Madalas hindi maiiwasan... Madalas hindi sinasadya...
Madalas pinipigilan... Pero mas madalas nagpupumiglas...
Kay daming tanong sa king isipan...
Ni isa walang malinaw na kasagutan...
May mga araw na gusto mo na lang lumayo
May mga araw na gusto mong hindi kumibo
May mga araw na gusto mo na lang hindi pansinin
Pero hinding-hindi mo naman siya kayang tiisin.
Nasasaktan ka pag binabalewala ka nya
Nagagalit ka pag may nakakasama syang iba
Nagseselos ka pag may ibang nagpapasaya sa kanya
Kaso sinasabi mo na lang sa sarili mo, May karapatan ka ba?
Gustong-gusto mo syang tanungin kung ano ba talaga kayo?
Kaso mas takot kang malaman yung magiging sagot nya dito
Mas makakaya mo pang ikaw na lang ang matuliro
Kesa naman sa siya pa ang tuluyang lumayo
Sinasabi mo na lang sa sarili na hindi ka nya talaga gusto
At lahat ng ginagawa nya para sayo ay isa lamang laro
Ayaw mo ng umasa ang kawawa mong puso
Dahil pag nawasak itong muli ay baka tuluyan nang di tumibok
Gabi-gabi kang pinahihirapan ng iyong puso at isipan
Pero ano namang magagawa kung di mo kayang ipaglaban
Hindi mo kayang sabihin ang tunay na nararamdaman
Kase takot kang mawala sya sa yo kahit bilang kaibigan man lang.
Duwag na kung duwag pero mas tama na ito
Kaysa naman ipilit mo ang bagay na hindi para sa iyo
Balang araw mapapagod ka rin sa hapdi at sakit
Pero malay mo may darating na iba na sa kanya ay mas higit.

YOU ARE READING
Ang Kinatatakutang Tanong
PoesíaIsang tula tungkol sa isang relasyong walang label...