Power Revenge

5 1 0
                                    

San Mateo Rizal,dito ipinanganak si Pedro Penduko ang batang nagtataglay ng kakaibang taglay na lakas. Sila ay mahirap lamang kaya kailangan ng kanyang mga magulang na magbanat ng buto. Matagal ng gustong magka anak ng mg asawang Penduko ngunit alam nilang mahirap bumuhay ng isang pamilya sa maliit nilang kita. Gayunpaman,nagpumilit pa rin silang gumawa ng anak kahit na kailangan nilang magtiyaga upang suportahan ang lumalaking pamilya. Si fernando,ang ama ni Pedro,namamasukan sa hacienda ni ginoong Dela Cruz at si Rosita, ang ina ni Pedro, namimitas ng mga gulay at mga prutas sa gubat at tabing ilog para ibenta kay aling Edna.
Isang araw, iniwan ni Rosita ang anak sa loob ng bahay at binigyan niya ito ng mga laruan upang paglaruan ni Pedro habang siya naman ay mamimitas ng mga gulay at prutas sa gubat at tabing ilog. Habang si fernando naman ay papasok na sa trabaho kaya walang naiwan sa bahay nila kundi si Pedro lamang. Pagkalipas ng ilang minuto,agad na umuwi si Rosita sa bahay dahil nag aalala siya baka may mangyari sa kanyang anak na masama. Nang makarating si Rosita sa bahay, laking gulat niya sa nakita.Dahil ang iniwan niya'ng mga laruan ay sira sira na't nagkapira-piraso.

Rosita:pedro, anong nangyari dito?
(gulat na patanong ni Rosita sa anak)
Sabagay...luma na't marupok na ang mga laruang ito. Hayaan mo anak bibilihan kita ng mga bagong laruan pag nagkapera ako.
(Ang sabe ni Rosita sa anak)
Iniwan ulit ni Rosita ang anak sa bahay na tulog para ibenta ang mga napitas na mga gulay at prutas kay aling Edna.

(Sa palengle)

Edna:Rosita,nahuli ka ata ngayon?
Kanina pa kita hinihintay!

Rosita:oo,pinatulog ko pa kasi si Pedro.

Edna: ah..ganon ba?

Rosita:Oo, kanina ka pa ba dito?

Edna:matagal tagal na din.

Rosita:ahh..okey!!

Habang sila'y nag uusap na dalawa ,napansin ni edna kay Rosita na hindi ito masyadong umiimik at parang wala ito sa sarili niya. Naisipan ni Edna na itanong kay Rosita kung ano ba ang bumabagabag sa isipan niya.
Edna: may problema ba Rosita? mukhang malalim ata yang iniisip mo?

Rosita: nagtataka lang ako..iniwan ko si Pedro ng sandali sa bahay pagbalik ko'y sira na lahat ang kanyang mga laruan na aking iniwan.

Maria: eto po tiya Rosita. Para kay Pedro na lang po itong laruan ko .
(Sabe ng anak ni edna na si Maria)

Edna: sige na Rosita, tanggapin mo na ang regalo ni Maria kay Pedro.

Rosita: salamat maria!! Siguradong magugustuhan ni Pedro ito.

Maria: walang anuman po tiya Rosita.

Si Rosita ay umuwi na sa bahay dala ang laruan na bigay ni Maria galing sa palengke. Laking gulat ni Rosita ng makarating sa bahay. Sapagkat kung nakakapagtaka ang mga laruang iniwan niya na sira-sira .Mas nakakapagtaka ang nakita sa bahay .Dahil napansin ni Rosita ang malaking butas sa sahig na gawa lamang sa kahoy. Lumapit si Rosita sa butas at tiningnan kung anong nangyari dito. Hindi niya akalain na ang anak niya na si Pedro ang may gawa nito. Pinulot ni Rosito si Pedro sa butas na may hawak na mga pako. Tamang tama naman na dumating si Fernando galing sa Hacienda ni ginoong Dela Cruz.

Fernando: anong nangyari dito ?

Rosita: hindi ko alam.Pagdating ko dito galing sa palengke ito na ang naabutan ko. Mas kataka taka ang pagbigay ni pedro ang mga pakong ito sa akin. Pansinin mo wala na ang mga pako sa sahig natin.

Fernando: mabutit walang nangyari sa kanyang masama?

Rosita: sa awa ng diyos ay wala naman fernando.

Sinabi rin ni Rosita ang nangyari sa mga laruan ni Pedro na nasira. Agad na lumabas si fernando sa bahay at kumuha ng matigas na bagay. Alam ni Rosita na kung minsan ay mainitin ang ulo ng kanyang asawa.
Hindi nagtagal bumalik si fernando na may dalang rehas na bakal.

Power RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon