Cielo's POV
"Prinsesa Cielo, 'wag po kayong matakot. Ako po ito, si Prinsipe Karl!" pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Matagal nang wala si Prinsipe Karl!" sagot ko naman. Si Prinsipe Karl ay ang aking dapat na mapapangasawa ngunit bigla na lamang siyang nawala.
"Pero ako nga talaga ito! Lumapit ka sa'kin at halikan mo ako, malalaman mong nagsasabi talaga ako ng totoo."
Lumapit naman ako sa coral at....
Third Person's POV
Hinalikan nga ni Prinsesa Cielo ang nagsasalitang coral. Pagkatapos no'n ay kataka-takang bigla na lamang siya naging isda.