter 1

32 3 0
                                    

Kesha's POV:

"Kuya Brennan! Kuya Miles! Daylan!" Pasigaw ko silang tinawag habang inaayos ko na yung hapag-kainan para mag breakfast. "Bumaba na kayo diyan. Kakain na!"

Ito yung buhay ko tuwing umaga. Kahit tapos na akong maglinis ng buong bahay. Nakapag-walis na, nag-mop na ng sahig, nag-dilig ng halaman sa garden, nakapag-luto na ng breakfast.. pero yung mga kapatid kong sandamakmak sa kabaitan eh nasa kwarto pa nila. Kakain na nga lang yung gagawin nila, sapilitan pa talaga. Kung tutuusin nga, hindi pa ako nakakapag-ayos para sa sarili ko kahit may pasok din naman ako sa school. Pero ganun talaga eh. Sakripisyo.

*flashback*

Laki ako sa orphanage. Pagkakaalam ko nga nun kay sister.. yung pinaka dean ng orphan center.. iniwan lang daw ako sa labas ng simbahan. Naging masaya naman ako dun sa orphanage. Marami akong naging kaibigan. Sila na talaga yung naturingan ko na pamilya. Hanggang sa dumating yung isang araw na bigla na lang ako pinatawag ni sister.

"Kesha, simula ngayon.. aampunin ka na ni Mrs. Stanforks. Magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya."

Nung una, ayoko sa kanya kasi hindi ko naman siya kilala. Pero nung nakita ko siya, napakaganda niya. Para siyang reyna na lumapit sakin at ningitian ako. "Matagal ko ng gustong magkaroon ng anak na babae. At ikaw yung hinahanap ko. Simula ngayon, ako na yung magiging mama mo."

Sinama niya ako sa bahay niya nung araw na yun. Tuwang tuwa nga siya nung sinabi niya sakin na gustong gusto na daw niya ako maipakilala sa mga magiging kapatid ko. Si Kuya Brennan, Si Kuya Miles, at si Daylan. 

Sa unang tingin, talagang nakakamangha yung itsura nila. Hindi ko nga akalain na may ganitong tao palang nabubuhay dito sa mundo. Mukha silang mga prinsipe. Sobrang natuwa ako kasi simula sa araw na yun, makakasama ko at magiging pamilya ko sila. Naramdaman kong napaka swerte ko.

Pero nung araw na umalis si Mama Shiela sa bahay dahil sa trabaho niya sa ibang bansa, dun na nagsimula maging impyerno buhay ko.

"Hoy ampon!" Pasigaw na tawag sakin ni Kuya Brennan. "Simula sa araw na 'to, ikaw na yung magiging katulong sa bahay na 'to. Naiintindihan mo?"

"H-Huh? Teka diba.. magkakapatid na tayo." Sagot ko naman.

Tumawa si Daylan. "Kapatid? Ikaw? Umasa ka. Ang pangit mo kaya 'no!"

"Tsaka ayaw din namin magkaroon ng kapatid na bobo at walang alam. Kaya bagay sayo, maging katulong namin!" Dagdag pa ni Kuya Miles.

"Kaya simula ngayon, susunod ka sa utos namin.. whether you like it or NOT!"

At dun nagsimula ang miserable kong buhay..

*end-of-flashback*

"Ano bang sinisigaw sigaw mo diyan?" Pagalit na sinabi ni Kuya Miles habang bumababa siya sa hagdan. "Nakakarindi yang boses mo.. tuwing umaga na lang."

Ngumiti na lang ako. "Eh kasi kanina ko pa kayo tinatawag. Ang aga aga, init agad ng ulo mo Kuya."

"Lagyan mo ng packing tape yang bibig mo para hindi uminit ulo ko." 'Tas dumeretso na siya sa upuan ng dining table at kumain.

"Eh sila Kuya Brennan tsaka si Daylan? Bakit hindi pa sila bumababa?"

"Tanga ka ba? Nakita mo ng wala sila, hinahanap mo pa." Pagalit niya sakin. Wow ah. Ang harsh ng words. >:(

"H-Huh? Eh nasaan ba sila?"

"Si Daylan may shooting sa bago niyang commercial. Nagiwan siya ng note sa ref. Wag kang bulag paminsan minsan." 

Lumingon ako sa ref at nakita ko ngang may note nga siya talaga doon. Sabi niya, mawawala daw siya ng 3 days kaya wag na daw siya hanapin. Well, sorry naman. Masyado ako naging busy sa pag-gawa ng gawaing bahay dito kaya hindi ko na napansin yun.

"E-Eh si Kuya Brennan?"

"Like I care." Mabilis naman niyang sagot sakin. "Hindi mo na din naman kailangan hanapin yun. Hindi yun agad agad mamamatay."

"Kuya naman. Wag ka magsalita ng ganyan. Hindi ka ba nagaalala sa kanya?"

"Malapit na yung quarterly exam sa school. Mas atupagin mo yung pag-aaral mo kesa intindihin yung mga walang kakwenta kwentang bagay." Kinuha na Kuya Miles yung gamit niya at naglakad na siya paalis. "Aalis na ako."

"Teka sandali! Di mo manlang ba ako aantayin? Sabay na tayo pumasok." Habol ko sa kanya.

"Ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo na hindi pwedeng malaman ng school na magkakilala tayo? At pag nagkataon, malalaman din nilang sa iisang bahay lang tayo nakatira!" Masungit niyang sagot sakin. "Tsaka hindi ka na bata para samahan pa kitang maglakad papunta sa school. Pumunta ka dun mag-isa."

Napahinga na lang ako ng malalim. Wala na talagang papantay sa kasungitan ni Kuya Miles. Gwapo pa man din. Tinatawag siyang The Cold Prince sa school dahil lagi siyang mukhang seryoso. Kahit maraming babae yung nagkakandarapa sa kanya para lang mapansin niya, wa-epek lang yun sa kanya. Well, talaga namang may maipagmamalaki rin naman yung kasungitan niya. Una yung kagwapuhan niya, matalino pa.. at student council president ng buong iAcademy lang naman siya. Kaya nga ganun na lang niya ako ikahiya sa school eh. Kahit magkasalubong kami, ni isang titig di pa niya nagagawa yun sakin. 

Hindi rin naman ako nag-eexpect. Ayoko din naman pumangit yung tingin ng ibang estudyante sa kanya dahil sakin kasi kilala ako sa school na normal lang at sa section D pa.

"Hay nako, friend. Ibang-iba talaga yung radar niyang si Mr. President." Sabi sakin ni Coleen. Bestfriend ko since first year pa lang kami. "Besides from his cold aura, sobrang cool talaga niyang pagmasdan. Super type na type ko siya."

Nakaupo kami ngayon dito sa field ng school. Kaya kitang kita namin yung student council office sa second floor.

"Type mo yung ganyan?" Tanong ko sa kanya. Baka pagsisihan niya pag nalaman niya yung totoong ugali ni Kuya Miles. "Ayaw mo ba ng medyo.. swabe lang. Yung hindi masyadong masungit. O kaya naman palangiti.. yung ganun?"

"Well, kung sa palangiti lang naman.. syempre pipiliin ko na yung kapatid niyan ni Mr. President. Yung artista?" Sagot niya sakin na tuwang tuwa pa. "Ang gwapo gwapo din nun ni Daylan 'no? Hindi ko nga akalain na ka-year lang natin siya 'e. Pero sa kasamaang palad, section A nga lang siya. Hindi rin siya madalas makita dito sa school kasi sa pagkakaalam ko, lagi siyang busy sa pagtatrabaho. Laging may shooting. Haysss."

Kung sa pagiging gentle nga naman talaga, number one na dun si Daylan. Lagi kasi siyang palangiti eh. Lahat ng bumabati sa kanya, pinapansin niya. Pati yung mga fans niya nga dito sa school, hindi niya tinatanggihang bigyan sila ng time para maka bonding. Ganun siya ka-gentleman.. sa kanila. Hindi sa akin.

Pag nasa bahay nga kami, puro pang-aasar lang yung ginagawa sakin nun 'e. Walang araw na hindi niya ako nalalait. Kahit mangiyak ngiyak na ako sa sobrang inis ko sa kanya, di pa niya ako tinatantanan. Siya lang naman yung number one bully sa buhay ko. Pero kahit ganun siya sakin, ako lang yung nagiisang taong nakakaalam kung paano mapapawala yung inis o galit niya. 

*clang!* 

Sabay kaming nagulat ni Coleen nung bigla kaming may narinig na nabasag na bintana mula sa fourth floor. Nung tinignan ko kung saan galing yung nabasag na bintana, nakita ko na galing yun sa classroom ng fourth year-section E.

"Nako.. kung may ganyang pangyayari, walang duda.. Nandyan na siya." Pabulong na sabi sakin ni Coleen habang nakatingin dun sa lalakeng naka dungaw mula sa bintana.

"Kuya Brennan."

= = = = = = = = = =

A/N: Hi guys! I hope you like this chapter. Medyo mahaba pero I tried to make it simple para ma-introduce ko paunti unti yung mga main characters. Anyway, I want to hear your thoughts and 'complain?' about this chapter. Samahan niyo ako ah.

Always keep faith <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon