Chapter 2

17K 135 42
                                        

Tinanghali ng gising si ayen, halos wala nga siyang tulog kakaiyak, naligo lang siya ng mabilis at lumabas na ng kaniyang kwarto, nakita niya ang daddy at ang kuya niya sa breakfast room, nag a almusal ang mga ito. Ang mommy niya ay nagtitimpla ng kape. "Aalis na muna ako, pupunta ako kina daniel doon po ako matutulog bukas nalang po ako babalik dito" aniya at tumalikod. ngunit tinawag siya nang kaniyang daddy. " Ayessa, hindi ka ba muna kakain? kagabi ka pa daw hindi kumakain, baka magkasakit ka niyan." anito sakaniya at nagaalalang tingin ang ipinupukol sakanya. bumuntong hininga siya. " dad, im not hungry.  I have to go. Mom, id be back tomorrow. I love you" aniya at umalis na. pagdating niya sa bahay nila daniel ay sinalubong siya ng mommy nito. " Hi tita. si Daniel po?" Aniya rito at ngumiti. parang pagod din ito at namumugto ang mga mata. Ngunit ngumiti padin ito sakanya. " Goodmorning Ayen hija, nandoon sha sa music room, puntahan mo nalang sha." anito at hinatid sha sa hagdanan. nagpasalamat sha at naglakad na patungo sa music room nito. nakita niya itong nakasalampak sa tabi ng piano. tinakbo niya ito. nataranta sha. wala itong malay! "daniel! daniel gising! tita! help! tita anya!" aniya at sumigaw na, niyuyugyog niya ito ngunit hindi parin ito gumagalaw. tumakbo siya sa may pinto at sumigaw doon. "tita! tito! si daniel po!" tumatakbong lumapit ang mga ito. "anong nangyari?" tanong sakaniya ni tita anya ang mommy nito. binuhat ito ng ama nito at itinakbo sa sasakyan. sumunod sila doon. nasa sasakyan na sila nang magsalita siya. "hindi ko po alam, pag ka pasok ko, naka salampak po sha sa sahig at wala nang malay!" aniya. umiiyak na sha. hindi niya kayang makita na wala itong malay at putlang putla. nanlalamig nadin ito. pagpasok na pagpasok nila sa hospital ay sinalubong sila ng mga nurse at inilagay sa stretcher...

"Lord, wag niyo po munang kukunin saamin si Daniel, please. Mahal na mahal ko siya, give him more time, give us more time to spend with him, Im begging you!" Nasa chapel siya nang mga oras na iyon at ipinagdadasal si daniel. umokay na daw ang lagay nito pero ayaw nang pumayag ng mga magulang nito na ipagamot pa ito, dahil yun daw ang gusto ng binata. Nasa itaas na din ang kaniyang mga magulang, kasama ng magulang ni daniel. pagkapasok niya sa kuwarto ni daniel ay gising na ito, "kanina pa kita hinihintay baby, bakit ang tagal mo?" anito sakanya at ngumiti. nakakainis na ito, nakukuha pa nitong ngumiti siya. magkatabi ang mga magulang nila, nakatunghay sakanila ni daniel, nag excuse ang mga ito at bibili ng mga pagkain, kaya naiwan sila ni daniel. Lumapit sha dito at umupo sa kama nito. Naaawa siya rito, halatang nahihirapan ito, pero nakukuha parin nitong ngumiti sakaniya. "nagpunta ako sa chapel, nagdasal lang ako. babe, pwede na ba magpakasal sa edad nating to?" aniya rito at humiga narin. tumabi siya dito at niyakap ito.     nanamnamin ko ang bawat minutong kasama kita daniel..    nagulat ata ito sa sinabi niya dahil hindi ito nagsalita kaagad, nang makabawi ito ay kinuha nito ang kaniyang kamay at hinalikan. " why? you want us to get married baby? were too young. lets just spend my short time together. punta tayo sa favorite spot natin sa park. yung sa may puno? I have something for you." anito habang nakatitig sakanya. tumango nalang sha at pumikit. unti unti siyang inantok habang nakayakap dito. hindi niya namalayang nakatulog na siya.

Nakatulog si Ayen sa bisig ni daniel. Nalungkot sha, baka ito na ang huling beses na magiging ganoon sila. hinalikan niya ito sa labi. matagal. gusto niyang namnamin ang pagkakataong ito. bumukas ang pinto at pumasok ang magulang nila. nagulat ang mga ito. " Nakatulog po sha. Mommy, lalabas na ako mamaya pwede ba? may pupuntahan kami ni ayen bukas. tapos daddy, samahan mo ako sa jewelry store. okay lang po ba?" aniya rito habang nakatingin kay ayen. ngumiti ang mga ito. lumabas na nga siya ng ospital kinagabihan. Umuwi si ayen, may kukunin lang daw ito saglit. Pumunta sila nang daddy niya sa jewelry store at bumili sha ng isang set ng jewelry para kay ayen. May kwintas, bracelet, hikaw at singsing iyon. pagkabalik niya ay wala pa si ayen. binalot niya iyon at inilagay ang mga larawan nila, ang mga sulat at journal nila, ang jewelry, at tatlong pirasong rosas.Maya maya ay Lumapit siya sa mommy niya pagkadating nila, niyakap niya ito. "Mommy, thankyou for everything. I am happy kasi ikaw ang naging mommy ko. lagi padin akong nasa tabi niyo kapag nawala na ako, alagaan niyo din si ayen ha? mahal ko kayo ni daddy. " aniya habang pinipigilang umiyak. nilapitan niya ang daddy niya at niyakap din. " anak, wag kang magsalita nang ganyan, hindi ka mawawala okay? lumaban ka. hindi ang sakit na yan ang magpapabagsak sa katapangan mo" anang ina niya. pero niyakap niya lang ito at hinalikan. pagkabalik ni ayen ay kumain sila at nagbonding. magkatabi silang natulog sa kwarto niya.

Kinabukasan ng umaga ay sinabi ni daniel na mauna na si ayen sa park, sabi nito ay may surprise daw kasi ito. pagkadating niya sa park ay itinabi niya ang kanyang bisikleta sa puno at umupo siya sa paanan ng puno. dumating ito gamit ang bisikleta nito. andaming nakalagay sa basket ng bike nito. may box na may kalakihan at yung camera nito. pagkalapit nito ay tinanggal niya ang earphones niya at nilapitan ito. inakay niya ito at umupo na sila sa tabi ng puno. binuksan nito ang box at nilabas ang mas maliit na box, binuksan nito iyon at nagulat sha sa nakita. isang set ng jewelry. unang sinuot nito sakanya ay ang kwintas. ang hikaw, tapos yung bracelet at ang singsing. " Ingatan mo yan ha? pag suot mo yan, parang nandito lang ako sa tabi mo.I-promise mo saakin na magiging masaya ka din, Lagi padin akong nandito sa tabi mo, hindi mo lang ako makikita, pero andito padin ako, kaya wag ka nang malungkot." anito nang isuot nito ang singsing. Hindi niya na napigilan ang pag iyak.     Lord, wag niyo po shang kukunin saakin, parang awa niyo na. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kaya. pinahid nito ang kaniyang luha, at hinalikan ang kaniyang pisngi. lalong bumigat ang pakiramdam niya. Kailan niya pa ulit mararanasan ang paghalik nito sakaniya? ang pagyakap nito, ang mga ngiti nito. "Nangako ka saakin, ang sabi mo, hindi mo ako iiwan, ang sabi mo, aalalayan mo ako sa bawat pagsubok na darating, ang sabi mo mahal mo ako, bakit mo ako iiwan? " aniya sa pagitan ng paghikbi. "huwag mong sasabihin yan, kasi isipin ko pa lang na hindi ka makita habang buhay, para narin akong pinapatay" niyakap niya ito ng sobrang higpit. nilabas niya ang kaniyang camera at vinideohan ito. " Hmm baby, Video to. Smile ka!" aniya habang tinatapat sa muka nito yung camera. Ampayat na nito. hindi na ito katulad ng dati na malusog tignan. ngumiti ito sa camera ngunit hindi na iyon umabot sa mata nito. " Mahal na mahal kita Ayen, Wag mong pababayaan ang sarili mo, andito ako palagi para sayo. Pasensiya ka na kung maiiwan kita, pero magkikita pa din naman tayo balang araw. Alam mo yan. Ayokong makita kang malungkot. Gusto ko maging masaya ka. Mahal kita. Mayroon pa akong mga regalo para sayo doon sa kahon, saka mo na tignan ha? " Anito sa malungkot na tinig. Itinigil niya ang video at Hinalikan ito sa labi. Matagal naghinang ang mga labi nila. at nang niyakap niya ito, naramdaman niyang bumigat ito, at pagtingin niya ay wala na itong malay. nataranta sha. "daniel! daniel! gising daniel! tulong! tulong! d-daniel?.." aniya. tinawagan niya si Tita anya at agad na pumunta ang mga ito sa parke. Isinugod nila si daniel sa ospital, nang nasa stretcher na ito ay hinawakan nito ang kamay niya, inilapit niya ang tainga niya sa bibig nito dahil parang may ibinubulong ito.. " Ayen, mahal na mahal kita, paalam. " Anito at nang tingnan niya ito, ngumiti ito at pumikit na. Wala na si daniel. Wala na ang kaniyang mga pangarap. wala na ang lalaking mahal na mahal niya...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A chance to love again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon