Chapter 4: Confusion

4 1 0
                                    

"Nasaan ka na ba phia?"  Tanong ko habang kausapin ko ito sa phone.

Magkikita kami ni Sophia sa library  upang tapusin ang term paper  na pinagagawa ni Mrs. Aviñante.

"Hey. Come on! Let's finish this."  Malayo palang ito pero narinig ko na ang boses ni Sophia pababa ng hagdan papunta sa library.

"Nakahanap kana ng referrence?"  Sambit ni Sophia pag upo nito.

"Wala pa nga eh."

"After this, let's search about Caleb's statement."  Pabulong na sabi ni sophia.

Hindi parin talaga kami makamove on  sa mga binitawang salita ni Caleb nung araw na nagkatugma tugma ang mga panaginip namin. Maliban kina Vera at Trevor dahil hindi ko pa sila nakakausap simula kahapon.

"Ano na naman iniisip mo?"  Sabi ni Sophia habang magkaharap kami sa isang mahabang lamesa. "Si Trevor na naman ba yan? "

"Shut up! Mamaya may makarinig sayo  dyan e. We both know na ikaw lang ang may alam nun diba."  Singhal ko.

"Okay okay. Pero kailan mo ba kasi sasabihin kay Trevor?" 

Nagulat ako ng biglang natulala si Sophia. Parang may sinesenyas ito pero hindi ko maintindihan, nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

"Anong kailangan sabihin sakin ni Ivory? ~

Si Trevor pala ang nagsalita. Hindi ko alam kung saan ako huhugot na alibi  para sabihin sa kanya.

"May dapat ba akong malaman?"  Nagsalita ulit ito.

Tumingin ako ng diretso sa kanya at walang emosyon na mahahalata sa kanyang mga mukha. Likas na kay Trevor ang pagiging suplado at masungit kaya hindi mo makikita kung masaya siya o malungkot.

"Nothing. Gusto lang sabihin na pagaling ka."  Hindi ko alam kung maniniwala siya pero ang mahalaga ay nailusot ko yung totoong reason.

"Okay. We'll see you then."

Agad itong umalis na parang walang nangyari. Gusto ko sanang alamin kung okay na siya. Aside from that, the light from our palm. Naranasan din kaya niya?

"Pahamak ka talaga! Look what you've done. Muntik nya nang malaman."  Pagalit kong sabi kay sophia.

"Sorry. Di ko din alam na paparating  pala siya".

Lumabas na kami ng library dahil lunch. Gutom na rin ako kaya niyaya ko na si sophia at baka kanina pa sila naghihintay sa canteen.

Nakita namin sila sa dulo at tuluyan kaming naglakad papunta sa kinauupuan nila.

"Tara na! Gutom na ko."  Walang pinagbago si Caleb parin ang laging gutom.

Pagkatapos nang lahat ng task  ko ay nagpasya na kong umuwi. Hindi ko kasabay umuwi si Sophia ngayon dahil may family date  daw sila.

Habang  naglalakad ako papunta sa bahay namin, naramdaman kung may sumusunod sa akin pero alam kung hindi tao yun. Village ito kaya alam kung secured  ako ngunit ano ito ~

Isang kakaibang bagay ang nakita ko na lumilipad, Tila kung anong ilaw ito. Nang tuluyan itong tumapat sa harapan ko, nakita ko ang kabuuan nito.

Bilog ito na may parang tali sa dalawang magkabilang part nito. Nababalutan ito ng puting ilaw  at bigla nalang itong dumikit sa kanang balikat ko.

"Wait? Ito yung nasa dream ko."

Nang nakadikit na ito, lumabas ulit ang liwanag sa mga palad ko ngunit may lumitaw dito na bagay. "Yung  dumikit sa balikat ko."

Makalipas ang ilang minuto, nawala ang liwanag at pati narin ang bagay na naka angat sa palad ko, Lumakas ang hangin sa buong paligid ko. Pakiramdam ko ay nakokontrol ko ito.

Wala ako sa sarili ng mga sandaling yun. Akala ko panaginip lang lahat nang  nangyari. Ngunit, nagulat ako sa nagawa ko ~

Pumikit ako saglit at pag dilat ko, wala na ako sa kinatatayuan ko kanina, nasa tapat na ko ng bahay namin. Imposibleng magawa ko yun ~

"What? Nagawa kong maglaho? But how?"

Author's note:

Hi po. :) Malapit na po silang makarating sa mundo ng salamangka. Kapit lang po tayo. Haha! TEAM TREVORY po ba tayo o TEAM CALEBORY?  :) Enjoy reading.

Twitter and IG: @sabyyge_

Official hashtag: #Sactre

Luna Sactrenium: Power Of MoonWhere stories live. Discover now