SECOND CHANCE

81 1 0
                                    

Halos araw-araw nang binibisita ni Gab ang dalaga. Kaya kilala na siya ng mga kamag-anak at siyempre pa ng pamilya nito. Mula pa naman nung unang beses itong nakita ng mga magulang ni Mielle ay agad nang napanatag ang loob nito sa binata dahil bukod sa kabaitan nito ay alam nilang galing ito sa isang mabuting pamilya, wala na ring naging problema sa Kuya Andrei ni Mielle dahil ito na nga halos ang nagtutulak sa kanya na mag-boyfriend na, but Gab is not, and will never be.. pa kaya?

Wiling-wili ang mommy ni Mielle kapag naroon si Gabriel, paano naman daw kasi ay ang galing-galing nitong magpatawa at kamukha daw ito ng matinee idol na hinahangaan niya ng kapanahunan nito. At halata namang botong-boto ang ginang sa binata para sa kanyang anak na babae, pero magkaganun man ay inererespeto pa rin nito ang kagustuhan ni Mielle. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay natutuwa ang dalaga sa mga nangyayari, lalo na sa presensiya ni Gabriel. Hindi man kasi siya magsalita, nakikita niya naman ang pagsusumikap nito na maging bahagi kahit man lang ng araw niya, at maliban pa dito ay napabilib din siya sa kung paano nito nakuha ang loob ng pamilya niya in less than a week. Mas naging close na nga yata ito sa mommy niya kumpara sa kanya, sa daddy niya naman ay kasundo nito sa usapin na may kinalaman sa ekonomiya at the heck with his brother na katulad din nitong mahilig sa sports lalo na sa basketball. Parang wala na ngang problema, siya na lang siguro ang hinihintay but then hindi pa nga ito nagpo-propose sa kanya ng kahit ano, pero hindi pa ba masyadong halata

‘Mielle, hindi ka na naman umiimik d’yan.’

‘Ha? Mukhang kayo na nga ni Mommy ang nagkakaintindihan eh. Ano bang alam ko ‘dyan sa Beatles?’, ani ng dalaga.

‘Uy, ang princess oh, baka nagseselos ka na sa akin ha.’

‘Ano ka ba? As if naman magselos ako sa atensyon na binibigay sayo ni Mommy tapos ni Daddy, then ni Kuya. Pati nga yata si Xavier ikaw na ang palaging hinahanap.’, ang tinutukoy nito ay ang family pet nilang shitzu.

‘Jelly siya.. uy!’, asar pa ng binata.

‘Hindi noh! Gabriel tumigil ka nga ‘dyan. Masyado mo naman kasing kina-career eh!'

‘Ang alin? Bakit bawal ba na mapalapit ako sa pamilya mo?'

‘Ewan ko sayo.’

‘Ikaw naman kasi, matagal na kitang ini-invite sa bahay pero ayaw mo, para makilala ka naman ng family ko.’

‘For what?'

‘Ah..eh, para quitz tayo.’

‘That’s awkward, Gab.'

‘I don’t find it awkward Mielle, I find it reasonable.’, sandaling natahimik ang binata at muling nagsalita, ‘I’d be picking you up tonight at seven, nagpaalam na ako kay Tita Czarina at Tito Will at pumayag na din sila na mag-dinner tayo sa labas. You can’t say no.’

‘Aba, wala na pala akong right na mag-decide?.’

‘Meron ka namang right.’, seryoso na saad ni Gab.

‘Ano?’, tanong ni Mielle.

‘The right to remain silent.’

Hindi na naghintay ng sagot si Gabriel, umalis na ito matapos magsalita. Naiwang nakamaang si Mielle, for the first time a guy fascinated her. That made her smile, he just swept her from her feet. Gaya nga ng sabi nito ay magdi-dinner sila by seven kaya naghanda na din siya, its almost 6pm. Ang galing talaga nito mag-aya with a very short notice. She wore her simple casual silk dress, but she looked stunning.

Dumating nga si Gabriel ng eksaktong seven, bahagya pa nga itong natulala ng makita siya. But in the same way she was also amazed by his looks, alam niyang gwapo ito but tonight he seemed to be more handsome.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now