Maraming mga pangyayaring hindi mo inaasahang darating nalang bigla sa buhay mo. Maaaring ito ay masaya, malungkot, at minsan luluha ka pa sa sobrang sakit ngunit alam kong lahat ng ito ay may dahilan.
Ako nga pala si felix, isang lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang mahalin ang nag-iisa kong kaibigan, si carla.
Maganda siya, mabait, malambing, makulit, basta lahat na ng katangian na gusto ko ay nasa kanya na. nanghihinayang at nalulungkot ako sa kanyang pagkawala.
"Felix!"
"oh! carla ikaw pala yan!"
"hehe. oo! tara nood tayo ng pelikula!"
"saan naman?"
"sa inyo malamang!"
"Hay... Sige na nga."
"Salamat! :">"
Naaalala ko yung mga panahong nanonood kami ng mga pelikula sa bahay, minsan nga nakakatulog pa ako sa balikat niya. napakabait talaga ng babae na yun, hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito sa kanya. alam kong siya yung gusto kong makasama habang buhay, ang babaeng mamahalin ko ng lubos na handa akong ibigay ang lahat pati ang buhay ko para lang sa kanya.
"Carla..."
"bakit? :)"
"uhmm.. wala kalimutan mo nalang.."
"sus! ano nga yun?"
"wag kang magagalit sa itatanong ko sayo ah?"
"promise! hindi ako magagalit! ano yun? :)"
"may dumi ba ako sa mukha?"
"adik ka! akala ko kung ano na ang itatanong mo! wala!"
"hehehe... salamat! :D"
hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya. hanggang isang araw.
"Carla! i-text mo ako pag uwian na ninyo ah?”
“bakit naman?”
“susunduin kita sa school ninyo tutal magkalapit lang naman tayo ng school.”
“Sige! Sige! 4:30pm uwian ko. :”>”
Bibili ako ng rosas. Ibibigay ko sa kanya ito mamaya! Ano kaya ang magiging reaksyon niya?. Pagkalabas ko sa eskwela agad akong nagpunta sa flowershop at bumili ng isang pirasong rosas. At nagmamadali akong pumunta sa school nila. Itinago ko sa likod ko yung rosas para hindi niya makita pagsundo ko sa kanya.
Gumuho ang mundo ko pagkadating ko sa eskwelahan nila. Nakita ko siyang may kahawak kamay. Tumalikod ako at tumakbo papalayo, nasaktan ako sa nakita ko. Sa tinagal tagal ng panahon na magkasama kami bakit hindi ko alam na meron na pala siyang boyfriend. Nasayang lahat ng mga pangarap ko pati mga nararamdaman ko para sa kanya. pagka uwi ko sa bahay nag punta ako sa parke na malapit sa amin. Nag-iisip ako ng mga bagay na makakapag pasaya sa akin kahit na sandali lang. 8:25pm na pala ng gabi kaya napag pasyahan kong umuwi nalang ng biglang sinalubong ako ni tatay.
“anak! Nabalitaan mo na ba?”
“ang alin tay?”
“wala na si carla.”
“ha? Anong wala na?”
“nasaksak siya ng hindi pa nakikilalang mga lalaki. Nanglaban kasi siya nung kinukuha sa kanaya ang bag niya.”
Nagmamadali akong umuwi ng bahay para tignan ang cellphone ko.
“4:35pm – Nasaan kana? Uwian na namin.”
“5:00pm – Felix, nag-aantay pa din ako dito.”
“5:30pm – Felix, dadating ka pa ba? Uuwi nalang ako kung hindi na.“
“5:53pm – Uuwi na ako ah? Ang tagal mo kasi eh.”
“6:20pm – Felix! May nakasunod sa akin na dalawang mama!”
“6:30pm – Felix. Mahal na mahal kita. Wag na wag mo akong kakalimutan ah? I Love You!"
Nanghina ako sa mga nabasa ko. Sumuntok ako ng malakas sa pader dahil kasalanan ko ang lahat kung bakit siya nawala, kung ininda ko nalang sana kania yung sakit dahil sa kasama niya hindi sana mangyayari ito.
Yung mga pangarap ko parang bula nalang na naglaho, yung mga pag nanais ko na makasama siya habang nabubuhay ako hindi na din matutupad ni hindi ko manlang nasabi sa kanya kung gaano ko siya ka mahal, at kung gaano siya ka importante sa akin. Hindi ko na ngayon alam kung saan pa ako mag sisimula ulit.
-the end…