Cassandra POV
"Tine, Anak. Anong gusto mong gawin?" Tanong ni Nanay
"Ewan ko Nay. Kinakabahan po ako. At di po ako makapaniwala" aking sagot
"Anak! Lakasan mo ang loob mo. Ngayon ka na nila kukunin sakin. Wag mong kakalimutan na tumawag sakin. Mahal kita Anak"naiiyak na saad ni Nanay
Oo ngayon na ako susunduin
" Nay! Mamimiss kita! Mahal na mahal kita Nay!"hagulgol ko at niyakap ang aking Ina
*tok* *tok*
Biglang may kumatok sa pintuan. At sa huling beses ay niyakap ko si Inay at lumabas dala dala ang dalawang malaking maleta.
Park Residence
Nandirito ako ngayon sa magarang sala nila. Nakaupo sa malambot na sofa. Ang bango sa loob at ramdam kong may nakatitig sa akin.
Pagkalingon ko.....
"Ah, eh h-hello po" magalang kong bati at yumuko
Nakatayo na ako
Umupo siya sa harap ko at pinaupo ako
"Alam kong nagtataka ka at bakit ikaw ang napili kong ipakasal sa apo ko na si Jillian. Nakikita ko kasing mabuti ang iyong kalooban. Isang buwan na lang rin at matatapos na kayo sa kolehiyo" mahinahon na pangungumpisa ni Don Gary
"Ah, okay lang po yun" pero Don alam mo yung medyo hindi
"Hay, salamat at pumayag ka at okay lang sayo. Pero ito talaga ang gusto ko. Ang apo sa tuhod. Kahit lima lang para may tagapagmana ako" nakangiti niyang saad
What?! Apo?!
"Ah, eh ano po? Apo sa tuhod?" Pag-uulit ko
"Oo iha. Di ko naman kayo minamadali na maka buo ng isang buwan. Hindi na ako bumabata iha. Gusto ko na ng apo sa tuhod. Humihina na rin ang katawan ko. Gusto ko naman masilayan at makasama ang magiging apo ko sa tuhod kahit mabilis lang" malungkot niyang sinabi sa akin
Hinawakan niya ang aking kamay. Tinignan niya ako sa mata. Kita ko na malungkot siya at sa pananabik na magkaroon ng apo sa tuhod.
"Naku, o-osige po. Lima po sabi niyo kaya lakasan niyo po ang loob niyo. Para makita mo po ang lima mong apo, Don Gary" pilit akong ngumiti
Umaliwalas naman ang mukha niya. Kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan.
"Salamat iha. Tawagin mo na akong Lolo. Dito ka na rin titira. Magkatabi pala kayo ng mapapangasawa mo para hindi na kayo magkailangan. Sa susunod na linggo na ang Engagement Party niyo. Sa Diamond Hotel. Lahat ng kaibigan, room mates at kamag-anak ang imbitado. Osiya iha, magpapahinga na ako. Yung kuwarto niyo pala ay sa taas, yung kakaibang pinto. Mauna na ako iha" paalam ni Lolo at tumaas na
Lagot kang bata ka! Limang apo?! Seriously?! Kaya ko ba yun?
Umakyat na ako at ang masasabi ko lang ay maganda ang kuwarto. Very manly.
Umidlip muna ako
After 1 hour
Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong tao sa tabi ko. Baka ito na si Jillian.
Pagkadilat ko ay medyo blurred ang paningin ko. Kaya kinailangan ko pang kusutin. Oo nga si Jillian nga. Nagising ko yata siya.
"Oh? Nandito ka na pala. Bakit di kita napansin?" Bored na tanong niya
"Kanina pa ako nakatulog dito.Baba na muna ako" paalam ko at bumaba na
At least hindi kami nagkakailangan. After that incident. You know na. Nung nabasa ko sapatos niya.
Naabutan ko si Manang na magsisimula pa lamang.
"Nay, ako na lang po ang magluluto" singit ko
"Naku iha. Magiging asawa ka ni Sir Jillian kaya hindi puwede, kaya ko na ito" pagbabawal ni Nanay
"Naku, hindi po por que magiging asawa ako ng amo niyo ay hindi na po ako gagalaw dito. Ikasasakit ko po iyon. Kaya ako na po. Sige na po Nay, please?" Pangungulit ko
Ilang beses ko siya kinulit at napapayag ko na siya. Nagpaalam muna si Nanay Rosa na aalis muna at maglilinis ng bahay.
After a minutes
"Nay Rosa, tikman mo po ito" pinatikim ko kay Nay Rosa ang niluto ko
Wah, sana masarapan siya. Specialty ko pa naman yan!
"Naku, Iha! Ang sarap sarap mo naman magluto! Hala, tawagin mo na si Don Gary at Sir Jillian ng makakain na kayo. Ako na magliligpit dito" sabi ni Nanay
Naku! Ang saya ko!
Tinawag ko na sila Lolo at Jillian upang kumain na.
Sa hapag kainan
Matapos kaming magdasal ay kumain na kami. Hinintay ko munang unang sumubo si Don Gary.
"Who cook this adobo Rosa? Ibang-iba ang lasa sa adobo mo" tanong ni Lolo
"Yeah, Nanay Rosa don't tell me isa sa mga katulong. Walang katulong ang nagluluto dito" dagdag ni Jillian
"Naku, Sir at Don nagkakamali po kayo. Hindi po ako o ni isa sa mga katulong ang nagluto ng adobo na yan"magalang na saad ni Nanay Rosa
"Then who?" Sabay na tanong nila Jillian at Lolo
"Si Ma'am Cassandra po. Masarap po siyang magluto" nakangiting saad ni Nanay Rosa
Tumingin si Jillian at Lolo sa akin ng hindi makapaniwala.
"Sorry po Lolo, Jillian kung pangit ang lasa" paumanhin ko
"No iha, sa katunayan nga'y ito ang pinaka masarap na adobo na natikman ko."nakangiting saad ni Lolo, tumango lamang si Jillian
Habang kami ay kumakain, pansin kong napaparami ang kain namin. Halos maubos na eh.
Biglang may humila sa laylayan ng t-shirt ko.
"Atwe, kargwa! Dwiba shabi nwi Nanay Rwyoswa nwa asawa kwa ni Kwuya Jwuillian?" Nakangiting tanong sakin ng batang babae
Mga 3-4 year's of age pa yata kasi sa way ng pananalita niya. Kinarga ko siya at inupo sa lap ko.
"Hello baby, oo ako nga yun. Ako si Cassandra, Ate Cassy na lang ang tawag mo sa akin. Gusto mong kumain?" Malambing kong sagot sa kaniya
"Swubo mwo ako Atwe Casshy" nakangiti niyang saad
Ginamit ko ang aking kutsara. Okay lang bata rin naman siya. Medyo kaunti lang ang nilagay ko sa kutsara baka mabilaukan eh.
"Say ahhh, nandito na ang airplane!" Natatawa kong saad at ginewang gewang ang kamay para maging mukhang airplane
"Hihihi! Ahhh" at ngumanga si Baby
"Ang cute, naman ng baby ni Ate Cassy" at kinurot ko ng mahina ang ilong niya
Biglang may nag fake cough. Ay oo nga pala may kasama pa ako. Nakalimutan ko, nakakahiya.
"Naku, sorry po Lolo at Jillian, naaliw lang ako sa kay baby" paumanhin ko
"It's okay iha. Na iisip ko na rin kung paano mo aalagahan ang magiging anak niyo ni Jillian. You're one of a kind. Wife and mommy material. Am I right, Jillian?" Nakangiting sagot ni Lolo
"A-ah, yes" maikling sagot ni Jillian.
______________________
Sorry for the very very late UD.
YOU ARE READING
I'm Destined To Marry You
RomanceI'm destined to marry him Sa di inaasahang pagkakataon kinasal ka. Sa taong school mate mo Malala pa ay siya ang anak ng pinakayamang tao sa mundo Isa ka lang mahirap Paano mo maiisip na ikaw ang napili na ipakasal sa isang mayaman gayong mahirap ka...