Ikaw ay marikit
Na lagi sa akin ay dumidikit
Para kang linta
Na sa akin ay nagpapairita
Kung nasaan ako'y nandoon ka
Malapit na talagang maubos ang aking pasensya
Bango mo'y parang gumamela
Labi mo'y pulang-pula
Ang damit mong kulang sa tela
Sandal mong ang taas nakakalula
Ganunpaman, Ikaw lang wala ng iba
Ang mamahalin ko magpahabambuhay pa
***************
Ikaw ay makisig
At ako'y laging nakakapit sa iyong bisig
Ang gwapo ng iyong mukha
Ako ay nahahalina
Kung nasaan ka'y nandoon ako
Asahan mo ako'y laging nakasunod sa iyo
Ang noo'y laging nakakunot
Para bang laging nabubugnot
Para kang matandang dalaga
Na magmemenopause na
Ganunpaman, mahal kita
Kahit ano ka pa
©copyright 2014 by justdotzkie