#3 SHOT Surpresa
Nasa point na ako ng buhay ko na gusto ko siya pero hanggang dito lang ako,
Gusto ko siya pero malabong gusto niya rin ako,
Gusto ko siya kaya lang baka bigla siyang lumayo..
Gusto ko siya, pero maraming pero na pumipigil sa nararamdaman ko..Daniel bakit kasi kinaibigan mo ako?!
Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin?
Bakit ba hindi tayo pwede!?Dan----- speaking of..
"Uy Sam! Kamusta na? balita ko tatakbo kang Student Council this school year?"
"Ah-- D-da-Daniel!! ikaw pala hehe" - SHET BA'T AKO NAUUTAL!!!
" hmm ay Oo pala! hehe" - ang pabebe kolang.. shet nu bato!
" Gusto mo ba samahan kita mag campaign? " - seryosong alok niya habang nakangiti
"sasamahan moko tas papaasahin mo lang ako tas iiwan.. " bulong ko.
" A-Ano yun Sam? Okay lang ba? "
" Ah- eh? Oo naman hehe " shet i kennat !!! bat ba ako nagkakaganito!
" Okay seeyou later " - sambit niya sabay kindat pa. Jusko paasa talaga to.
So eto ako ngayon na-estatwa na dito sa kinatatayuan ko no! Sino ba namang di maeestatwa e superduper crush ko yon si daniel kahit bestfriends kami!!! Yes, Best friends kami tama ang nababasa niyo!!
Bestfriends lang kami. At crush ko siya, hindi na nga crush e mahal ko na ang bestfriend ko. Pero alam ko naman na hindi kami pwede, hindi niya ako kayang mahalin. Hindi ako yung tipo niyang babae. Hindi ako yung pangarap niyang makakasama sa buhay.. Ang sakit diba? Hahaha ang sakit mag mahal ng kaibigan kalang.
Ang sakit mahalin ng taong di ka kayang mahalin pabalik.Bakit ba kasi ganon? Bakit pagmahal mo yung tao hindi ka mahal? Tapos kapag mahal ka naman hindi mo mahal!? Ang gulo ng tadhana jusko naistress ako!
Hmmm.. Umamin na lang kaya ako?
para atlis alam ko ano dapat kong gawin. Kung dapat ba lumayo nako o ano? Hays makapunta nalang muna sa Library..****
Ilang oras na ang lumipas na ginugugol ko dito sa library wo naisipan ko na umuwi wala nadin kasing klase..
" Sammmm! " - sigaw ng isang lalake na nasa malayo pa lang e kumakaway kaway pa.. si daniel pala.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin..
"Sam!!! ang saya saya ko! sinagot na ako ni Mia" - halatang halata sa boses nya ang kanyang pagiging masaya habang nararamdaman ko na ang pagpatak ng luha sa aking mata. Ang sakit pala. Kaagad akong umalis sa pagkakayakap niya.
"C-congrats" -sambit ko habang pinunasan ang aking luha.
" Oh sam? bakit ka umiiyak? Okay kalang? " - tugon niya habang pinagmamasdan akong umiiyak sa harapan niya.
Agad akong umalis at tumakbo papalayo sa kanya..
Ang sakit.
Sobrang sakit!!!!!!!!!
Ayokoooo naaaaa!
Bakit ang sakit sakit!!!!
Bakittttt!
Hindi koba deserve maging masaya?Hindi ba pwedeng ako nalang para sakanya?
Bakit ba kasi ako nagkagusto sa taong hindi ako gusto!?
Bakit ko ba minahal yung taong hindi kayang suklian yung pagmamahal ko!?
Lord akala ko siya na eh?
Akala ko darating yung time na magiging pwede rin kami!
Akala ko kasi----
*******
" Sam.. Mahal kita. Mahal na mahal kita.. Patawad. Gusto lang naman kita surpresahin sa birthday mo kaya ko na sabi yon. Pero hindi, Sorry " umiiyak na sabi ni daniel. at teka bat siya umiiyak
" Uy bakit kaba umiiyak! Ano bayan okay lang yon! mahal din kita tayo kana nga diyan!!" nagtaka ako ng biglang dumami ang mga tao sa pagligid niya..
At makita ko ang sarili ko na duguang nakalumpasay sa sahig..
Anong nangyare sakin?
Bakit?
Patay na ba ako?
Anooooo tooooo!!!!!
Bakit to nangyare sakin?
Bakit kailangan ko pang mamatay para malaman lang to.
Bakit umabot pa dito..
Daniel mahal na mahal kita..
Paalam..

YOU ARE READING
One shot compilations
Teen FictionAll the pain that have been surpressed, All the feelings that have remained untold, All the memories that have been buried.. All will be unfolded in this compilations..