Kababalaghan pa

20 1 1
                                    

Ayun nga, may kababalaghan na nangyari sakin. Free time kasi namin nun sa MSEP. Tapos may pinapanood na movie si Mam. Eh free time naman daw, so kahit di ako manood eh okay lang. Kaya mas pinili ko na tumambay nalang kasi ayoko naman ng movie! Pero sina Shane, Riko at Gerbie eh sayang saya manood. Kaya andun ako kina Jaireen (kaibigan ko rin sa klassrum. 3rd row kami, 2nd row sila.) Masaya sa kanila eh, pero di nagtagal, naging bored din.

Hays, sobrang bored kami ni Jaireen non! Pero may kalokohan akong naisip. Yung mga book ng kaklase ko, pinaglipat-lipat ko. Nabiktima ko na sina Gerbie, Riko at Shane. Yung TLE book ni Shane, nilagay ko kay Riko. Yung TLE naman ni Riko, nilagay ko kay Gerbie. Yung TLE naman ni Gerbie, nilagay ko kay Shane. HAHAHA sa buong klase ganon ginawa ko! Una talaga, sa kanilang 3 ko lang yun ginawa. Tapos kinuwento ko kay Jaireen, sabi ko bored kasi ako. Kaya sabi nya sakin na GAWIN DAW NAMIN YUN SA LAHAT hahahha kaya ayun! Lahat na sila pinagpalit palit namin! Pati yung samin ni Jaireen, pinagpalit namin yung book naming 2. Syempre baka mahalatang kami lang yung hindi nagpalit :3 HAHAHA
Nung una talaga, busy sila kakanood! Kaya walang naka realize na ginagawa namin ni Jaireen yun. Uwian na, sabi ko kina Shane, Gerbie at Riko na may kababalaghan akong ginawa sa TLE nila. Tapos haha! Sabog tawa naming lahat nun eh! Pero sabi ko kami kami lang makakaalam nun haha.

Pag uwi ko, nag FB muna ako sa kapitbahay, hehez. Tapos nagulat ako, nagmessage sakin si Jaireen. Sabi nya, umamin na daw kami na kami yung gumawa non. Sabi ko, Ayoko nga! Hahah manigas kamo sila! xD tapos sabi nya, tignan ko daw muna yung Groupchat ng section namin. Tapos..
Nakita ko..
Nalaman na nila na..
di sakanila yung book na yun..
Tapos gusto
talaga nila
malaman..
kung sino ba
yung gumawa
non..
Sabi nila..
"papansin" daw
yung gumawa nun...
Sabi nila..
di daw magandang
biro yun..
Maraming nagalit...
Sa kung sino man daw..
ang gumawa non..

POWTEK. EH BIRO LANG YUN! Grabe sila.. Si Jaireen, napaiyak nalang eh! Grabe kala mo naman napakasama namin tao. Tska isa pa, bakit yung 3 eh tuwang-tuwa pa imbis na magalit? Pero ganon talaga. Umamin nalang kami tapos chineer up ko nalang si Jaireen. I feel sad for her, tapos kinabukasan sobrang hiyang hiya kami. Pero half sad lang ako kasi NAALALA KO NANAMAN YUNG KAIRIKO OMG. It's getting on my nerves! Peymus naman yun, si Jaireen kaya okay lang yun. Maraming friends yun! Maraming makakaalala dun! Sakin naman eh walang makakaalala sakin. Pero may naalaka ako! Yung KaiRiko! Nagdadaldalan ulit yung dalawa eh! Kayaing okay din naman kami agad <3

Pero to be honest, kahit sobrang hiniya ako ng mga hidapungal kong mga kaklase (except kina Jaireen, Shane, Gerbie at Riko. Syempre kasama ko sila sa kalokohan eh!), parang wala lang nangyari? Lamo yun? Yung parang di naman ako hiniya ng mga walanghiya kong kaklase haha. Kasi dahil nga sa PUKWENANG KAIRIKO OMG AYAWKONA PO!

So ayun, everyday has been a normal. Day. Everyday, nakatingin si Riko kay Kaira. Lagi ko ngang sinasabing "Matutunaw na yan toiy". Grabe makatitig eh wagas! Ganyan talaga pag mahal mo.

ISANG ARAW, bored nanaman kami! Pero syempre, hindi pwede yun kaya nagdaldalan ulit kaming 4. Tapos naglaro kaming 4 nang kung anong nilaro namin ni Riko. Yung huhulaan yung word? Tapos pinakita nya yung papel kay Shane. Di rin mahulaan ni Shane eh XD Tapos biglang dumating si Mam! Kaya syempre. "For what value of the constant k does the quadratic equation x2 +2x = - 2k have two distinct real solutions?" Okay. Tama na ang Math, lunch na. Tapos ayaw akong tantanan ni Shane! Gustong gusto nya malaman kung sino ba yun. Eh sabi ko, hindi talaga pwede. Hayaan ko nalang si Riko magsabi sa kanya. At, okay. Science time na. Habang sinasabi ni Mam na "The elecron has subatomic particle that has the smallest mass", yung tatlo nagdadaldalan. Syempre nakikinig ako, mabait ako eh! Charot. Tapos nung break time, tinanong ko si Shane. "Hoyy! Anong pinaguusapan nyong tatlo kanina?" Sabi nya, "Wala haha si Ano." Sabi ko, " Sino? Alam mo na?" Sabi nya, "Hindeeee! Yung krash ko hehez" Tapos bumalik na kami sa Classroom. Wala lang tambay tambay lang. Tas tinanong ko si Shane, "Sino ba yung crush mo?" Syempre sasabihin nya "Secret!" Eh yun yung pinag uusapan nilang tatlo, kaya tinanong ko si Riko. Aba, ayaw din sabihin sakin! Kaya si Gerbie nalang tinanong ko, ayaw nya din! Pati yung mga bestfriend ni Shane tinanong ko na din, ayaw talaga nila sabihin. Kinulit ko si Shane na sabihin nya sakin hanggang mag uwian. At sa wakas! Napapayag ko na din sya SA ISANG KUNDISYON. Sabihin ko daw muna kung ano yung nasa papel ni Riko. Syempre tulig tulig din ako, "Oo na! Pero wag mo sasabihin kay Riko na alam mo na ha?! Si Kaira. Okay na? O sino naman yung sayo?!". SABI NYA. "Di mo naman kasi kilala yun eh? Si Roland. Taga school ko yun dati. Ano kilala mo?! Pero bes si Kaira nga?!" URGH! Dapat pala di ko na sya kinulit! Dapat din, di ko na sinabi sakanya na si Kaira yun! Banaman. Nagsayang lang ako ng oras bwahahaha. Pero sabi ko naman na mag ACT INNOCENT sya XD Para.. Hahaha!

Tapos kinabukasan, sinabi naman daw kagad ni Riko sa kanya na "Kaira" nga yung nakasulat sa papel, Sabi saakin ni Shane. Mas nagulat din daw sya nung sinabi yun ni Riko kasi hindi sya makapaniwala haha at ayaw nya rin ako paniwalaan. So ayun, alam na nya. Haha. Naramdaman din nya yung feeling ko nung nalaman ko yun XD. Gulat na gulat, palaging nakangiti dahil sa kilig ng KAIRIKO. Hahaha! Nakakakilig naman talaga <3 Tapos ang saya saya lang namin. Para kaming baliw na laging nasigaw.

Secret Little LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon