Si Jehanne Aguas ay isa sa tipikal na babae na mahilig magbasa ng mga istorya at manood ng Korean drama. Sa sobrang pagkahilig niya dito, nagsimula siyang maniwala sa mala-fairytale na uri ng pag-ibig. Ngunit, sa pagdating ni Jerome Ocampo sa buhay niya, ang lahat ng paniniwala sa pag-ibig ay biglang naiba -- naging kabaligtaran ito ng akala niyang happily ever after sa mga palabas at nobela. Pero bigla ulit magugulo ang buhay niya sa pagkakakilala niya kay Julian Park, isang half-Filipino half-Korean, na nakabangga niya habang namamasyal siya sa Korea. Guguluhin nito ang buhay niya sa paraang hindi niya inaasahan.