SHOT #1 NOON NA KASI YON
Nakakapagod ding magmahal ng taong kahit kailan di ka mamahalin.
Nakakatanga na ding maging tanga, Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung adik ba ako sa pagiging bulag o bisyo ko lang talaga ang pagtatanga-tangahan? Kung ano ako sa dalawang yan, I have no idea.
Basta ngayon, I've finally made up my mind.
Kakalimutan ko na siya..
Right, Magmomove-on na ako. Sobrang sakit na kasi kaya ayoko na din. Mabuti nang tumigil para di na masaktan.
Less landi, less sakit.. More fun.
KAKALIMUTAN NA KITA AC PE-----
"Angel?"
Anak ka nang nanay mo.
"A-A-A--AC!?" Nanginginig yung boses ko, di ko alam kung sinong poncio pilato ang nagpapunta sakanya dito pero kung sino man siya..
Poncio pilato talaga siya,
KITA NANG NAGMOMOVE-ON AKO EH?
"Uhmm, hi?" He flashed a smile, that smile that captured me all these years. "Kanina pa kita hinahanap,"
Humakbang siya papalapit sakin but I remained distant, ayokong maramdaman lalo ang presensya niya.
"Ah hehehe, B-Bakit naman?"
He shrugged, "Wala lang,gusto lang kitang pasalamatan." Mainit ang naging pag-ngiti niya sakin.
"Kung di kasi dahil sayo di magiging kami ni Venice ngayon."
Wow.. Ang saya niya oh?
I gulped the large lump forming on my throat, inayos ko ang salamin ko at pinigil ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko.
I shall cry not..
"Ha..Ha..HAHAHA!!Oo naman, sus ikaw pa! Malakas ka ata sakin!" Hinampas hampas ko siya sa braso.
Tangina sobrang sakit na. Ayoko na nga eh? Bakit kailangan pang ipamukha sakin?
Na di ka magiging akin.. Bakit kailangang pahirapan ako?
Patuloy ko siyang hinampas sa braso habang tumatawa, "HAHAHA!!Syempre gagawin ko ang lahat para sa kasiyahan mo,Bestfriend mo ko eh, Love na love kaya kita?"
"Uhh, Angel? Medyo masakit na yung--"
"Masakit? Syempre masakit na talaga HAHAHAHA Mahal na mahal kaya kita!"
"A-Aray! Yung hampas mo angge masakit."
Napatigil ako sa paghampas at napahawak sa tuhod ko. Napaupo ako at napahagulhol.
Lord sobrang sakit naman ata?
"Ay yung hampas pala ang masakit, Sorry." Sabi ko habang umiiyak. Napayukyok ako sa mga braso ko. Di ako makatigil.
"H-Hey, why are you crying?" Lumuhod siya sa harap ko at iniharap ako sakanya. "May problema ba?"
Tumingin ako sa mga mata niya, yung mga mata niya na minahal ko, yung mukha niyang lagi kong sinasampal tuwing inaasar niya ako. Tiningnan ko siya.
Tiningnan ko ang lalaking kahit kailan di magiging akin.
"Oo may problema," Yumuko ako at napakuyom nang kamay. "Mahal kasi kita AC, yun ang problema."
Naramdaman kong dumausdos ang kamay niya na nasa balikat ko, His eyes were shocked, halatang di makapaniwala.
"Matagal na AC, simula nang mga bata tayo. Di ko alam kung kailan nagsimula pero mahalaga pa ba yun? Mahal kita yun lang ang alam ko." I said while punching the ground, sobrang tanga ko kasi. "Kaso hindi ka kasi sakin magiging masaya, Hindi ako yung mahal mo. Alangan ipagpilitan ko yung sarili ko sayo? Ang priority ko lang naman yung kasiyahan mo." I wept in tears.
"Pero kasi AC ang sakit talaga, ang sakit tanggapin na wala man lang kahit 0% chance na maging akin ka. Yung ako naman yung mag-aalaga sayo? Ako yung magmamahal at magpapangiti sayo, Yung ako naman yung mahal mo at kukumpleto sa araw mo. Gusto ko naman tumayo sa tabi mo habang hawak ang kamay ko di yung nasa likod mo lang ako palagi at sumusupport sayo. AC!" Hinapit ko siya sa kwelyo at sinapak sa dibdib, "Bakit di nalang kasi ako?"
Umiyak ako, umiyak ako nang umiyak habang siya nakayuko lang. Lumapit siya sakin at niyakap ako..
"It has always been you,"
Napapikit ako sa sinabi niya, Bakit ganito?
"Akala ko kasi wala akong pag-asa sayo noon, kaya sumuko na ako. Sinubukan ko kung may mararamdaman ka man lang ba pag sinabi kong gusto ko si Venice at magpapalakad ako pero wala, tuwang-tuwa ka pa at willing na tulungan ako." Mapait niya akong nginitian at pinunasan ang mga luha ko. "Mahal na mahal din kita"
"Pero noon na kasi yon Angge, sorry"
Sa ikalawang pagkakataon, napapikit ako.
I missed my chance.
"Sa tagal nang panahon na nasayang, di ko na kayang ibalik yung nararamdaman ko. Patawarin mo ako kung manhid ako o ano, takot lang din ako," he tapped my head as he slowly stood up.
"AC, mahal talaga kita." Pabulong kong sabi sa pagitan ng mga hikbi. "Pwedeng paki-rewind ng oras?"
"Hindi na pwede eh? Di ko din kaya," he answered. "Pasensya na kung ako ang dahilan nang mga luha mo. Mas nauna lang akong napagod sayo. wag kang mag-alala, mawawala din yung sakit."
Tumalikod siya at tuluyang naglakad papalayo. Pinanuod ko ang anino niya habang unti-unti siya lumalayo, papalayo sakin at papalabas nang buhay ko.
"Bumalik ka please, mahal talaga kita eh." Bulong ko sa sarili ko at dahan dahang tumayo.
Si AC Peralta, bestfriend ko simula nang mga panaong nadiaper pa kaming dalawa. Laging magkasama pero di ko inaasahang dadating yung panahong magkakahiwalay na kami.
Siya si AC, yung lalaking mahal na mahal ko. Lalaking mahal din ako noon pero may mahal nang iba ngayon.
Sobrang sakit niya grabe.,
Pinunasan ko ang luha ko at naglakad papalayo.
Sana bumalik siya no? Tas sabihin niyang joke lang ang lahat.
Kaso hindi niya naman sasabihin yon.
Wala kami sa fairy tale, nasa reyalidad kami.
At ang reyalidad mismo ang nagsabing hindi talaga kai pwede.
"Ven," tawag ko sa babaeng brown at mahaba ag buhok, maganda, mabait at matalino.
Babaeng hindi ako..
"Angel? Umiiyak kaba?" Lumapit siya sakin at hinawakn ang pisngi ko. "What happened? Ok ka lang ba?"
Ngumiti ako at umiling iling, "Wala lang to," niyakap ko siya pagkatapos at humikbi..
Ven,sana ako nalang..
"Angge?" Tawag niya sakin atsaka hinarap ako.
Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti.,
"Pakialagaan nalang siya para sakin," habilin ko saka umalis..
Kailangan ko nang tumigil.. Kailangan na talaga.
___________

YOU ARE READING
One shot compilations
Teen FictionAll the pain that have been surpressed, All the feelings that have remained untold, All the memories that have been buried.. All will be unfolded in this compilations..