Chapter 1

22 1 0
                                    

'Vacation'

Mainit na sikat ng araw ang sumalubong kay Jam nang bumaba siya sa sinakyan niyang shuttle van.
Hindi niya napigilang igala ang kanyang tingin at tingnan ang buong paligid.

'Ito na ba ngayon ang bayan ng El Nido?'
Naibulalas niya na lamang sa kaniyang sarili.

Mula sa kaniyang kinatatayuan ay kita niya ang iba't-ibang establishments na natatandaan niyang wala pa noon.
Kapuna-puna ang napakaraming Hostels, Lodging Houses, Boutiques, at Travel Agency na halos magkakatabi-tabi na na kanina niya nakikita sa mga dinaanan nila papasok ng bayan.

Ang bayan ng El Nido ay isa sa mga lugar sa Pilipinas na talaga namang dinarayo ng mga turista dahil sa naggagandahan nitong mga isla, beaches at lagoons.
Madalas ay naririnig niya rin sa mga kaklase at schoolmates niya na gusto ring maranasang makapagbakasyon rito.Bukod pa rito ay marami pang tourist spots na maaaring puntahan sa El Nido.

Nagkalat na rin ang mga foreigner na naglalakad parito at paroon na dinadama ang mainit na sikat ng araw.
Mayroong mga nagmamadali na siguro ay naghahabol sa kanilang tour, mayroon din namang naglilibot-libot lamang, mayroon ding nakatambay sa terminal at siguradong naghihintay ng biyahe at mayroon din namang mga bagong dating.
Sa katunayan ay mayroon din siyang mga foreigner na kasabay kanina sa sinakyang shuttle na galing pang Canada at Switzerland.

Natatandaan din niyang hindi pa dito sa harap ng palengke ang dating terminal.
Paroon at parito ang napakaraming sasakyan,isama mo pa ang paglabas-pasok ng mga sasakyan sa loob ng terminal na nagdudulot na ng traffic.

Kapansin-pansin ang mga naging pagbabago sa bayan sa nakalipas na walong taon.
At sigurado siyang higit pa sa nakikita niya ngayong pagbabago ang makikita niya kung lilibutin niya pa ang buong bayan.

Ngunit sa lahat ng mga pagbabagong nakita niya sa paligid ay lumitaw ang ngiti sa kaniyang labang nang magtaas siya ng tingin at natanaw niya ang nagtatayugang mga taraw kung saan kilalang-kilala ang El Nido kung saan ay tahanan din ng mga Balinsasayaw.

Ngunit sa lahat ng mga pagbabagong nakita niya sa paligid ay lumitaw ang ngiti sa kaniyang labang nang magtaas siya ng tingin at natanaw niya ang nagtatayugang mga taraw kung saan kilalang-kilala ang El Nido kung saan ay tahanan din ng mga Balinsa...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti pa siya lalo nang may dumaang isang sasakyan na malakas na pinatutugtog ang El Nido March na siyang official hymn ng bayang ito.

'Pinagpala sa Norte ng palawan
Kalikasan niya'y sadyang ubod yaman
Sa taglay na ganda hindi mapantayan
Balinsasayaw doo'y nagpupugaran'

Nasa bungad lamang siya ng terminal kung nasaan ay kaharap lamang niya ang kalsada kalsada at nang matraffic pa dahil sa dami ng sasakyan ay saktong huminto pa ang sasakyan sa resthouse kung saan siya naroroon.

'Mga taraw sa kanya'y nagtataasan
Nagmistulang kahariang may tanggulan
Santuaryo ka ng sangnilikha
Obra-maestra ng Diyos na Dakila'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rizal Class 1: Jam's VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon