Paano mo nga bang makakalimutan ang sakit na ginawa ng mga taong iyong pinagkatiwalaan?
Sapat na bang pagpapatawad para makalimutan mong nakaraan?
"Happy 3rd Anniversary Baby iloveyou", Sabi niya sabay halik sa aking noo.Nagising ako't nag-unat unat bago sinabing,"Happy 3rd Anniversary din baby, mahal na mahal kita", tugon ko sabay halik sa kanyang pisngi.
Siya si Pie Ocampo. Tatlong taon na ang aming pagsasama. Marami mang kumontra pero hindi kami nagpadala. Sapagkat mahal na mahal namin ang isa't isa.
Nagsimula kami bilang matalik na magkaibigan, nagkaaminan kaya't naging magkasintahan.
"Baby? wag mo'kong iiwan hah? Kakayanin natin lahat, mahal na mahal kita", sabi niya sabay yakap sakin.
Kinabukasan, sabay kaming pumasok sa school. Naglalakad kami nung makasalubong namin sina Cheska at Jade. Sila yung mga kaklase namin nung high school.Si Cheska matalik na kaibigan ko yan.Si Jade naman, medyo close ko din pero hindi kami ganun ka open.
"Huy bakla, kumusta na? Uyy an tagal-tagal niyo na aah! Ano sekreto niyo?", paunang sabi ni Cheska habang puno ng ngiti ang mukha.
"Ahhy grabe siya hahaha. Tiwala lang naman sa isa't isa Ches",sagot ko naman na medyo natatawa pa.
"Hayyy naku Trixie Suarez, medyo umo.oa kana ah", sabat naman ni Jade na kanina pa titig na titig sakin.
"Huyyyy hindi ahh Hahaha! Sige mauna na kami", sagot ko sabay talikod sa kanilang dalawa.Uwian Na nung maisipan namin ni Pie na kumain sa 7eleven.
Sa loob bumili lang kami ng coke float tsaka crackers. Kumakain ako nung crackers nung bigla siyang nagsalita.
"Baby? Kung lalake ba ako papakasalan mo'ko?", tanong niya saken.
Muntik akong mabilaukan sa sinabi niya.
"Ba't biglang sumagi sa isip mo yan?", nagtataka kong tanong sa kanya.
"Wala lang gusto ko lang malaman", sagot niya naman.
"Ahhhhm. Oo naman baket hindi, eh mahal na mahal kita eh", malambing kong sabi sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya.
"Huwag mokong iiwan ah? Tsaka sana hindi ka magsasawa saken, mahal na mahal kita baby", sabi niya sabay yakap sakin ng mahigpit.Ilang minuto kaming nagyakapan hanggang sa maisipan na naming umuwi na.
Palaging ganun natatapos ang araw namin. Palagi kaming nag-uusap ng ganung mga bagay. Palagi niyang sinasabing hindi ko siya iiwan. Na kahit anong mangyayari walang bitawan,walang iwanan.
Minsan nga eh pinag-uusapan na namin ang panghinaharap "future" kumbaga. Marami na kaming mga plano ni Pie. Yung kumbaga ang mundo namin ay nakaikot na sa isa't-isa. Shempre matagal-tagal narin kasi kami. Ni minsan nga hindi ko na naisip kung maghihiwalay pa ba kami. Masyado na kasing marami yung mga alaalang nagawa namin kaya hindi ko na naisip ang hiwalayan na yan.
Ngunit isang araw, dumating ang pangyayaring hindi ko inaasahan.
"Ba't ba kasi palagi kang chinachat ni Cheska? Ano ba kasing meron sa inyu?", pasigaw kong tanong kay Pie.
"Nababaliw kana ba? Tibo na yung tao, papatulan ko pa ba?", pabalik niya ring sigaw sakin.
"Kahit na Pie! Ex mo yung tao di'ba? Okay lang naman sakin kung maging magkaibigan kayu, pero yung pagchachat niya sayu palagi eh parang sobra-sobra na yan sa pagiging magkaibigan!",sagot ko sa kanya.
"Ano bang masama Trix? Ano ba pinag-uusapan namin? Wala naman sigurong masama sa ginagawa ko di'ba? Sumusobra na yang pagiging selosa mo ah", padabog niyang sagot sabay alis papuntang kwarto.Sa mga sinabi niyang yun, bigla akong natigilan. Inisip ko ng mabuti yung sinabi niya. Siguro nga tama siya, masyado na akong mahigpit. Wala rin naman siguro siyang ginagawang masama.

YOU ARE READING
Sa Isang Iglap
Short StoryMaikling kwento ng Southeastern College of Padada - Joana Frea Dela Cruz