Kinagabihan tinawag ako ni mama. Inutusan nya akong bumili ng pandesal sa kanto. Edi ako namang si masunuring anak eh agad namang sumunod. Binigyan ako ng P100 ni mama kaya naisipan ko na ding magpaload.
"Manang, paload nga po!" Si manang elsa ang lagi kong pinagpapaloadan kan walang patong. Yung iba kasi kumikita na may patong pa! Oh diba? Kupal lang.
"Aba, mukhang may katext ang dalaga ah! Boyfriend?" Tanong nya sakin. Aba porket ba magpapaload may boyfriend na?
"Grabe sya! Wala po!" Pagkatapos akong magpaload agad kong kinuha yung pandesal sa kabilang tandihan, iniinit pa kasi yun bago ibigay.
Pagkauwi ko, agad kong hinanap ang cellphone ko. Nagregister ako sa isang promo ng talk n' text. Maganda kasi ang network na to, mura na sulit pa.
ai shete!
"May dapat nga pala akong isearch!" Nako! Talaga naman ako napakamalimutin!
Dali dali kong kinuha ang laptop ko at inopen. Okay Google.
Agad kong tinype sa search bar ang dapat ko isearch. At syempre naglog in na ako sa facebook.
Chineck ko ang messages ko and viola! May chat si mark.
Mark: Hello! Nagawa mo?
Dapat ba akong magreply? Well nagreply din naman ako.
Me: yow. What the hell? Yow?
Natawa nalang ako sa kagagahan ko.
Nung nahanap ko na ang dapat kong hanapin ginawan ko na agad ng summary at nilagay sa document. Pagakatapos ko mag google naisipan kong magbrowsr nalang muna sa facebook.Unang una sa Newsfeed ko ai yung mukha ni mark
Mark dela Fuente changes his profile picture.
Hala ang pangit! Hahahaha! Joke lang! Gwapo talaga sya.
Dahil naawa ako eh pinusuan ko na. Ng makaramdam ako ng uhaw pumunta ako ng kusina at kinuha ang mogumogu sa ref.
Pagbalik ko may notification ako.
Mark dela fuente mentioned you in a comment.
Nagwapuhan ka ano? Yieeeehhh Icelle
Dafuq? Ang hangin talaga!!!
Nagreply naman ako kapal! Naawa lang ako sayo kasi walang naglalalike! Ew!
Dahil nainis ako naglog out nalang ako!

YOU ARE READING
Leave or Stay
Teen FictionWill you leave me for what I've done? Or You'll Stay because you love me?