8th Turn: With You

23 2 1
                                    

Maira's POV

"Jasper. Minsan huh gala tayo kina Kenny. Gusto ko kasi talaga siya makaclose ng husto eh. Lalo na wala syang kaibigan sa school at ganun din ako..." Sabi ko. Kasalukuyan kaming nasa byahe pauwi. Habang nagdadrive si Jasper ng kotse niya ay eto naman ako at daldal ng daldal.

" So anong tawag mo sa akin? Hindi kaibigan?" Sabat naman agad ni Jasper sa sasabihin ko.

" Tamoh toh. Di pa nga ako tapos magsalita, epal agad. Ang sabi ko ganun din ako, walang kaibigan bukod sa inyo ng BP. Wala akong kaibigang babae. Kaya naman gusto ko talaga maging kaclose si Kenny. Sya lang ata ang matinong babae sa school." Mahabang litanya ko.

"Kaso nga lang, baka magalit si tito kung saan saan ka nakakapunta. Si Kenny na lang kaya ang papuntahin mo sa inyo" Sabi ni Jasper.

"Ayoko. Mas gusto ko sa kanila" Sabi ko na nakahalukipkip pa, parang nagmamaktol na bata.

"Para kang bata." Ani Jasper sabay hagikgik niya.

"Bakit? Bata naman ako ah" Ani ko tapos nagpout.

"Tumigil ka nga di bagay, hahaha" Sabi ni Jasper at talagang malakas pa ang pagtawa. Sama nito. Kung hindi lang toh nagdadrive niwrestling ko na toh.

"Hay. Sayang talaga hindi ko naistalk ngayon si DA. Saan kaya siya nagpunta ngayon? Hala! Di kaya may gf na siya? Hala best pano na yon? Hindi na ako ang first gf niya! Hala best! Anong gagawin ko?!" Naghehisterical na tanong ko kay Jasper. Kaso imbis na sumagot. Sumimangot lang siya. Ano bang problema nito?, napakamoody ngayon. Kanina pa toh.

"Uy, Best! Sumimangot ka bigla. Ano bang problema?" Pagtatanong ko.

---

Jasper's POV

"Hay. Sayang talaga hindi ko naistalk ngayon si DA. Saan kaya siya nagpunta ngayon? Hala! Di kaya may gf na siya? Hala best pano na yon? Hindi na ako ang first gf niya! Hala best! Anong gagawin ko?!" Sunud sunod na pagtatanong niya. Denmark na naman? Yung ngiti sa labi ko kanina ay napawi at napalitan ng inis. Oo, naiinis ako. Kahit wala akong karapatan. Naiinis pa din ako. Bakit ba puro Denmark na lang? Ako yung kasama niya palagi. Ako yung nagpapasaya sa kanya palagi. Pero bakit si Captain pa din ang hanap niya?. Bakit yung laging wala ang gusto niya makita?

"Uy, Best! Sumimangot ka bigla. Ano bang problema?" Pagtatanong niya.

"Wala. Oh, baba na. Nandito na tayo sa inyo." Walang emosyong sabi ko sa kanya. Masisisi niyo ba ako? Halos apat na taon ko na tong minamahal. Pero puro si Denmark lang ang nakikita niyang pwedeng mahalin. Halikan ko kaya toh ng malinawan. Arghhh kakaasar.

"Sige best. Ingat ka pag-uwi. Smile ka habang nagdadrive huh. Hihihi. Babye" Sabi niya sabay baba sa kotse ko. Hay tamoh toh. Kahit na naiinis ako. Ngumiti siya. Solve na agad. Arghhh. Nakakainis na talaga!!

"Gege. Pasok ka na, mahamog na." Sabi ko sakanya habang nakangiti.

"Yiie. Ngumiti din siya. Huwag na moody ha. Para kang meron eh." Pang-aasar pa niya sa akin. Umiling iling na lang ako bilang sagot sa kanya. Kasabay nun pinaandar ko na ang kotse ko para umuwi na. Hay, Maira. When I'm with you. Nasasaktan ako pero nagiging masaya din at the same time. I'm crazy I know. Crazy inlove with you. Ayan, nababakla na ako. Aish.

---

Maira's POV

Ilang minuto na ang nakalipas nang makaalis na si Jasper. Pero nandito pa rin ako sa labas ng bahay namin. Arghh. Di talaga kumpleto araw ko kapag di ko naiistalk si DA my loves. Haist.

GROOOOOOOOOWLLLLLLL

"Oops. Gutom na ako. Naalala ko di pa nga pala ako nakapaglunch kanina. Ayoko naman kumain sa bahay. Pangit ng pagkain dun eh." Kaya napagdesisyunan ko na pumunta na lang sa malapit na convenience store, pano ba naman kasi wala ng ibang hinain sa mesa sa bahay kungdi steak steak steak. Arghh mapupurga na ata ako sa steak! Ayaw kasi ako paglutuin sa bahay. Nakakaloko kaai itong si Daddy, masyadong oa na ang pagkahilig sa steak. Habang naglalakad ako papuntang convenience store ay nakahawak ako sa tyan ko na nagwawala na sa gutom.

after 20 minutes of walking...

"Hay salamat. Nakarating na din ako. Pakiramdam ko nagrewrestling na sa loob ko ang mga bituka ko." Sabi ko sa sarili at pumasok na ako sa store. Bumili ako ng 3 siopao, 4 na doughnut, 2 slurpee at 1 sprite na maliit. Buti na lang hindi ako masyadong gutom at hindi ako mapapakain ng madami.

"Solve!! Burrf" Haist salamat at natapos di  ang pagkikiskisan ng mga bituka ko sa tyan. Pagkatapos kumain ay lumabas na ako sa convenience store. At sa di kalayuan nakita ko si...

"DA!" Sigaw ko. At lumingon naman siya.

---

Denmark's POV

Naglalakad lakad ako sa daan papuntang park para libangin ang sarili ko. Salamat na lang at wala yung chicken na yun ngayon na sunud ng sunod sa akin palagi. Nakakainis yun, ang creepy. Kaso nga lang ang tanga naman kung magstalk. Napapansin agad. At nakakainis pa, apat na taon na nya tong ginagawa, at siya rin ang dahilan ng pagkatalo namin Tigers. I can't never forget how that fucking bastard insulted me.

"Haha. Ano ka ngayon Art? Asan ang pinagmamalaki mong panalo? Ahaha at talagang may pagdulas ka pang nalalaman? Kung makikita mo lang ang sarili mo mukha kang palakang nadulas sa court kanina. Ahaha"Paginsulto niya sa akin. Ano daw? Ako palaka? Sa gwapo kong toh sasabihin niya na para akobg palaka! Sa inis ko sinuntok ko sya sa mukha.

"Eh tarantado ka pala eh" Sigaw niya sa akin at hinawakan ang nagdudugo niyang labi.

"Bagay lang sayo yan bastard! Sisiguraduhin ko sayo na mananalo na ako sa susunod na laban natin. Warm up ko pa lang toh fuck you" At mabilis kong nilisan ang lugar na iyon.

"DA!" Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay may biglang tumawag sa akin. Teka, DA? Isang tao lang ang natawag sa akin nun ah. Niingon ko ang pinanggalingan ng tawag para makasigurado ako... paglingon ko nakita ko syang kumakaway sa akin.

"Shit!" Pagkasabi ko nun ay kumaripas agad ako ng takbo. Bwiset nandyan na naman ang chicken stalker na yun. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako natakbo? Hindi ako takot okay. Kaso nga lang,...

"DA!"

Lumingon ako sa likuran ko, at napansin ko na hinahabol na niya ako. Shit.

"DA huwag mo naman ako takbuhan!"

"Pwede ba. Lubayan mo ako!" Sabi ko sa kalagitnaan ng pagtakbo ko. Lumingon ulit ako sa likod ko. Waka na siya. Hay buti naman. Tumigil na ako sa pagtakbo at pagharap ko...

"Ahhhhh" Sigaw ko ng makita kong nasa harapan ko na siya, paanong nandito na sya agad sa harap ko?. Gulo gulo ang buhok niya. Mukha siyang... Shit ayokong maalala pa yun.

"Huff...huff... ang bilis mo tumakbo. Bakit ka ba natakbo?" Pagtatanong niya.

"Di ba sabi ko huwag mo akong sundan. At may kasalanan ka pa sa akin kaya sumunod ka. Alipin kita di ba?! Kaya huwag mo akong sundan!" Sigaw ko sa kanya.

"Di naman kita sinusundan eh. Bale ngayon oo sinusundan kita. Pero kanina hindi. I mean kanina ng kanina hindi. Eh? Tama ba?" Ano ba ang pinagsasabi nito? Ah ewan!

"Ah basta. Huwag mo akong sundan. Gusto kong mapagisa.!" Pagkasabi ko nun ay nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.

"I just want to be with you. Thats all. Kahit maging alipin mo ako habang buhay okay lang. Basta huwag mo lang akong paalisin sa tabi mo." Sabi niya sa akin. Makikita ko sa mukha niya na seryoso siya.

Hehe... parepareho lang sila. Wala siyang pinagkaiba sa kanila.

**************

A/N: Hala ano kaya ang ibigsabihin ni DA? And masyado nga naman nang nakakawawa si Jasper... ahaha akin na lang ikaw. Hayaan mo na si Maira kay Denmark. Anyways salamat po sa mga votes mga dear readers. Asahan ko ulit ang another 10 votes para sa next chapter. Thanks din kasi naka200 reads na ako! Pwede na ako magpaparty. Ang saya saya. Suportahan niyo pa sana ang ITTW mga friends. ILOVEYOU ALL!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Turn the Wheel (on Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon