Ako ay isang babae.
Na nagpapakatanga para sa isang lalaki.
Kasalanan bang magmahal?
Hindi naman diba?
Bakit kailangan ako pa yung masaktan?
Bakit kailangan ako yung laging nagmamahal?
Bakit ako lagi yung dapat magparaya?
Bakit kailangan ako yung magbigay?
Bakit kailangan ako lang yung nahuhulog?
Bakit ako lang yung ginagawa kang rason para gumising?
Bakit hindi ako?
Ang daming tanong sa akin pero isa lang ang tanging gusto ko masagot..
Bakit hindi mo ako kayang mahalin?