I've Been In Love with a Fangirl

260 2 0
                                    

"ANG FOREVER KO."

[BTS COLLABORATION]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ms.Clara Jeon?"

"Present."

"Ms. Jessica Lee?"

"....."

"Ms. Lee?!"

"Yes my loves? Ay este ma'am?"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. -,-

"Ano bang nangyayari sayo miss Jessica, lagi ka nalang nawawala sa sarili mo. May problema ka ba?"

"Uhm. W-wala po. Pasensya na po."Waaaaah! Ano ba naman ang ginagawa ko?! Nababaliw na nga ata ako. T_TOo. Baliw na ako sa kanya.

Sa taong wala akong pag-asa.

Sa taong hindi alam na nag-eexist ako.

In short, hindi nya ako kilala.

Sino ba naman kasi ako? Isa lang naman akong di hamak na fangirl niya.

Sana maitigil ko na tong kabaliwan ko.

His POV

Ayan nanaman siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Palaging nakatulala.

Si Jeon Jungkook na naman ba ang iniisip niya? -,-

Aba'y mas gwapo naman ako dun e.

Ano bang meron dun at baliw na baliw sya? Bakit di nya ako mapansin?
Bukod naman sa gwapo ako, mayaman ako. Nakakabili ako ng gusto ko. I have my own bank account, my own car at lahat na ng luho nasa akin na. Kumbaga pasarap buhay lang dapat ako pero ginusto kong mag-aral hindi para matuto, pumasok ako sa school na to which is ours para lang subaybayan ang babaeng yon.

Tinamaan ako sa kanya.

-Flashback

"Miss, bibilhin ko itong iPhone 6+."

"Uhm sige po sir. Fofollow up ko na po."

Yeah. I'm buying a new phone. Nasira kasi kanina nung naglalakad ako.

Oo. Naglalakad lang ako ng nasira ang phone ko dahil sa nabunggo akong babae na halatang nagmamadaling maglakad. Ugh. Ang weak ng phone ko.

"Uhm miss. Sorry."

O_O

Bakit nangingiyak na siya?! Ganun ba kalakas ang pagkakabunggo ko sa kanya? Aish!

Pero napatingin ako sa sahig ng makita ko ang mga kung ano anong. Merch. KPOP merch. Ang dami. Sobra.

Napatingin ulit ako sa kanya at umiiyak nga sya.

Sh*t. Eto nanaman ang weakness ko.

"M-miss I'm sorry. Uhm. G-gusto mo ba bayaran ko nalang?"

Tuloy-tuloy lang syang umiiyak.

I can't help but to hug her kasi hindi ko kayang makakita ng babareng umiiyak kasi pinapaalala lang nun sakin yung nangyari sa mom ko.
Ayoko muna magkwento about dun.

"Bitawan mo ko!" sabi nya.

"Nakita mo ba yung ginawa mo ha?! Sira na lahat ng pinaghirapan ko! Sinayang mo lahat!"

"Hindi ko sinasadya miss. I'm really sorry."

Nakita ko. Sira nga. Natapunan ng drinks yung t-shirts, nabasag yung mugs, basag ung case ng CD at halos mapunit na sa sobrang basa yung posters.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shot Ka Muna!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon