Beyond My Reach

232 19 5
                                    

"Okay. Di ko nanaman mahanap." buntong hininga ni Rain.

Nandito kami sa library ngayon. Hinahanap yung second book na paborito daw ni Rain "Baka nanjan lang yan. Hanapin natin."

"Or baka may nanghiram na? Anu ba yan"

"Ayos lang yan! May ibang books pa naman jan oh"

"Pero inabangan ko 'to buong summer! Dapat ako ang unang manghihiram ng Catching Fire."

"Eh, bat di ka na lang kasi bumili? Madami naman kayong pera di ba?"

"Meron kami sa bahay dati. Kaso nasira nung kapatid ko. So, parusa sa amin ni mom na hindi na ulit kami bibilan."she pouted.

"Tara punta na lang tayo nang canteen."we went out of the library and started to walk papunta ngang canteen.

Oh muntik ko na talagang malimutan! I'm Chelsea Gardon. Third day of being 3rd year student namin ngayon at nagpumilit na itong bestfriend kong si Raina Bautista na hanapin nga yung book na gusto niya. Unfortunately, wala nga. Dito sa school, siya lang ang nag-iisa kong bestfriend. We've been friends for 5 years and we have a very strong bond. Siya lang talalga ang bestfriend at tunay kong kaibigan ata. Di naman kasi ako ganun kafriendly and many say that I am a deadkid. Well, sabi ni Rain di naman daw so di ko na masyadong pinapansin yun. Kung ako deadkid daw, si Raina naman ata ang pinaka friendly for me. Almost everybody here knows her. Pero ako lang talaga daw ang gusto niyang kasama. Very opposite kami sa isa't isa. Friendly siya, and i'm not. She got lots of admirers and ako ata ni-isa wala. Sobrang puti niya, at sobrang itim ko. Pero di naman sobra. Yung tama lang? Tan. Maganda siya and ako? Ewan. Andaming nagsasabi at nagtatanong why is she joining me, at isa na ako dun, pero di na lang niya pinapansin.

"Sige pupunta na lang ako pakisabi" sabi ni Rain sa isang babae. She also have lots of club. Kaya super known talaga! Ako? Volleyball Varsity Member and di pa ata ako kilala sa group.

"Uy sorry ah!" sabi ni Rain sa akin,

"Ha? sorry? saan?" takang taka kong tinanong

"Kasi may importanteng meeting daw sa liturgical club. Sorry talaga."

"ha? ayos lang yung nuh! importante naman pala eh."

"sige thanks! libre na lang kita mamayang uwian. babawi ako. byee!"then she hugged me and tumakbo na kagad.

As usual, iwan nanaman ako dito. Pero ayos lang 'to. Sanay naman akong walang kasama eh.

Habang naglalakad ako papuntang canteen, naisipan kong wag na lang kumain ng lunch. Se-save ko na lang 'tong pera para makabawi, kasi kahapon wala akong tinira at nilagay sa alkansya ko. Pupunta na lang ako ng gym para makisali sa mga naglalaro dun ng volleyball. Routine kasi ng mga co-varsity ko na maglaro dun tuwing lunch.

As I walk papuntang gym, nakita ko yung dad ko with... Chad?!

"Hey Chelsea!" tawag sa'kin ng dad ko and waved his hand.

Di ko pa pala nasasabi na ang dad ko ay ang coach ng basketball team dito sa school. And ito namang si Chad ay member ng team and... crush ko siya. Pero crush lang! Yun lang! Promise!

"Hey Chel. Ayos ka lang ba?" tanong ni dad. napansin niya siguro na natulala ako for a second.

"ah? opo! okay lang po ako dadi."

"okay good." then ginulo gulo niya yung buhok ko "mamayang uwian nyo punta ka ng gym ha? magkakaron ng try-out and i want you to watch" then he winked.

"po? bakit pa? maypupuntahan kami ni Raina mamayang uwian"

"basta. pupunta kaa doon whether you like it or not" pabirong sinabi ni daddy sakin

"okay po. mamaya ikaw na po mag-explain kay Raina ha." i pouted then medyo napatingin ako kay Chad and nakita ko na tinititigan pala nya ako

When I saw that, umiwas kagad ako ng tingin. Then hinug ko kagad itong si daddy and kumaripas na agad ng takbo.

Oh my. Nakatingin talaga siya sakin while talking with my dad? Ayeeeeee! Grabe! Ano kayang inisip nya? Ano kayang sabi niya pag-alis ko? Napansin kaya niya ang kagandahan ko? Crush na din kaya ako nun? Wahahahaha!

 Pero, wait. No no no. Haaaay. Imposible yun. Kahit ilang beses pa akong mag think positive, mangarap o mag-ilusyon dito,

...He's still beyond my reach.

Beyond My ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon