May Forever Nga Ba?

1 0 0
                                    

Dahil buwan ng mga puso ngayon, tutuldukan na natin ang pambansang tanong ng mga taong baliw na baliw sa ideya ng pag-ibig. May forever nga ba? Paano ko ba masisigurong siya na? Paano kung gusto mo siyang ka-forever pero iba naman pala ang gusto niyang makasama at pampalipas oras ka lang? Mula sa tanong na kung may "Forever nga ba?" madaming sanga-sangang katanungan ang magsisipaglabasan. Katanungan ng mga taong umaasa na hanggang sa pagtanda nila ay mayroon na silang makakasama. Yaong mga taong nag-aakala na nakita na nila ang kanilang soulmate, better half, lifetime partner, destiny at kung ano-ano pa. Bakit nga ba masarap isipin na may forever at bakit ba ang daming taong adik na adik dito? Simple lang naman, bilang ang tao ay isang sosyal na nilalang, naturalmente na maghanap tayo ng taong makakasama natin. Wala naman kaseng taong mamumuhay para sa sarili lang. Ano ka te, super anti-social at narcissistic na super happy na makita lang na maganda o pogi sya sa salamin? Kung meron man sigurong ganito ay iilan lamang sila. Normal na nature ng isang tao ang maghangad na may tumanggap sa kanya ng buong buo. Hindi masamang mangarap na may taong magpapahalaga sa iyo ng higit pa sa isang kaibigan at sa hirap man o ginhawa ay hinding hindi ka nya iiwan. Masarap maramdaman na may magtitiyaga sa iyo pumanget ka man, tumaba ka man, tumaray at mabaliw ka man, bumaho man yung paa mo at kesehodang magkandaleche-leche na yung kabuhayan niyo ay talagang nasa tabi mo pa rin sya. Hindi matutumbasan ng anumang materyal na bagay ang saya sa pakiramdam na may isang taong maniniwala sayo ng buong –buo at mamahalin ka ng higit pa sa iyong pagkukulang. Yung taong masaya na kahit ikaw lang yung nasa tabi niya at hindi na maghahanap ng iba pa. Pag meron ka nyan daig mo pa ang nakajackpot sa Lotto. Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon lahat ng taong nakakarelasyon natin ay masasabi nating sya na ang forever mo. Maraming iba't ibang salik na makakaapekto upang masabi na talagang siya na nga yun. Unang-una sa lahat kailangang talagang mahal niyo ang isa't-isa. Hindi yung isa lang yung nagmamahal teh ha? Todo bigay ka sa pagmamahal tapos yung pinagbinibigyan mo naman daig pa ang nakageneral anesthesia kase hindi ka naman minamahal pabalik. Pag ganun teh isuko mo na. Pack-up na ang shooting teh kase walang kinabukasan yan. Kakantahan ka na lang ni Yeng Constantino ng mahirap pa lang maging T.A.N.G.A Ikalawa, kailangang parehong kapakanan niyo ang iniisip sa tuwi-tuwina. Wala na dapat sa bokabularyo niyo yung salitang IKAW o AKO, laging TAYO na dapat. Bawat desisyon kase nung isa ay siguradong maaapektuhan yung buhay ng iyong kabiyak. Hindi pwedeng puro pang sarili mo lang kaligayahan yung iisipin mo. Love is both unconditional and selfless. Pag selfish ang feelings nya at puro sya lang teh icardiac mo na din yan. Bugsh-al kung bugsh-al kase ang mangyayari nyan adjust ka ng adjust para magkaforever lang kayo. Mausisa mo para ka ng palakang inilagay sa palayok ng pinapainit na tubig kung saan sa bawat pagbabago ng temperatura, pilit ding magaadjust yung palaka para makasurvive pero sa huli kapag malapit ng kumulo yung tubig wala ng sapat na enerhiya yung palaka para makatalon paalis. Nilagang Hopia ngayon yang puso mo, ano ka ngayon? Ikatlo, ngunit pinakamahalagang salik eh kailangang mutual ang pag-iisip na kayo na talaga ang para sa isa't-isa. Dapat walang kahit anong bahid ng duda sa puso ninuman sa inyong dalawa para masabi nating truelagen na ikaw na nga. Mahirap na landas ang inyong tatahakin pero kung malinaw sa puso't-isip ng bawat isa na ikaw ang pinili nyang makasama at kung anu't anumang pagsubok ang dumating sa inyong dalawa ay magkasama niyo itong haharapin at gagawan ng solusyon. Cargo niyo ang isa't-isa. Ang kahinaan ng bawat isa ay dapat punan ng kanyang kabiyak. Sa huli, kung personal nyo akong tatanungin kung mayroong pa bang forever sa panahong ito siyempre ang isasagot ko ay meron. Pero kaakibat ng pagsasabing meron nito ay ang katotohanang dapat itong trabahuhin. Walang forever kung mabilis kayong sumuko. Walang forever kung puro sarili nyo lang ang iniisip nyo. Walang forever kung perpektong tao ang hinahanap nyo kase wala naman talagang ganun. P.S. para sa mga taong wala pang forever dyan kagaya ko, wag tayong mawalan ng pag-asa. Pero kung talagang nakatadhana tayong mag-isa, isipin mo na lang at least may forever ka pa rin, FOREVER ALONE nga lang charot. Maaaring wala kang lovelife pero forever naman nandyan ang pamilya at mga tunay mong kaibigan di ba? Less gastos pa sa valentine's kung tutuusin. Tandaan February 14 ang valentine's at para sa working class, isang araw pa yung bago sumweldo. Gastos laang iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

May Forever nga ba?Where stories live. Discover now