Chapter 1: The triplets

16 2 1
                                    

A/N: second story ko na po ito sa wattpad. Sana ma gustuhan niyo. At ang first story konga pala is "Married to a Gangster"

Shijila's POV

Hello po!!! Ako nga pala si Shijila Flamez Ash Seyer , Shihila Flam-mez Ash Seyr po ang pag bigkas, ok?

Simple lang akong 16 year old na istudyante sa North South University. Ewan ko nga kung bakit north na naging south pa, ang sabi nila dahil yun daw trip ng may-ari.

Friday nga pala ngayon. At nandito ako sa canteen with my twins na sina Shijie Firle Ashton Seyer at ang isa ko pang twin na si Shijeil Flares Ashley Seyer, Shijil Fla-res Ashley Seyr po ang pagbigkas, and yes, we're triplets pero hindi kami identical twins, iba ang mukha ko kay Fire dahil lalake siya at may kunting pagkaiba ang mukha ko kay Flare.

Like ang mata ko na charcoal black at sa buhok kung black na black with natural curles sa baba at mas pail ako sakanya while brown eyes, brown wavy hair at maputi rin siya . si Firle naman ay grayish eyes and a brownish hair at maputi rin kaso ako ang pinaka maputi, para nga siguro akong patay I sometimes envy others skin tone, yung kulay light brown. Nasa Pinas kasi kami.

May dugong banyaga kasi kami.

Ang mas matanda saamin ay si Flare sunod si Fire at ako ang huling lumabas na ang tawag nila is Flames, pero sila lang at sina mama at papa ang pwedeng tumawag samin niyan. Dapat Shijeil tawag kay Flare, Shijie kay Fire at Shijila saakin.

Lunch break na ngayon at ako at si Fire ay naghihintay kay Flare dahil siya ang nag oorder ng food, why? Dahil gusto niya healthy kinakain namin at hindi puro ewan. At dahil siya ang bumibili siya lang ang pumipila. Ayaw niya naman rin magpatulong.

"Flames sembreak na next week. Anong plano?" Sabi ni Fire na kaharap ko. Oo nga noh, 2 weeks sembreak namin, so ano ang dapat kung gawin? "Wala eh, ikaw may plano kana?" Mahilig kasi kami ng adventure ng mga twinnies ko, kaya if walang pasok at hindi busy may adventure kami.

Like nung summer limang araw kaming nawala sa pag a-island hopping namin, pero hindi nga alam ng mga magulang namin noh.

"Wala, baka meron si Flare" pagkasibi niya nun bigla nalang may bumagsak na dalawang tray sa mesa namin. Napatingin naman kami at si Flare lang naman pala. Tumingin siya saamin dalawa sabay ngisi. May plano toh bah.

"Punta tayo sa Mati, maganda daw yung beach dun, yung Menzi bayun?" Sabi ni ate na dahilan para ika kunot ng noo namin ni Fire.

"Mati, asan naman yan?" Sabi ni Fire na nakakunot ang noo. Eh sa hindi namin yan alam eh.

Umupo naman si Flare sa tabi ko at inilapag ang pagkain namin at nilagay ang dalawang tray sa bakanteng upuan. "Malapit sa Davao, Davao Oriental yata tawag nila dun" so that means madadaanan namin ang Davao. Edi game.

"Game ako Flare, but baka nose bleed ako dun." Hindi po naman kasi kami marunong ng bisaya. "Oo nga, baka maligaw ulit tayo" pag sasangayon saakin ni Fire. Dahil sa Samal Island kami nawala nung nag a-island hopping kami.

"Edi more fun diba?" Sabi ni Flare sabay kain ng chicken salad niya. So chicken salad, steamed fish with rice pala kami ngayon. Hindi rin naman kami mapili sa pagkain at sanay narin kami sa salad so ok naman rin ito saamin ni Fire.

Twisten Vain Islands Of The Three (Bridges To Their Bond)Where stories live. Discover now