Ang Wakas.
Breaking up is just like having the worst nightmare after having the best dream.
SUMMER.
Hindi mo alam, nasa paligid mo lang pala ang tunay na magmamahal sa'yo.
Pag-uwi ko ng bahay. Tumakbo ako sa kwarto ko. Binuksan ang laptop. Inopen ko ang facebook account ko. Delete at block ko agad siya sa friend list ko. Dumi lang siya sa facebook ko. Kinuha ko ang sim card ko sa loob ng cellphone ko. Tinapon ko sa labas ng bintana.
May kumatok sa pintuan ng kwarto. Pinapasok ko. Ang kapatid ko.
"Ate okay ka lang?"
Halata naman siguro na mahigit isang oras akong umiyak. Kinuha ko ang wallet ko, kumuha ng pera.
"Oh heto Thirdee. Pang-gala mo. Sensya ka na nalate ako."
"Ate hindi ko tatanggapin yan."
"Bakit?? Kulang??"
Lumapit sa akin ang kapatid ko. Niyakap ako. "Ate, andito naman ako e. Huwag ka ng umiyak."
Pasaway ang kapatid ko, pero sa kalagayan kong to, naintindihan niya ko. Ang sarap pakinggan.
Napaiyak na naman ako. Hindi na sa sakit, kung hindi dahil sa tuwa. Niyakap ko din siya pabalik.
"Mayroon pa naman kaming isa't isa. Mayroon naman akong kapatid na pwedeng mahalin. Bakit pa ba ko nagpapaloko para hanapin ang tunay na magmamahal sa akin?"
Niyakap pa ko ng mahigpit ng kapatid ko. Ito ang unang pagkakataon na nagyakapan kami.
Mula noon. Hindi na ako nag-boyfriend pa.
Magiging maingat na ko sa susunod. At alam ko, darating iyon. Hintay-hintay lang.
Isang taon na ang nakalilipas. Nagpunta ako ng mall. Bibili ako ng luggage bag. Na-approve na kasi ang VISA ko papuntang US. Doon na ako magtratrabaho. Sinamahan ako ng kapatid ko.
Napadaan kami sa isang TV appliance store sa tapat ng bookstore.
May nakita akong mag-asawa. Nakaputi ang lalaki, at nakapink naman ang babae.
Masaya silang dalawa. Masaya na din ako na makita sila mula sa malayo.
YUJI
Kung kailan wala na siya, doon mo malalaman ang tunay na kahalagahan niya.
Nagmahal ako, pero dahil nagpadaig ako sa sarili ko, nawalan ako.
Umuwi ako ng bahay galing sa duty. Naisip ko ang mga nakaraang buwan at araw. Naisip ko si Atasha. Naisip ko din si Summer. Naisip ko ang estado ko ngayon. Ready ba talaga ko na magmahal?
Hindi na ko nag-open pa ng facebook. Alam ko, aasarin na naman ako ng isip ko sa nangyari.
Ilang linggo ang nagdaan, nang papunta ako sa hospital. Tinawagan ako ng nurse sa cellphone ko. Urgent daw. Sa kakamadali ko, tumilapon ang phone ko. Argh. Pang-ilan bagsak na ng cellphone ko, pero mukhang matutuluyan na yata. Pinulot ko ang cellphone ko, sabay takbo at pumuntang ospital.
Pagkatapos ng trabaho, pumunta ako sa pagawaan ng cellphone. Kailangan daw na ireformat ang phone ko. Andami pa namang importante doon. Sa phone memory pa naman nakasave ang mga contacts ko.
Tutal, di ko mapapakinabangan pag hindi ko pinagawa, hinayaan ko na lang ireformat lahat.
Sabay ng pagreformat ng cellphone ko, parang nagreformat din ang pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
A Break-Up Story
General FictionPaano kung nangyari din sayo ang kwentong ito? Kanino ka papanig? Para sa mga umibig, umiibig, at iibig, A break up story. please don't forget to leave comment. thank you. COMMENTS:)