Hello. First time kong gumawa ng one shot story. At sa isang contest ko pa nasubukan.. Since tapos na ang roung na iyon, here it is. Iuupload ko na.. Hehe..Enjoy!!! ^__^
Hanap. Hanap. Bakit ba kasi hindi nakaayos ang mga libro dito eh, ang hassle tuloy pag may rush kang gagawin. Badtrip..
“Miss..” Deadma lang Aya. Maraming ka pang hahabuling school works. Focus muna. Pero mukhang hindi yata papaawat tong kung sinumang ponsio-pilato at kinukulit pa rin ako ngayon. Maldita radar is on. I raised an eyebrow and put on a snobbish aura.
“What?!!”
“Kanina pa kasi kita nakikitang paikot-ikot. Mukhang hindi mo makita yung hinahanap mo. Okay lang naman ang magtanong. Baka matulungan pa kita.” Hindi yata tinablan si kuya kasi nagawa pa akong pakitaan ng pang-close up smile niya. Pakiramdam ko nakaslow-mo ang paligid tapos blurry yung environment at kami lang ang normal. Tipong kami lang ang nag-eexist sa moment na ‘to. “Miss..” I went back to my senses nung tawagin niya ko. Nahuli niya kaya akong nakatingin sakanya? Ano ba yan, ang cute niya naman kasi. Fine. NBSB ako. Yata? Hindi ko kasi alam kung na-inlove na ba ako noon.
Well, enough of that. Kailangan ko munang mahanap yung pesteng libro na iyon. “Librarian ka ba?” I managed to ask.
“Hindi, pero madalas ako dito. Halos dito na nga ako nakatira eh.” Talaga lang ha. Ano ka? Guard ng library? E kahit yata guard, 8 hours lang kung magbantay dito, tapos siya, resident ng library? Pero kung madalas siya dito, bakit ngayon ko lang siya nakita? I’m a bookworm. I like reading romance novels cause I’m a hopeless romantic, and this is the perfect place to read those books. Madalas ako dito lalo na pag napapagalitan nila Mommy and I don’t know, pero I find this place so peaceful and magical. Parang it has this special effect on me. Ilang buwan din akong hindi nakapasok dito kaya nga ang saya ko nung nirequire kaming gumamit ng books from the library for our research instead of the internet. Atleast may dahilan na ulit akong magtagal dito. Ayaw kasi akong palabasin ng mga over protective kong parents. Kaya maraming salamat sa mga batang copy-paste para sa research naming na ito.
“Fine. Kung madalas ka talaga dito, siguro naman nakabisado mo na kung saan nakalagay tong librong ‘to.” Pinakita ko sakanya yung title and in a snap, inabot niya yung libro sa gilid ko. “W-Wait, wala yan dyan kanina. I swear. Nakakalimang balik na ko sa area na ‘to at napunasan ko na nga yata lahat ng alikabok ng mga libro pero hindi ko parin yan nakita.” Confusion can be read all over my face. Paano nangyari yun? Dahil ba nasa medyo malayong area ako at madilim kaya hindi ko napansin? Nagpalipat-lipat ako ng tingin ko sakanya at sa lugar na pinagkuhanan niya.
“Baka kanina pa siya nandyan, hindi mo lang napansin.” He winked at me. And there it goes again. He’s oh-so-sweet-smile.
“Cassiopeia nga pala. A-----.”
“Aya.”
“I’m sorry. Kilala mo ko?”
“Ah, eh ang pangit naman kasi kung casio ang palayaw mo o siope. So I suppose Aya is your nickname. Just a wild guess.” Napakamot pa siya sa ulo. Nagkamali ba ako ng tingin o totoong nagbablush siya?
“Oo nga naman. Hehe. Aya.”I extended my arms pero iniabot niya lang sakin yun libro. I just smiled at him. Mabait naman pala siya. Ito ba yung tinatawag nilang crush at first sight? Kasi kung oo, malamang, in-like na nga ako sakanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na in-love agad. Pero ang gaan kasi ng pakiramdam ko sakanya. I don’t usually talk to strangers dahil medyo anti-social ako. Pero he’s nice…. And cute… Hindi naman bawal mag-admire ng kagwapuhan. Aba, work of art kaya ni God yan. Kaya dapat i-appreciate. Kilig much. Kaarte.
BINABASA MO ANG
A Glimpse of Heaven (One Shot)
Short StoryMy first one shot Entry. First time kong makagawa ng one shot. Tapos nakapasok pa sa contest as one of the top 40. kahit hindi na makapasok sa top 16, keri na. Kasi out of hundreds, isa ako sa nakapasok sa first round.. hehe.. enjoy!