Chapter 1

11 0 0
                                    

"Ajig jaji anhni? (Aren't you going to sleep yet?)" tanong sa kanya ng may-ari ng bahay na tinutuluyan niya.

"Ajig. (Not yet)" ngumiti siya dito at tumingala sa langit, "Oneul bam-eun neomu balg-a. Naneun geugeos-eul olaesdong-anboayahandago saeng-gaghabnida. (The moon shines so bright tonight. I think I should see it for a longer time)"

"Ye. Aleumdawo, geuleohji? (Yes. It's beautiful, isn't it?)" tumingala din ang matandang babae.

"Ye. (Yes)" tumingin siya sa matandang babae at nginitian naman siya nito.

"Naneun jaleo galgeoya. Neomu neuj-ji masibsio. (I'm going to bed. Do not stay up too late)" ngumiti ulit ito at tumayo na.

"Ye. Annyeonghi jumuseyo. (Okay. Goodnight)"

"Neoegedo. (You, too)" tumalikod na ito at pumasok sa loob ng kwarto.

Tumingala ulit siya sa langit. Tiningnan ang bilog na buwan na sobrang liwanag. Napapalibutan din ito ng maraming bituin.

"Ang swerte ko naman. Walang ka-ulap-ulap ngayong gabi. Ang ganda ng buwan." sabi niya sa sarili. Huminga siya nang malalim. "Sana, ganito nalang palagi ang buhay ko. Tahimik, mapayapa, at higit sa lahat, walang mananakit sa akin."

Nanatili siyang nakatingala sa langit habang bumabalik ang nakaraan.

--

"Are you sure that you're leaving? Sayang naman ang opportunities mo dito kung aalis ka lang." sabi sa kanya ng manager niya.

"Pinag-isipan ko na po itong mabuti, sir. Mas makakabuti sa akin kung umalis na lang ako, kaysa masangkot pa ako sa madaming gulo." desididong sabi niya.

"Pero, alam naman namin na hindi mo kasalanan. Kasalanan iyon ni--"

"Sa mata pa rin ng maraming tao, ako pa rin ang may kasalanan. Kasi hindi nila ako kilala. Huhusgahan at huhusgahan nila ako. Gusto ko nang matahimik ang buhay ko. Hindi ako mapapayapa kung mananatili ako dito."

Bumuntong-hininga ang manager niya. Pinirmahan nito ang resignation paper niya at inabot na ito sa kanya.

"Sino ba naman ako para piligan ka? Nakakalungkot mang isipin na mawawalan ako ng isang magaling na empleyado, mas magiging masaya din ako na maging masaya ka." ngumiti ito sa kanya.

"Salamat, sir. Sobrang dami po ng itinuro niyo sa akin. Hindi ko po iyon makakalimutan." nginitian din niya pabalik ang manager niya.

"Kung makapagsalita naman ito, akala mo hindi na magkikita. Pero teka, saan ka ba pupunta?"

"Sa Jeonju."

"Jeonju?"

"Mmm. Yung kinuwento mo dati na doon ka ipinanganak. Balak ko sanang pumunta doon dati pa. Pero ngayon may dahilan na ako para pumunta doon."

"How long will you stay there?"

"1 month? 2 months? Maybe forever?" sabay ngiti niya dito.

"Do you have a place to live? Kung wala pa, may alam akong pwede mong tuluyan doon."

"Naku ha, baka isipin nila mistress mo ako."

Pinitik nito ang noo niya.

"Aray! Masakit yon a!"

"Para kang sira. Alam naman natin pareho na you're like a little sister to me. And kung hindi dahil sa iyo, baka nawala na sa akin nang tuluyan si Rachelle. So, think of it as a payback. Para naman maalala mo pa rin ako kahit nasa Korea ka na."

When the Moon Shines so BrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon