Ang mga nawala ay babalik matapos ang matinding paghihirap.
Pero may ibang sumusuko at namamatay ng tuluyan.
Ang paghihirap na dahilan mg pagkawala ng totoong personalidad.
Kasinungalingan na dadalhin tayo sa maling landas na dahilan din ng pagkasira ng pagkakaibigan dahil hindi na paniwalaan ang katotohanang sinasabi.
At itinama ang mga kasinungalingang dahilan ng mga pagkakamali.
Ngunit bumalik na naman ang taong may dahilan ng sakit na kung saan ikaw ay matinding nahirapan.
Sinubukang kalimutan pero lahat ng pagkakamali na kung saan ikaw ay nasaktan ay muling naging sariwa sa iyong isipan.
Pagkatapos ng mahabang pagtitiis, siya ay nakalimutan at ikaw ay naging masaya sa katotohanan na kung saan ka naroroon ngyon.
Tuwing naaalala ito, ikaw ay natatawa na lamang sa pagkakamali kung saan ka natuto ng lubos.
Ngunit iyong nalaman na lamang, ang isang iyon ay hindi pa rin nakakalimot at ika'y mahal pa rin pala.
Siya ay bumalik at ginulo ka pero hindi na siya pinansin hangang tumigil na ang kanyang panggugulo pagkatapos ng maraming panahon.
Malalaman mo na lang na masaya na siya sa iba at tuluyang naglaho sa isip, puso at katotohanan.
Dito nagtapos ang lahat at napatunayan ang tatag sa mga pagsubok.