Slavine: Love is Kind

692 13 4
                                    

"Slater! What happened?" sigaw agad ni Divine pagkapasok  sa private hospital room ni Slater.

Naaksidente kasi si Slater habang nagshoshooting sa isang motorcycle scene para sa isang pelikula.Si Divine naman ay kasalukuyang nasa isang meeting ng malaman niya mula kay Tin ang balita. 

Nagulantang sa loob ng hospital room sila Slater, na kasalukuyang nakahiga at nakabenda ang paa, at si Stacy, ang nakababatang kapatid ng huli.

"Whoa..." si Slater. "Uso yung pagkatok sa pinto. Ginulat mo naman kami, Divine"

 Hindi na inalintana ni Divine ang nasambit ni Slater. Abala na kasi ang dalaga sa pagtingin sa benda na nakabalot sa mga paa ni Slater.

Parang nakita ni Slater at Stacy na nanginig si Divine. Pain can obviously seen in her two hazel eyes.

"Kuya is ok, Divine.." ani Stacy habang nagbabalat ng prutas katabi ni Slater. "Kailangan lang niyang mabedridden ng ilang araw para hindi masyadong magalaw ang paa niya. Medyo kasi napalakas yung bagsak niya sa motorsiklo."

Pabalik-balik ang mata ni Divine kay Stacy at sa paang nakabenda ni Slater.

"Divine, I'm good."  pagsisiguro ni Slater habang nakahawak kamay kay Divine.

"GOOD?!?!?" Nagpanting ang tenga ni Divine sa narinig at nagsimulang hampas-hampasin si Slater.

"Do you see yourself?!? You're not Good! Your far from it! You should be more cautious, careful..."aktong maibabato ni Divine ang hawak na bag sa binata ng yakapin siya ni Slater.

Nagulat at namula si Divine sa ginawa nito. 

"Divine, hindi ako puwedeng maggagalaw," bulong ni Slater habang yakap si Divine.

Sa posisyon nila ay samyo ni Slater ang mabangong aroma ng dalaga. Kinilig naman si Stacy sa eksenang natunghayan kaya pinili na lang manahimik at manood.

"Sorry, Slater." nahimasmasan na si Divine. "It's just that you should be more careful. Many people cares for you. I'm one of them. So it really hurts to see you that way."

Hinimas-himas ni Slater ang likuran ni Divine habang mahigpit pa ring nakayakap dito. Naramdaman ni Slater na basa na ang hospital gown na kanyang suot.

Umiiyak si Divine.

Mixed emotions ang nararamdaman ni Slater. Gusto niyang mapangiti sa ginagawang pag-alala sa kanya ni Divine, pero at the same time ay nalulungkot siya sa sakit na naibibigay niya sa dalaga.

"Ok, stop with this drama." pagbitiw ni Divine sa yakap ni Slater.  Naalala kasi ng una na kasama pala nila si Stacy. Baka kung ano pang isipin ng kapatid ng huli.

Pinahid ni Divine ang luha at saka nagsalita.

"What do you want for lunch?"

"Why?" tanong ni Slater.

"I'm gonna cook you lunch?"

"Don't bother, Divine" Si Stacy. "Ako na magluluto."

Sumang-ayon naman si Slater sa kapatid.

"So you don't like my cooking?" nagtatampong tanong ni Divine.

"Of course not!" napasigaw si Slater sa pagdepensa sa sarili. "You're a good cook. It's just that I dont want to disturb you anymore."

"No, its my honor to serve you Mr. Young." pagtama ni Divine sa akala ni Slater na nakakaistorbo na ito sa kanya.

"Ok, so I'm just gonna help Stacy to cook."

Buong hapon na magkasama ang tatlo. Kwentuhan, harutan at tawanan ang kanilang ginawa. Mga alas-ocho na ng gabi ng mag-aya na si Stacy paguwi kay Divine.

"So who's gonna look after Slater?" tanong ni Divine.

Napangiti si Stacy sa tanong nito.

"Divine, Slater's just gonna sleep. He don't need anymore of our assistance." saad pa nito habang nagaayos ng gamit pag-alis. "And besides,  we also need to rest, or else, tayo naman ang macoconfine dito sa ospital."

Divine gets the point of Stacy but don't feel like doing it.

"I'm gonna stay."

Nagulat si Slater sa sinabi ni Divine. Halos lumundag ang puso niya palabas ng kanyang dibdib sa tuwa.

"You should't have." nanaig ang pag-aalala ni Slater sa dalaga.

"I insist,." aktong hihiga na si Divine sa sofang malapit sa hospital bed ni Slater. "Matagal na tayong hindi nagkakasama, so might as well lubusin 'tong oppurtunity."

"Ok." pagpayag ni Stacy.

"So, I'm just gonna leave the two of you." nangingiting paalam nito. "Slater, behave ah."

Natawa na lang si Slater sa tinuran ng kapatid at nagpaalam.

"Bye Stacy, Take care." bumangon pa si Divine mula sa sofa para yakapin at bumeso kay Stacy.

Pagkaalis ni Stacy ay naglakad na pabalik si Divine sa sofa.

"You can sleep with me." si Slater.

"Sleep what?" balik-tanong ni Divine.

"I mean, you can sleep beside me."  nakakunot pa rin si Divine. "You look uncomfortable sa sofa, atleast here in my bed you can sleep well."

"Aaah.." 

"Don't worry, I'm not naughty" sabay kindat ni Slater. " Ikaw lang naman nagiisip ng kung ano."

"Grabe ka Slater!" kinikilig na sambit ni Divine habang naglalakad papunta sa tabi ng binata.

Nagharutan pa silang dalawa bago napagpasiyahang matulog.

"Good Night, Slater. I love you!" sabay yakap ni Divine dito.

"I love you too, Vine. Night!"

Mabilis na nakatulog si Divine. Habang si Slater naman ay naiwang gising at tinitignan ang natutulog na kaibigan sa tabi. 

"Thank you Divine, I'm so happy you are here." sabay halik ni Slater sa noo ni Divine.  

"So kind of you to be here." sa pagsambit ng linyang ito ay nakangiti ng nakatulog si Slater yakap si Divine.

Nasa isip ng binata na mapapabilis ata ang paggaling niya kung laging andito si Divine, katabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Slavine: Love is KindWhere stories live. Discover now