Walang permanente sa mundo, lahat nagbabago.
ATASHA.
Isang umaga, pag gising ko, nabasa ko ang text niya. Ayaw na niya, hindi na raw niya ko mahal.
Umiiyak ako habang nagdri-drive. Late na ko sa trabaho. Isang oras kasi akong natulala pagkatapos mabasa ang text niya. Parang tanga lang. Ano bang nagawa ko? Ano bang pagkukulang ko?
Pagdating sa Web Design Office na pinagtratrabuhan ko, napansin ng mga kaibigan ko ang mga namamagang mata ko. Kwinento ko ang nangyari.
“Di ba okay naman kayo?” tanong ni Dolly, ang kalog kong officemate.
Tumango ako.
“Baka naman may third party?!” singit ni Charol. Isa pang officemate.
Hindi ako sumagot. Di ko kasi alam baka meron nga.
“O.A. naman ni Yuji ha, wala mang pasabi!” salita ni Dolly.
Ico-comfort pa dapat ako ng dalawa kong officemates ngunit dumating na si Boss. Trabaho na.
Wallpaper ko sa desktop computer ko ang picture naming dalawa ni Yuji. Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho ng mabuti kaya pinalitan ko panamantala ang wallpaper ko ng isang cartoon character.
Lunch break. Inaaya ako nina Dolly at Charol na kumain sa labas, ngunit wala akong gana. Naiwan akong mag-isa sa office. Malungkot. Tinawagan ko si Yuji sa phone, ngunit walang sumasagot. Tinext ko din siya, ngunit wala din reply. Naguguluhan pa din ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Afternoon work time. Viniew ko ang facebook account ni Yuji. Puro posts ng mga love songs ang naroon dinededicate niya sa mahal niya. Dinededicate niya para sa akin??
Sa kalahating araw, tanging reply lang niya ang hinihintay ko. Bawat tunog ng cellphone, pinapanalangin kong sana siya na yun. Pero wala.
Uwian na. Tinawagan ko ulit si Yuji, ganoon pa din – hindi sinasagot.
Dumaan muna ko sa street nila para puntahan siya. Ngunit wala siya. Nagpunta ako sa isang rooftop ng building apartment. Doon ako nagpalipas ng oras. Nakatunganga. Iniisip kung ano ang nangyayari.
YUJI.
Ilang beses ko na siyang inaayang lumabas, boyfriend niya ko ngunit madalang lang kami magkita.
Isang Hapon, maaga akong nagising. Pupunta ako sa sinehan para panoorin ang gusto kong pelikula. Dalawa ang tickets na binili ko online. Pero hindi siya pwede, may overtime daw siya sa web designing. Ako na namang mag-isa ang manonood.
Pag-uwi sa bahay. Tinawagan ko siya. Humingi siya ng pasensya. Nag-usap kami na inabot ng quinse minutos. Pagod siya sa trabaho kaya natulog na siya.
Nagready naman ako para pumunta ng hospital. Duty ko na ulit. Magdamagan na naman ito.
“Kailangan ka sa E.R. sabi ni Doc!” sabi ng isang nurse pagdating ko sa Hospital. Tumakbo ako ng mabilis. Isang batang lalaki nasagasaan ang kailangang gamutin.
Inabot ng dalawang oras ang operasyon.
“Sabihin mo sa kamag-anak sa labas na okay na siya.” sabi sa akin ng Doctor.
Paglabas ko, hinanap ko ang kamag-anak ng bata. Wala akong makita. Kaya nagpasya na akong bumalik sa loob.
Nang pabalik na ako, may isang babaing lumapit sa akin. Nagpakilalang ate ng pasyente.
“OK na po siya. Maya-maya, ilalabas na din siya.”
Ngumiti ang babae at nagpasalamat.
Inabot ng umaga, tinawagan ko si Atasha. Walang sumasagot, baka tulog pa.
Chineck ko ang facebook account ko. May bagong friend request. “Princess Summer.” Maganda siya kaya inaccept ko. At doon na kami nagsimulang magka-usap.
Kwinekwento ko kay Summer ang tungkol sa amin ni Atasha. Ilang linggo na din ang nakakalipas na magkausap kami ni Summer.
Isang araw, nagpasama siyang bumili ng dress. Sinamahan ko siya sa isang mall sa city. Mas maganda siya sa personal. Malambing pa siya. Sino ba namang hindi maaakit sa kanya?
Tinawagan ko si Atasha noong gabi na iyon, sinabi niya na nasa Tagaytay siya kasama ang mga ka-officemates niya. May team building sila.
Isang gabi. Isang mahirap na desisyon ang napaharap sa akin. Nagpasya na ako na putulin na ang relasyon namin ni Atasha.
SUMMER.
Kailan ko matitikman ang tunay na pagmamahal?
Noong bata pa lang ako, pagkatapos ipanganak ang kapatid ko. Iniwan na kami ni Papa. At makalipas ng ilang taon, nag-asawa naman ng iba si Mommy. At iniwan kaming magkapatid kay Lola.
Tintukso ako sa paaralan dahil nga wala na akong magulang. Pero ang ginagawa ko, inaaway ko sila. Ang ganda ko lang para apihin. At kung magpapaapi ako, ako ang kawawa. Ayokong maging kawawa.
Pagkatapos, grumadweyt ng college. Hiniwalayan ako ng pang-anim kong boyfriend. Graduate na raw kami kaya tapos na din ang relasyon namin. Sinampal ko siya. Ano ako?? Laruan?!
Graduate ako ng tourism, pero bumagsak ako sa call center. Nagkagusto ako sa Team Leader ko, ngunit iniwan din niya ko pagkatapos makuha ang gusto niya sa akin.
Pasaway ang kapatid kong lalaki, mag-fifirst year high school na siya sa pasukan. Isang hating-gabi, hinabol siya ng isang gang ng mga kabataan, sa pagkatakbo niya – nasagasaan siya.
Pagdating ko sa ospital, nadatnan ko ang isang nurse. Sinabi niya na okay na raw ang kapatid ko. Nakahinga na rin ako ng maluwang.
Pagdating ko ng bahay, inadd ko agad ang nurse. Nakita ko kasi ang pangalan niya sa kanyang nameplate. Habang brinabrowse ko ang mga pictures niya, lalo akong naaattract sa kanya. Nakita ko din ang isang babae na lagi niya kasama sa picture, malamang girlfriend niya.
Inaccept niya ako. Nagsimula kaming mag-usap. Kwinento niya ang tungkol sa kanila ng girlfriend niya.
Ilang araw ang nagdaan. Sa kagustuhan kong makita siya, nagpasama ako na bumili ng dress na gagamitin ko sa isang gathering. Nagkita kami, at okay naman siya.
Pagkatapos ng gabing iyon, panay tawag na sa akin ni Yuji. Sinasagot ko naman ang tawag niya. At pagkatapos ng mahabang panahon, naramdaman ko na importante pala ako. Na may nagmamahal sa akin. Napaiyak ako. Pero hindi pwedeng dalawa kami sa puso niya. Kailangan niyang mamili.
Dapat ako lang.
to be continued.. (Part II: Ang Pagkikita.)
BINABASA MO ANG
A Break-Up Story
General FictionPaano kung nangyari din sayo ang kwentong ito? Kanino ka papanig? Para sa mga umibig, umiibig, at iibig, A break up story. please don't forget to leave comment. thank you. COMMENTS:)