Last Dance (One Shot)

19 2 7
                                    


Shiela's POV

Nakipag - kita ako kay Ken dito malapit samin.

"Lagi ka nalang bang magloloko , Ken. Pagod na ako kakaintindi sayo" sabi ko sakanya.

"Tamang hinala ka na naman dyan" sagot ni Ken sakin. Kung alam mo lang Ken na nakita ng dalawang mata ko ang kalokohan mo.

"Sinabi sakin ni Aira ang lahat ng nakita niya!!" ayokong magsinungaling sakanya pero ayokong sabihin na ako mismo ang nakakita.

Ayokong sabihin na pagod na ako. Palagi nalang niya akong sinasaktan. Pagod na pagod natong puso ko.

"Uuwi na ako" walang gana kong sabi.

"Edi umuwi ka. Wala naman akong magagawa kasi ikaw naman lagi ang nasusunod" sambit niya.

Mas lalo akong nadurog nang marinig ko iyon galing sakanya. Hindi niya alam na nasasaktan ako ng sobra. Gusto ko lang naman na kapag galit ako , lalambingin niya ako pero wala man lang siyang ginagawa para mapasaya ako. Nage - effort siya sa ibang babae pero sakin hindi. Masakit para sakin na nakikita kong masaya ang taong mahal ko pero hindi ako yung dahilan. Kung alam niya lang yung pinagdadaan ko.

Umalis na ako dun. Hindi man lang niya ako pinigilan. Alam kong pagod na rin siya kakaintindi sakin.

~~~

"Anak , magpaopera ka na. Isipin mong para kay Ken yung gagawin mo" paki usap ni mama sakin.

"Ma , mabuti pang hindi nalang ako mag pa - opera. Hindi na naman siya masaya sakin. I want him to let go. I don't want to hurt myself anymore , ma. I don't want to hurt him anymore. Gusto ko nang magpahinga , ma. Pagod na pagod na ko" sabi ko. Nakita kong pumatak na ang luha ni mama na kanina niya pa pinipigilan. Andito ako sa kama ko naka - higa. Pumunta yung doktor ko last last day dito.

.......... 3 days ago ..........

"Shiela , you need to undergo operation for your Cardiovascular (heart) disease" sabi ng doktor ko.

"Doc. ayoko na pong patagalin pa ang buhay ko" medyo malungkot kong sabi. Wala man lang si Ken dito sa tabi ko , sana sabay kaming lumaban. "Ma , wag mo nalang pong sabihin sakanya. Ayokong maawa siya sakin" sambit ko. "Ma inaantok na po ako" .

"Sige hija , magpahinga ka na" sabi ni doc. Umalis na yung doctor ko. Lumapit naman si mama sakin at hinaplos ang buhok.

"Ma pag namatay ako wag mo nang sabihin sakanya , hah. Gusto ko siyang makasayaw bago ako mamatay pero ayokong magpakita sakanya dahil sobrang payat ko na" paki usap ko.

"Anak wag mong sabihing mamatay ka na. Diba mabubuhay ka pa. Sige anak , matulog ka na. Please bukas , gumising ka ulit." malungkot na sabi ni mama.

Nakatulog na ako. Pag gising ko nagugutom ako kaya tinext ko si mama. May oxygen kasi na naka kabit dito sa bibig ko. Hindi niya man lang ako nadalaw dito sa bahay kahit isang beses lang. Alam kong nahihirapan na din siya.

Ken's POV

Ilang araw ko nang hindi nakikita si Shiela. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Pumunta ako sa park na madalas puntahan ni Shiela. Nakita ko siya dun naka - upo sa swing. Walang nagbago sakanya. Hinawakan ko yung kamay niya at tinayo ko siya. Gusto ko siyang isayaw. Walang tao dito sa park. Hinawakan ko yung bewang niya at nilagay naman niya ang kamay niya sa balikat ko. Sumayaw kami ng sumayaw hanggang umabot ang gabi.

"Sorry if this day would be our last dance. You promise me that you will be my last dance. Thank you kasi tinupad mo yun" bakit kaya niya sinabi na this is our last dance. Madami pa namang next time , ah. Naglakad na siya at hindi pa siya nakaka - layo nang humarap siya sakin at kinawayan niya ako. Bigla na lang siyang nawala ng parang bula. Anong nagyari? Tinawagan ko kagad si tita Mae.

"Hello tita" panimula ko.

"Hijo , napatawag ka?" sambit ni tita. May kutob ako na may nangyaring hindi maganda.

"Tita , pwede po ba kay Shiela?" tanong ko. Narinig kong humikbi si tita.

"Hijo , sad to say pero wala na si Shiela" malungkot na sabi ni tita. Hindi. Hindi pwedeng mawala si Shiela. "Dito siya sa St. Luke naka - burol".

"tita pupunta po ako dyan" sambit ko. In - end ko na yung call. Pumunta na ako sa kotse ko at nag - drive na papunta sa St. Luke. Pagkadating ko dun , sinalubong kagad ako ni tita Mae. Pumunta ako sa harap ng kabaong ni Shiela.

Tinignan ko siya. Ang ganda niya. Sana mahimbing nalang siyang natutulog , na sana bukas magising siya. Medyo pumayat siya , hindi lang pala medyo .... pumayat siya ng sobra. Umiyak nalang ako ng umiyak.

Shiela , kahit wala ka na , mananatili ka parin dito sa puso ko. Hinding hindi ko makakalimutan na isa ka sa mga magagandang alaala sa buhay ko. Sana kung nasan ka man , sana masaya ka. Mahal na mahal kita kahit sobrang gago ako. Ang gago ko para iwan ka at ipagtabuyan ka. Tandaan mo parati kang nasa puso ko at mahal na mahal kita , Shiela.

Last Dance (One Shot)Where stories live. Discover now