Vote / comment
Italicized = Charlotte's line
Bold = Xander's line
God bless!
-monsterinc-
_____________________________________________________________________________
HER POV
Nandito kami ngayon sa beach kung saan kami unang nagkita... Naglalakad lang kaming dalawa...
ineenjoy ang kagandahan nang kapaligiran...
“Heart Ko, remember dito kita unang nakita habang nakatayo ka.” Tinuro niya ung lugar “Para
kang anghel na nahulog mula sa langit, from the very first time I laid my eyes on you ay nainlove
na ako sayo.”
“Aysus ang korni mo... di bagay.”
“Hindi na bale na korni ako... basta ang alam ko mahal kita.”
Biglang nag-init ung pisngi ko... feeling ko sobrang pula ng pisngi ko...
“Heart Ko... namumula ka... HAHA kinilig ka na naman sa sinabi ko.”
“Tse... shatap.. ang kapal mo Xander.”
Naglakad ako paalis... eh sa nahihiya ako sa kanya... Pero syempre lumingon ako para tignan
kung sinusundan niya ako... pero ayun nakatayo lang dun... Tumatawa...
“Heart Ko sabi na nga ba titingin ka din... mahal mo talaga ako.”
“Tse ang kapal mo talaga... I HATE YOU!.”
“Really?”
“Oo, I hate you na.”
“Tara nga dito... dali.”
Syempre uto-uto naman ako kaya lumapit ako hindi ko din siya matitiis...
HIS POV
Si Heart Ko talaga masyadong matampuhin... parang jinojoke ko lang...
“Tara nga dito... dali.”
Lumapit naman siya... sabi na nga ba hindi din ako matitiis nito... Nung makalapit siya sa akin ay
yinakap ko siya...
“Heart Ko... wag ng magtampo ha... kahit lagi kitang inaasar eh mahal kita, mahal na mahal.”
"Mahal din kita Heart Ko...kahit anong pang-aasar ang gawin mo sa akin ay ayos lang."
"Alam mo Heart Ko kung mawawala ka sa akin... hindi ko alam ang mangyayari sa akin... hindi
ko makakayanan na mawala ka sa akin, hindi ka naman mawawala di ba?"
HER POV
"Hindi ka naman mawawala di ba?"
Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya... Hindi ko alam...
"Oo naman... hindi kita iiwan... pero kung sakali ba na iwan kita... kunwari may iba na akong mahal ano gagawin mo?"
Nakita ko na napatigil siya... tila nag-iisip...
"Ano ang gagawin ko? Syempre sa una masasaktan ako... pero dahil mahal kita ilelet-go pa rin
kita... kung hindi ka na masaya sa akin then I'll give you freedom... ayoko na napipilitan ka lang
BINABASA MO ANG
10 things I want him to do for me
Romancesampung bagay lang naman ang gusto kong gawin niya... para maging masaya ako at para di niya ako makalimutan...