Character View

216 5 0
                                    

Lindsey Ann Alvarez "Lia" - Kilala sa palayaw na "Puchu-Com" o "Puchu-puchung Composer". Mahal na mahal niya ang musika at ang paggawa ng musika ngunit mukhang ang musika ang sumusuko sa kakayahan niya. Gayunpaman, walang makakatalo sa determinasyon niyang maging isang sikat na composer. Walang makakatalo sa palaban niyang karekter kahit pa ang malungkot niyang nakaraan. 

Kison Jae Castillo "Kison"- Ang Heart Stealer Guy na walang kasing sama ang ugali. Drummer/ Leader ng bandang kinababaliwan ng mga kababaihan, ang  "The Ars". Ngunit sa likod ng matigas niyang imahe ay ang mapagmahal na anak sa kanyang ina. 

Rhianne Cheng "Rhianne"- Ang Sweet-kontrabida Girl na kabaliktaran ng ugali niya sa Telebisyon ang karakter niya sa personal. Isang sikat na singer sa Korea. Half-Korean, Half-Taiwanese ngunit hindi rin naman mapapagkaila ang pagkakaroon niya ng "Pusong-Pinoy" na siyang impluwensiya ng Pilipinong katulong na nagpalaki sa kanya. 

Jake Blith Reynales "JB"- Ang Hot-Vocalist na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan hindi lang dahil sa mala-Anghel niyang boses kundi dahil din sa kanyang mala-Anghel na ugali. Ngunit hindi kagaya ng ibang mga lalaki, kahinaan niya ang Magmahal dahil kapag nagmahal siya walang kasing tamis. 


The "Ars" 

*Kison-  Heart stealer drummer/leader

*JB- Hot- Lead Vocalist

*Neyon- Funny-sub Vocalist

*Yugi- Ang Bully Guitarist

*Jio- Mr. Nice Pianist

*Mark- Chic Base Player

*Bamie- Cutie Beat Box Player


Dahil kapag nainlove ka nagbabago-bago ang tempo ng puso mo. Ano nga ba ang saktong tono at rhythm ng isang puso kapag umiibig?  Posible nga kayang magtagpuan ang taong matagal mo nang hinahanap sa pamamagitan ng musika? Humanda na sa kwentong makakapagparamdam sa inyo ng totoong Roller Coaster Ride. Ang Nobelang magpapaiyak, magpapatawa, magpapakanta, magpapa-inlove at magpapakita ng kahalagahan ng pamilya. Ang "Heart Beat". Dahil ang tunay na musika ay naririnig ng tenga at nararamdaman ng puso. 

Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon