Prologue

25 4 0
                                    

Originally published in wattpad 2017. Revised in 2020.

*****

When I was just a highschool student, may naencounter akong mga elementary kids na may binubully isang batang palaboy.

Hindi ko alam kung bakit tinulungan ko yung batang palaboy, which is against sa principle ng buhay ko na, do not stick your head unto someone else's business! or else mapapahamak ka.

Pinaalis at pinagsabihan ko yung mga bully na elementary kids, tapos tinulungan ko yung bata.

Binilhan ko pa ito ng pagkain at binigyan ko din ng tsinelas kasi naka paa-paa lang yung bata.

Ewan ko ba kung bakit ginawa ko yun. Nagawa ko pang makipagkwentuhan dun sa bata.

Bago ako mag paalam dun sa bata, may sinabi siya sa akin.

"Ate! May ipapangako ako sa'yo, paglaki ko, proprotektahan kita tulad ng pag protekta mo sa akin!"

Sabi nung batang palaboy na iyon at tumakbo na siya palayo. Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Balak ko sanang makipag kwentuhan ulit sa bata kinabukasan kaso lang may sudden change sa bahay. 

Napromote si Papa sa trabaho, at marerelocate siya sa ibang bansa, sa Japan.

At dahil ayaw mawalay sa amin ni papa, kasama kami nila Mama at ng dalawang kapatid ko sa Japan.

Biglaan ang pagalis namin. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam doon sa batang yun.

Ni-pangalan niya hindi ko man lang nalaman.

Ang weird pero, gusto ko pang makita ulit yung bata. Siguro naenjoy ko makipagkwentuhan?

Ewan ko ba, ang weird talaga.

Siguro someday, makikita ko ulit siya.

We will never know.

***

-10 years Later-

"Sino yaaan?" Sigaw ko habang palapit ako sa pinto ng apartment ko.

Umagang umaga kasi may kumakatok na sa pintuan ko. Siguro yan yung damit na inorder ko sa lazada last week.

Pagbukas ko ng pinto may isang binata na naka-uniform ang bumungad sa akin.

"Hello po. I'm Dylan Marc Yapnayon. Dyl for short. Uhm, kalilipat ko lang kasi kahapon dito sa apartment na to, so I decided to... " sabi nung binata sabay abot sa akin ng isang paperbag.

Sinilip ko yung laman ng paper bag, then may tupperware something na nakalagay sa loob.

Magsasalita palang sana ako nang biglang siyang nagsalita ulit.

"Carbonara yan, niluto ko kanina. So good day my lovely neighbor and nice to meet you. I'll be in your care, Noona." Sabi niya sa akin sabay wink.

Ngitian ko siya and then I said, "Thank you sa Carbonara and nice meeting you too. I'm Raine Ayessa Canseco by the way."

After that, we shake hands and then pumasok na siya sa apartment niya.

Pumasok na din ako sa loob ng apartment ko, at tinikman yung binigay sa aking carbonara.

Not to be exaggerating but, this carbonara tastes divine.

Who is that kid? Ang galing niya magluto plus he's cute? Mayghad self bata pa yun jusq HHAHAAHAH

What an extraordinary neighbor indeed.

****

Tunghayan ang kwento nina Dyl at ni Raine. Will Noona love Dyl or will she fall inlove with somebody else?

*****

Xoxo,
gwingajhumma

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Noona Love Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon