CHAPTER 1

5 0 0
                                    

Patay sinding ilaw, maingay na tugtog, mga taong punong puno ng saya sa pag sabay sa nakakaindak na tugtog, mga taong di na alam ang kanilang ginagawa gawa ng kalasingan, mga magkasantihang walang ibang gawin kundi ang mag lambingan sa harap ng madaming tao.

Ito ako nakaupo at nakatingin sa mga babaeng halos makita na ang kaluluwa sa ikli ng mga suot nito, humaling na humaling ako sa mga nakikita ko at kulang na lang ay ang dakmain ko ang mga ito at gawin sa kanila yung mga napapanood ko sa mga porn sites nang masubukan ko naman ang pakiramdam na yun. OO VIRGIN PA AKO! kahit na alam kong gwapo ako at madaming nahabol sa akin eh wala ako pinansin sa kanila kahit isa. Dahil may awa ako sa nanay ko tsaka ayoko pa ipatikim sa kanila to. itong si ano ko. Basta yun.

Ang tagal ko nang nakaupo dito at paulit ulit na nag mamasid, ganto pala ang pakiramdam sa loob ng gantong lugar.

Nakaraan ang ilang kanta ay narinig ko ang aking pangalan at para bang may tumatawag sa akin hinanap ko kung saan ba to nangagaling ngunit di ko talaga makita. Lumakas na lumakas yung pagtawag sa pangalan ko hanggang sa nakaramadam ako na may sumipa sa likod ko at nahulog ako..

"AAARAAAAAAAAAAAY!! SINO KA BAAA??!?" sabi ko na may halong inis.
napatingin ako kung sino ba yung sumipa sa akin pag kita ko NANAY ko pala to!! wala na din yung patay sindi na ilaw at malalakas na tugtog.
Na realize ko na PANAGINIP lang lahat.

"ANONG SINO KA JAN?! aba hoy! tanghali na may pasok ka pa!!" sagot ng nanay ko na walang ibang ginawa kung di ang bungangaan ako.

"sarap sarap ng tulog ko e" tumayo ako at bumalik sa hinihigaan ko

"ang AGA pa e" sagot ko pa.

"Anong maaga ka diyan?! 7:30 na!! ano oras ba pasok mo ha!" sigaw nito sa akin

tiningnan ko aking orasan at...

"ANAK KA NG!! 7:30 na!" wala na akong ibang sinabi at kumilos na ako ng mabilis yung para bang si flash sa sobrang bilis. Sa pag mamadali ko ay di na ako naligo at nagbihis na agad. walang tooth brush, walang hilamos, WALA LAHAT!! buti na lang walking distance lang school namin dahil walking distance ito ginawa ko itong running distance.

Nakarating ako ng room namin ng di pa nadating si ms. Fransisco, tuwang tuwa ako dahil si ms. Fransisco ay napaka strikto at siya talaga ay walang awa magbigay ng grades at dahil nga siguro wala itong asawa kaya bitter sa buhay. Pati kaming mga estudyante ay napagtitripan kaya kaming mga estudyante ay di nagsasawang nakikinig sa kanyang mga misa. Sobrang nakakaantok magturo si Ms. Fransisco daig pa siya ng pre school teacher na masiglang magturo at talagang gagawin lahat para matuto ang lahat. Ibahin mo si Mrs. Fransisco, dahil sa kanya ay para kaming mga pre school students na di marunong magbasa wala siyang ibang gawin kung di ang umupo at basahin yung libro. ewan ko ba dito sa guro na ito marunong naman kami magbasa pero di talaga siya papaawat.  Pasalamatna lang kami dahil tuwing Thursday at Friday lang ang klase namin dito.

Nagtaka ako kung bakit tahimik mga kaklase eh mga barasubas tong mga to kung makapag ingay eh umaabot hanggang sa admin. Kaya tiningnan ko kung ano ba talaga ginagawa nila. ABA! nag babasa ng libro ang mga kupal na 'to marunong din pala magbasa ang mga unggoy.

"Oy binay" tinawag ko yung kaklase ko, ACTUALLY di naman binay pangalan nun Emmanuel talaga ang pangalan niya. Maitim lang talaga siya kaya binay tawag namin. Pero wag ka matalino si Binay first namin yun!

"oh ano na naman?" sagot agad ni Binay

"Ano meron? bakit lahat kayo nag babasa?"  pag tataka ko.

"Di mo ba alaam? may test tayo kay Ms. Fransisco!" sagot nito sa akin

"HALA KA!! DI AKO NAKAPAG REVIEW!" nabigla kong sabi ata agad kong kinuha yung bag ko.

SH******T napamura na lang talaga ako sa  nakita ko. Nakita ko na di ko bag yung nadala ko. Kay PAUL yung bag! si paul yung naka babata kong kapatid magkasama kami sa kwarto kaya magkasama din yung gamit namin.

"mukang masisira ata araw ko ngayon." bulong ko

Tumabi ako kay binay para maki share ng libro pero dumating na din si Ms. Fransisco kaya wala akong nareview. GALING DI BA??

"GOOD MORNING CLASS" bungad nito sa amin. Ewan ko ba kung bakit pero nakaka antok talaga ang boses ni Ms. Fransisco.

Nag pa attendance na si Ms. Fransico sa dulo pa yung akin kaya naka iglip ako ng bahagya.

"Romano, Jonathan"

"Romano"

"MR. ROMAANOOO!"

Nagulat ako dahil narinig ko ang pangalan ko at bigla na lang ako tumayo at bigla ko na lang nasabi na...

"MAAM BAKIT PO?" napasigaw ako. Lahat ay tahimik kaya litaw na litaw yung boses ko.
nagtwanan lahat ng kaklase ko. Dun pa lang nag sink in sa utak ko na nag papa aattendance nga pala si Ms. Fransisco.

"Maam, present po pala maam" agad kong sinabi para makalusot ako sa ginawa kong kahihiyan. Sana nilamon na lang ako ni Mr. Lupa para matakpan yung kahihiyang nagawa ko. Para akong basang sisiw na naka tungo lang at hiyang hiyang habang sila ay nag tatawanan.

"Mr. Romano parang napupuyat ka ata, ano ba pinag gagawa mo ha?" tanong ni Ms. Fransisco.

"ah-e-a-a-no po ka-kasi Maam" utal utal kong sabi nag iisip pa lang ako nga palusot ng biglang...

"MAAM MAY DUTY PO YAN KAGABI!"

Malakas na sagot ng epal kong kaklase.

"DUMUTY PO YAN DUN SA MGA BADING SA KANTO NILA" Dagdag pa nito

"Totoo ba yun Mr. Romano??" tanong agad ni Ms. Fransisco

Agad naman ako sumagot "Maam di po yun totoo"

"totoo man o hindi basta ang totoo ay may test tayo ngayon. Ayusin niyo na upuan niyo!" Sabi agad nito.

oo tama kayo. Jonathan nga pangalan ko. Jonathan Romano for long and Athan for short di ba tunog mayaman yung 'Athan' pero di naman kami mayaman. Athan tawag sa akin ng mga kaklase ko pero pag nag kakalokohan tinatawag nila akong  junjun. Haaaaaayssss. Dahil kasi yan sa magaling kong inay. Nagsimula kasi yun nung...

Elementary ako noong mayroong GPTA meeting sa amin eh etong nanay kong magaling na magaling at napaka cute sarap tirisin at walang ibang gawin kundi ang dumaldal ng dumaldal. AYUUUN! tinawag ba naman ako na..  'JUNJUN KOOOOO'  nung mga panahong yun gustong gusto ko ng mag disappear sa kinakatayuan ko yung parang super hero na bigla na lang mawawala di ko na matanadaan kung anong kapang yariahan yun eh. Basta yun yun. Lahat ng kaklase ko narinig ang tawag ng nanay ko sa akin kaya yun. Simula noon hanggang ngayon ay nabitbit pa din nila yung Junjun na yun. Kaya tuwing may meeting palagi akong nakatambay sa may Canteen namin para iwas sa nanay ko na ubod ng cute.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG ISTORYA NI JUNJUN #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon