Prologue

18 1 0
                                    

Nailayo ni Jam sa kaniyang tainga ang cellphone na hawak nang sumigaw ang kausap niya sa kabilang linya.Napairap na lamang siya at hinintay na matapos sa kasisigaw ang pinsan.
Nang wala nang marinig na ingay sa kabilang linya ay muli niya nang nilapit sa tainga ang cellphone.Ngunit mabilis niya ulit itong nailayo sa kanyang tainga nang muli nanamang nagsisigaw ang nasa kabilang linya.Nagpahinga lang pala.

"LOUISA!Tumigil ka nga riyan sa pagsigaw-sigaw mo.Ang OA mo,sa totoo lang.At ang ingay mo rin,masakit sa tainga."saway niya rito.
Kasalukuyan siyang namimili ng mga damit sa kaniyang closet na kanyang dadalhin sa pagbabakasyon sa Palawan.

"Sorry naman ho.Sa loob ng walong taon ay ngayon ka lang naman makakabalik dito.Tatlong taon na rin yata kitang kinukulit tuwing magbabakasyon na bumisita ka rito eh ayaw mo naman.Palagi ka na lang busy,summer naman,walang pasok.Buti na lang talaga at naging persistent ako sa pangungulit at pumayag ka na rin."mahabang saad nito na ikinailing at ikinangiti na rin niya.

Naalala niyang Disyembre pa lang ay kinukulit na siya nito na doon na magpasko at mag new year sa probinsya.Ngunit tinanggihan niya ito dahil naging busy siya sa paggawa ng mga projects na kailangan niyang ipasa bago ang exam pagsapit ng January.
Kaya naman wala nang nagawa ang pinsan niya at hindi siya nito napilit.Ngunit matapos naman ang exam ay inumpisahan nanaman siya nitong kulitin kahit na may ilan pang buwan bago ang summer vacation.

"Sina Tito James at Tita Roshelle,sasama din ba sila?Sobrang tagal na ninyong hindi nakakabalik dito."

Walong taon na rin kasi silang hindi nakabalik sa probinsya simula nang nalipat sa Manila ang trabaho ng kanyang mga magulang.Kahit saglit na pagbisita ay hindi na nila nagawa dahil masyadong naging abala ang mga ito.
Si Mrs. Roshelle Vegazz na kanyang ina ay isang surgeon sa isang kilalang hospital dito sa Maynila samantalang ang kanyang amang si Mr. James Vegazz ay isang tanyag na abogado na nagtatrabaho sa isang kilalang law firm sa buong Pilipinas.
Laging abala ang mga ito na kung minsan nga ay hindi na sila magkita sa kanilang bahay.Naiintindihan naman ni Jam ang mga ito dahil alam niyang ginagawa lamang ng mga ito iyon para sa kanya.Kapag may mga araw na hindi naman ito mga abala ay lumalabas sila ng magkakasama.

"Ako lang ang magbabakasyon,alam mo naman,sobrang busy nina Mama at Papa sa trabaho."
Tinignan niya ang iba pang mga damit na maayos nang nakatupi sa kanyang kama na ilalagay niya na lamang sa kanyang maleta.

"Ganun?Akala ko pa naman kasama sina Tito at Tita.Kailan naman ang biyahe mo?"

Sinipat niya ang mga damit na kakukuha niya pa lamang sa closet na nais niyang idagdag sa mga dadlhin niya.Nang makuntento na ay isinarado niya na ang closet at naglakad na palapit sa kama niya.

"Bukas na."

"OM-------"sisigaw nanaman sana ito na agad niya nang pinutol.

"LOUISA!Huwag ka ngang sumigaw,mabibingi na ako"reklamo niya rito na tinawanan lamang nito.
Napairap na lamang siyang muli at sinimulan niya nang inilagay sa maleta ang mga damit na dadalhin.

"Oo na,hindi na sisigaw.Pero,weh?Bukas na talaga?As in bukas na bukas na talaga?"hindi makapaniwalang tanong nito.

Rizal Class 1: Jam's VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon