LALO siyang kinilabutan sa paraan nito ng pagtawag sa pangalan niya. Nakita niyang napalunok ito habang pinagmamasdan ang kanyang mukha partikular ang kanyang mga labi.Pakiramdam niya nag-iba ang atmosphere sa paligid. Parang naging makulay iyon sa mga mata niya. Ni hindi niya maputol ang pakikipagtitigan kay Greg.
“Mira…”
“Hmm…”
“Don’t look at me like that…”
“Huh?”
“You’re looking at me as if you want me to kiss you…”
Napanganga siya. Ganoon ba ang naging pakahulugan niya sa pagtitig rito? Bigla siyang nakadama ng hiya at nagbawi ng tingin rito.
“M-mabuti pa bumalik na tayo sa inyo,” nauutal na wika niya. Sumasakit narin ang dibdib niya dahil sa pagwawala ng puso niya mula sa loob ng kanyang rib cage.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Ngunit hindi na muli pa itong nagsalita habang tinatalunton nila ang daan pauwi.
NAGING masaya ang ilang araw na bakasyon ni Mira sa ancestral house ng mga Villareal. Natutuwa rin siya sa nakikitang kasiglahan ng kanyang ina. Mabuti nalang pala at pumayag siya. Nakatulong rin ang kagandahan ng lugar upang makapagsulat siya. Nang nagdaang gabi ay naituloy niya ang hindi niya matapos-tapos na manuscript. Nasa ikalimang chapter na nga siya niyon ng tumigil siya.
Nang hapong iyon ay nagtungo sila sa beach resort ng mga Villareal at doon ipinasyang mag- swimming while having barbeque.
“Are you having fun, mom?” tanong niya sa kanyang ina na abala sa pag-iihaw ng barbeque.
Tinutulungan niya ito kasama ang kanyang Ninang Salome. Habang ang Ninong Charlie naman niya at si Greg ang naghahanda ng maiinom.
“Oo naman, anak. E, ikaw ba’y nag-i-enjoy rin?”
“Of course. Masyado pong maganda ang lugar para hindi i-enjoy, diba, Ninang?” bumaling siya sa kanyang Ninang Salome.
“Tama. Isa pa, mukhang may nabubuong pagtitinginan sa paligid,” pagpaparinig nito sa nanunuksong tinig.
Huling- huli niya ang makahulugang ngiti nito sa kanya nang lumingon siya.
“Ninang, ha. Leave us alone,” napapailing na wika niya ngunit nakangiti naman.
“What?” painosenteng tanong nito.
“I know what you’re thinking, Ninang. And it won’t happen.”
“Ha? Bakit?” ang kanyang ina.
“Hindi po magwu-work out sa amin ni Greg ang pag-aala cupid ninyo.” Manhid po iyon, e.
BINABASA MO ANG
Loving you, Mr. Sungit (ROUGE HEART SERIES: BOOK 1) "Completed"
RomanceMira likes to tease Greg-ang kanyang stunningly handsome na kinakapatid. Palagi kasi itong masungit - at sa kanya lang yata. Pinaglihi yata ang binata sa sama ng loob. She felt happiness every time she got her chance to annoy him. She wasn't aware w...