"Sht. Sht. Sht, Ara. Alalahanin mo. Ano ba pinagsasabi mo kagabi?" Tanong ni Ara sa sarili. She was drunk last night and as usual, wala na naman siyang maalala. Amnesia girl nga tawag sa kanya ng tropa.
"Dapat kasi hinayaan mo munang tapusin niya yung kwento."
Yesterday..
"Ay! Di ako kakain ng shanghai mamaya. Lasang kamay ni Ara." Sabi ni Thomas pagkapasok pa lang ng bahay. Birthday kasi ng kuya ni Ara na teammate naman ng chinitong bansot na si Thomas. Pag may lumpiang shanghai kasi na handa, si Ara palagi ang nagbabalot. Yun lang naman kasi ang kaya niya. Hindi siya sanay magluto.
"Edi mabuti. Para maraming makakain. Sa ibang handa ka na lang magtimawa." Balik na pagbibiro ni Ara.
Yep, you read that right. Hindi ito yung typical story na aso't pusa ang mga bida. Hindi rin naman kasi sila yung super close talaga. Sakto lang. Nagkakausap lang sila dahil sa kuya niya.
Pagkatapos niya sa ginagawa, umakyat na siya para maligo. Kumain naman yung mga bisita para makapagsimula na ng session agad.
Pagbaba niya, nakapwesto na sa may garahe sila Thomas.
"Taray naligo. Pinaghandaan. Siguraduhin mo lang na tatagal ka ah. Sayang ligo mo kung susuka ka din mamaya." Bungad sa kanya ng girlfriend ng kuya niya. Nagtawanan naman ang lahat.
"Kumpara naman sayo, talagang tatagal ako." Pambabasag ni Ara.
"Tama na yan. Ara, maupo ka na para makapag-umpisa na tayo. Diyan ka na lang sa tabi ni Thomas."
Sht. Sa isip isip ni Ara. Ang totoo kasi, matagal na siyang may gusto kay Thomas. Kinakabahan siya ngayon kasi baka may magawa o masabi siyang hindi dapat mamaya pag nalasing siya lalo na't katabi niya 'to.
Naupo na siya. Pero halatang naiilang. Medyo nakahilig siya sa gawing kanan para hindi sila magkadikit ni Thomas na nasa kaliwa naman niya. Nagsimula nang umikot ang baso.
FF>>
Epekto ng alak, maingay na sa garahe ng mga Galang. Kanya kanyang kwentuhan, mostly payabangan, may malakas tumawa at may naglalandian na. Si Thomas at Ara, may sarili na rin mundo.
Nag-uusap sila tungkol sa lovelife ni Thomas nang biglang..
"Sabi ng kuya mo, kung tayo daw nagkatuluyan.."
Sumingit si Ara. "Sino?" Nilinaw niya kung sinong "tayo" yung tinutukoy ni Thomas.
"Tayo.." Parang wala lang na sagot nito. Napatayo naman si Ara at hinampas ng mahina si Thomas. "Arrrgh! Ba't ka ganyan? Huhu." Pagkatapos ay biglang tumakbo papunta sa kwarto niya.
"Sht. Sht. Sht." Mahina siyang nagwala dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi niya inaasahan yung sinabi ni Thomas.
Nang mapakalma ang sarili ay bumaba na siya ulit. Pero nagulat siya nang makitang iba na yung nakaupo sa tabi niya. Paglingon niya sa tapat, nagkatinginan sila ni Thomas pero agad din naman umiwas. Bakit ka lumipat? Sa isip ni Ara habang nakatingin pa rin dito. Natapos ang araw na hindi na sila nakapag-usap ulit.
"Ano ba yung ibig sabihin mo dun? Ano'ng napag-usapan niyo ni kuya tungkol sa ating dalawa? Bakit may ganung issue? May gusto ka din ba sakin?" Ulit ulit na tanong ni Ara sa sarili. Wala siyang lakas ng loob para magtanong kay Thomas. Ayaw niyang umasa, hindi siya dapat umasa. Pero...