Alam nyo po ba yung feeling na kinikilig ka pag nag sho-show sa notification mo yung name nya sa phone mo. Yung kinakabahan ka sa tuwing nagrereply sya yung feeling na snob ang lahat pag sya kachat mo yung kada may post yung mga page na qoutes or what basta makakarelate sayo/sainyo tas ishe-share ita-tag o ime-mention mo sya tapos yung feeling na ikaw yung featured photo nya tapos sya yung featured photo mo. Alam mo yung feeling ng ganon? Yung parang kayo pero hindi parang hawak nyo na yung isa't - isa pero di naman kayo. Tapos yung binigay nya sayo yung account nya pumayag na panghawakan mo yun para di ka raw magduda?? Yung mula umaga hanggang gabe magkausap kayo batuhan ng iloveyou/iloveyoutoo yung puro banat ng pick-up lines para lang may mai-topic. Yung ang bilis bilis nya magreply tapos tatad tarin ka ng chat pag ang bagal mo magreply. Yung kung ano ano naiisip mo pag di kayo magka-usap. Yung pagod o badtrip ka pero pag makausap mo lang sya okay kana nakasmile ka na. Yung kahit naghahabol kana sa oras makapagreply ka lang sakanya.