ㅛ ㅅ ㅛ

120 9 2
                                    

l  a  l  i  c  e

×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×

"ano ba ginagawa mo dito? "

So first of all, first time kong makita si Taeyong ng ganto kalapit.

First time ko rin siyang makausap.

Hoy, di ako kinikilig ah!

"hindi ko alam kung anong klaseng gamot bibilin ko kaya bumili ako ng tigi-tigisa. bumili rin ako ng isaw, kaya natagalan."
wtf

Para kong nabingi nung narinig ko yung isaw?

Huhu, Papa God, layo mo ko sa temptations pls.

"oh? di mo naman kailangan pum--"

Nagulat ako sa sumunod na nangyari, sinalat ni Taeyong yung noo ko at leeg.

Bigla akong linamig dahil dun?!

"wala ka namang lagnat."

Tiningnan ko lang siya ng weird na tingin pero panay ang check niya sa mga gamot na nasa mesa.

"meron ka ba ngayon?" sabi niya at tumingin sakin.

wtf

Anong klaseng tanong yun?!

Feeling ko pulang pula na ko ngayon, pero paano niya nalaman?!

"sabi nung babae sa drug store, eto daw pain killer, pwede daw yang pang-lessen ng sakit ng ulo at puson." sabi ni Taeyong at ibinigay sakin yung gamot na kulay red.

Tinanggap ko naman pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Alam mo bang alalang alala ako sayo?" sabi niya at nakatingin pa ng straight sa mata ko.

Shit, pwede ba?!

Ni hindi ako makatingin sa kanya ng maayos!

Hinigit ko ang kamay ko at kumuha ng isaw mula dun sa plastic. Dalawa yung kinuha ko at binigay sa kanya.

"nasan parents mo?" tanong niya.

"family gathering." tipid kong sagot.

Hindi naman masyadong awkward, 'di ba?

Hehe.

"eh ba't di ka kasama?"

"may choice tayong lahat. and i chose not to come. " proud na sabi ko at kumuha pa ulit ng isa pang isaw.

Tiningnan ko si Taeyong na parang napipikit na, at mukha rin siyang pagod. Siguro dahil 'to sa practice.

"napagod ka sa practice kanina 'no?" sabi ko at nagulat naman siya.

"hindi 'no."

"kunwari ka pa. kitang kita ko naman sa mukha mo." sabi ko, tiningnan niya ko at ngumiti siya bigla.

Ay shet ba't ba ang gwapo nito

Joke, hehehe....

"walang kapartner si Jaehyun kanina. " sabi niya.

Malamang wala ako....

"kaya nagpalit na lang kaming partner, sabi kasi nung dance instructor baka daw di ka makahabol, ako na lang daw magturo sa'yo."

"di pa ba magtatapos 'yon dun sa palitan ng partners?" tanong ko habang patuloy pa ring kumakain ng isaw.

"hindi, may idinagdag pa kasi eh. tsaka di rin naman tayo naging magkapartner nung nagpapalitan, kaya mas ok nang magpalit kami ni Jaehyun."

"ano daw? baliw ka?"

"sayo? oo. " sabi nito at ngumisi pa.

Aba.

" joke lang! di ka naman mabiro." sabi niya kaya napatawa naman ako, abnormal ata  'to.

Kinuha niya sakin yung stick nung isaw at nilapag sa mesa, "Alam mo, magpractice na lang tayo."

"di pa ko tapos kumain eh! " sabi ko at tiningnan sya ng masama.

"takaw mo." sabi  niya

Tumayo si Taeyong at kinuha ang kamay ko, linagay niya yung kamay niya sa bewang ko.

"bakit pag kay Jaehyun nakikipagsayaw ka? " sabi nito akmang bibitawan na ko pero linagay ko yung kamay ko sa balikat niya.

"ayan na oh." sabi ko.

hindi ko alam kung ano yung kanta pero hina-hum niya lang.

hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko ngayon.

First time ata lahat ngayon.

First time may pumunta sa bahay para bisitahin ako at gantong oras pa.

First time na may magdala sakin ng gamot dahil lang nagaalala siya sakin.

First time may magsayaw sakin dito sa mismong bahay ko pa.

At, first time ko ring maramdaman 'to.

Hindi ko alam kung kilig ba, kaba, o epekto lang dahil meron ako, pero isa lang ang sure ako.

Siya lang yung nakakapagparamdam sakin nito.

Shit.

Ang corny ko ba?

pweh

nonsensicalWhere stories live. Discover now