A chance to love again.

33.5K 314 36
                                    

Chapter 1


Papalubog na ang araw nang maglakad lakad si Ayen sa tabing dagat, nasa Palawan siya. Ang beach resort na kanilang pamilya. Summer Vacation naman kaya naisipan niyang doon nalang muna siya mamalagi, habang bakasyon.Kolehiyo na sha sa pasukan. Napakalungkot dahil mag isa nanaman sha. Wala nang bago doon, at pinili niya iyon. Bumuntong hininga sha..    Kung nandito ka lang, sana masaya ako ngayon, sana kasama kita, sana may yayakap saakin, pero iniwan mo ako.    Napabuntong hininga nanaman sha. Inilabas niya ang Iphone niya at kinabit doon ang earphone. Nakinig nalang sha sa nakakarelax na tugtog. Umupo sha sa buhanginan at tinignan ang papalubog na araw. Ngunit walang naitulong ang tugtog para pagaanin ang loob niya, lalo lang bumigat. Naiisip niya si Daniel, ang lalaking minahal niya. Ang lalaking nagpabago sakanya, ang rason kung bakit naging maayos ang buhay niya. Naalala niya bago dumating si Daniel sa buhay niya, ay walang direksyon ang buhay niya, hindi siya nag aaral, hindi siya sumusunod sa patakaran ng eskuwelahan, gala doon gala diyan. Pero nang dumating si Daniel, Inayos niya ang sarili niya para dito. Nag aral siya. Mahal na mahal niya ito. akala niya ito na ang para sakanya, kahit alam niyang walang forever, umasa padin sha, pero katulad sa iba, walang nangyari. Iniwan siya nito. Daniel, bakit mo ako iniwan? sabi mo forever tayo, sabi mo kaya mong panindigan ang mga sinasabi mo? pero bakit iniwan mo ako? bakit hindi ka lumaban? Naalala niya noong sinabi nito iyon sakanya..


"Baby, I ... I have something to tell you" Anito habang nasa park sila sa Village nito. Wala kasing pasok kaya pumunta sha sa bahay ng mga ito. Mejo na weird-an siya dito. dahil simula pa kanina eh parang may problema ito at matamlay. At parang seryoso ito. "What's with the face? hmm. what is it?" aniya. habang nilalaro laro ang buhok nito. nakahiga ito sa kandungan niya. Hindi ito makatingin sakaniya. Mejo kinakabahan na siya pero binabalewala niya. Ayaw niyang mag isip. Mapa-praning lang siya kung mag i isip siya nang kung ano ano. "uhm, babe I.. uhm, Im sick, Stage 4, colon cancer. Kaya hindi na ako pumapasok, diba I told you na nag home study ako, that isn't true, Napadalas kasi ang pagsugod saakin sa hospital, kailan lang din nila na diagnose, at malala na pala. Baby Im sorry, I don't want this, I don't want to leave you, pero heto na, nandito na at wala na akong magagawa," anito habang nakatingin sa malayo. Hindi niya namalayang tumulo na ang luha niya. Hindi sha makapagsalita, hindi niya maapuhap kung ano ang sasabihin niya. Hindi, hindi ito nangyayari. Panaginip lang naman to diba God? Aniya sa isip. Hindi pwede, hindi niya kayang mawala ito. tinitigan niya ito. lumuluha nadin ito. hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin, ang kaniyang mararamdaman. "Sira ka talaga Baby, pinapaiyak mo naman ako eh. Imposible yan baby, ang strong mo nga eh oh. parang wala kang sakit, oo minsan napapansin kong may mali sayo, pero hindi. hindi pwede baby." Aniya habang pinipigilang mapahagulgol. Umupo ito sa harap niya at hinawakan ang kaniyang kamay. Niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit. Hinalikan siya nito sa noo, sa ilong .. at sa labi. at niyakap ulit siya. Hindi niya napigilang humagulgol. Hindi nga ito nagbibiro, dahil kung nagbibiro ito, hindi ito iiyak. kahit kailan ay hindi niya ito nakitang umiyak, lagi itong may ngiti sa labi. "Sshh. Don't cry, I don't like seeing you like that, para na rin akong pinapatay ng dahan dahan pag ganyan ka baby. Be okay, please? gawin mo ito para saakin, kasi tanggap ko na, dapat matanggap mo rin, ayokong makita kang nahihirapan" anito habang yakap yakap siya. ang higpit ng yakap nito, parang wala nang bukas, at iyon ang kinatatakutan niya, ang dumating ang araw na hindi na niya ito makita. kinuha nito ang camera at kinuhanan siya ng litrato. Ito ang hilig nito, ang kumuha ng litrato gamit ang SLR nito, kahit saan ay dala nito iyon, nakangiti ito sakanya na parang walang iniindang sakit, na parang ang sigla sigla nito. Pinilit niyang ngitian ito, ayaw niyang malungkot ito dahil sa nakikita nitong malungkot siya, kaya ngingiti siya, para dito kahit mahirap, kahit masakit. "Baby, tama na. wag puro ako. tayo naman. tayong dalawa naman ang mag picture, please? hmm. I love you" aniya habang kinuha dito ang camera. Kumuha sila ng litrato na magkasama. kung tutuusin napaka dami na nilang litrato, siguro isang buong kwarto puno na ng litrato nila, pagkatapos kasi nilang kumuha ng mga litrato ay ipini print nito iyon kaagad. Papalubog na ang araw nang makabalik sila sa bahay nito. Ayaw niya pa sanang umuwi pero kailangan. kabilang Village lang naman ang kanilang bahay, pero parang ayaw pa rin niya. Pinapasakay na sha nito sakanyang bisikleta. hawak padin nito ang camera at kinukunan siya. "Babe, babalik ako bukas, dito ako matutulog gusto kong nasa tabi lang kita, aalagaan kita. Andito lang ako. Hindi kita iiwan. Promise ko yan. " Aniya at hinalikan ito. Nginitian siya nito at nagsimula na siyang magpedal paalis.

Umiiyak si Ayen habang nagpe pedal palayo kay daniel. Hindi niya mapigilan ang lungkot na bumabalot sakaniyang puso. Natatakot siya na baka mamaya, bukas o sa isang bukas ay hindi na niya ito makita.Pagdating niya sakanilang bahay ay sinalubong siya nang kaniyang mommy, nagulat ito nang makitang namumugto ang kaniyang mga mata,tumakbo siya at niyakap ito. dito siya umiyak ng umiyak. " Mommy, daniel is dying. He's dying mommy, he has cancer. I can't.. I--I can't live without him, I want to die with him mommy!" aniya rito sabay hagulgol. nanigas ito marahil sa pagkagulat, hinagod hagod nito ang kaniyang likod, ngunit wala pa ring nagagawa iyon para pagaanin ang kaniyang loob. "sshh. dont say that  please, and don't cry sweetheart, everything's gonna be alright. he's going to be okay" anito habang pinapahid ang kaniyang mga luha. hindi sha makahinga. gusto niyang iiyak iyon. gusto niyang magwala, gusto niyang sumigaw. tumakbo siya sakanyang kwarto at ni lock iyon. umiyak siya nang umiyak doon. hindi siya kumain. naaalala niya ang mga nangyari sakanila ni daniel. napaka saya nila. wala nga silang problema, pero eto, ang saklap nang kapalit nang kaligayang iyon.

Nagsusulat si Daniel sa diary niya noong oras na iyon. Nalulungkot siya, alam niya kahit nakangiti si ayen kanina sa harap niya, alam niyang nagdurusa ito. nasasaktan din siya. minsan naitanong niya sa Panginoon kung bakit sa lahat ng tao sha pa, napakadami pa niyang pangarap, para sakniya, sa pamilya niya, sakanila ni ayen, pero ang lahat ng iyon ay maglalaho na, dahil sa sakit niya. kinuha niya ang scrapbook na ginawa niya para kay ayen. nilagay niya ang litrato nila kanina at isinulat.. "words can't define how much I love my baby, she's my everything, my life, i'd do everything for you, I will spend the rest of my life with you. I love your eyes that stares at me with love, your nose that perspires, your siopao cheecks, your lips that I love to kiss,from your mouth comes your lovely voice -- the softest words ever spoken, your smile that lights up my dark world." kumuha siya nang papel at nagsulat ng para sakaniyang mga magulang at isa pa para sa mga kaibigan. Nakahinga na siya nang maluwag.     nasabi ko na kay ayen, wala na akong iisipin pa, gusto kong matanggap nila lahat ito. ayoko nang pahirapan pa ang mga tao sa paligid ko.

A chance to love again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon