Amanda's POV
Eto nanaman ako. Boring nanaman as in boring dito sa condo ko.
Gusto ko tuloy maging bata ulit. Walang problema puro laro at saya lang.Natandaan ko tuloy...
10 years ago..
Pumunta ako sa rooftop para tingnan kung nandun na si troy. Dun kasi kami nagkikita para makapaglaro kami.
Magkapit bahay lang namn kmi kaya madali ko lng sya matawag pag gusto namin mag laro.
Sakto naman kasi nandun na sya at nag hihintay na ata sakin.
"Uy troy"
"Hi Amanda, tara laro tayo" sabi sakin ni troy.
"Sige. Magpapaalam lang ako kay mama."
"Hintayin nalang kita sa baba ahh"
"Ghe"
Bumaba nako para mag paalam kay mama. Agad naman nya akong pinayagan. Sanay na kasi sya eh.
"Amanda Chua!"tawag uli ni mama. "5:00 amanda ah" pahabol ni mama nung aktong lalabas na ko.
"Okay mama love you"
Lumabas na ko ng bahay. Sakto naman na nasa gate na si troy.
"Ano na?"
"tara sa playground amanda".
Hinila nya nako palabas. To talagang si troy sanay na sanay manghila. Ayos lang hihihi gwapo namn sya eh. Landi ko.
"Siso tayo troy."
"Sige gusto ko yan"
Naexcite ako may naisip kasi akong magandang plano. Bwuhahahha. Umaandar naman ang pag ka baliw ko hihihi.
Agad namang sumakay si troy sa siso. Nagsimula na kaming gumalaw nung nasa taas na sya bigla kong itinigil ang siso. Hahaha. Takot kasi sya sa mataas eh hahaha. Bahala ka jan manigas ka.
"Hoy amanda, itigil mo yan" tumingin sya sakin halatng takot na takot na sya.
"Kung ayaw ko" ngumiti ako saknya ng nakakaloko.
"Humanda ka talaga sakin" Aktong bababa na sya nang umalis ako sa siso natamaan ang mahiwagang kayamanan niya hahahaha.
"Amandaaaaaaa"
Lagot.
"Wahhh. Hihihi troy wait madaya ka" hinahabol nya ako ngayon.
"Sabi ko naman sayo babawi ako diba" sigaw nya sakin.
"Waah. Mama ko! Troy joke lang yun. Tama na. Time first muna." Pagsisigaw ko habang tumatakbo palayo kay Troy. Nakaabot ako sa may palayan ni Mang Cardo. Pero huli na ang lahat.
"Ha. Nahuli rin kita.! Babawi ako,!" Ngisi niya saakin. Nang akmang kikilitiin niya ako sa bewang ko tinulak ko siya palayo. And guess what, hindi siya nahulog sa putik...
.... Ako yung nahulog. O di ba ayus talaga ako. NAPAKABOBO KO TALAGA. PALAKPAKAN SA REYNA NG KA ENGOTAN NA MAY KASABAY NA CONFFETTI... PAALELUYA EFFECT NA RIN HA PARA SULIT ANG LANGOY KO DITO SA PUTIKAN.
Halatang nabigla rin si Troy sa nangyari. Anong ginagawa niya, tumutunganga!? Wala ba akong planong tulungan nitong supot na to?
May narinig akong tumawa at napatingin dun sa kapal muks na yun. Napailing rin sa Troy.
"Look at her, kuya Yuan. Hey, is that new version of swimming lesson? Well, kailangan mo pang mag practice nang magpractice for you to know where is the right place to swim." Ang syosyal naman ng kapal muks nato.
Abat pagtawanan ba naman ako. Nakita kong nakasmile lang yung tinawag ni kapal muks na kuya Yuan if im not mistaken.
Tinadyakan nya lang ito at naminimize na man ng kaunti ang tawa ni kapal muks. Si Troy naman walang magawa. Sige, tayo lang tayo, ha. Tayo lang. Walang uupo!
"Hello. Im Yuan. And this is Jay. Sorry ha ganyan lang talaga yan. Want me to help you?" Tanong niya saakin.
Malamang saakin yun sinabi kasi saakin nakatingin alangan naman kay Troy.
Nakakainlove ang mga mata niya. Malamang hindi lang mata niya ang nakakainlove, siyempre ang lahat lahat sakaniya. Sige nga jowain mo ang mga mata niya.... hihihi. Baliw talaga akech..
"Ah. S-sige. Please help me." Ahihihi! Emeyged. Pereng inleb ne eke!
Nang akmang iaabot na ni Yuan ang kamay ko para iangat pataas, biglang may umepal... no other than Troy.
"Ako na." sabi niya sabay hinawakan ang kamay ko. Sinimangutan ko siya. Ayun na eh. Hahawakan na ako ni crush...
"Ok." Pagkaangat na pagkaangat ko palang, nag paalam na agad sina Yuan bebelabs at kapal muks. Tss... sayang. 1
"Sige alis na kami. Our mom's waiting na rin kasi eh." Sabi ni Yuan. Naki pag shake hands pa. "And if you need to swim huwag sa putikan ha! Bye." Sabi ni Kapal muks. Inirapan ko lang.
Nang malayo na sila nakasmile pa din ako. Biglang lumingon uli si Yuan. "See you next time!" Sabay wave ng hand. Mas kinilig pa tuloy ako...
Sunod naman ay binalingan ko ng tingin si Troy para sabihing uuwi na kami pero i saw him parang mananapak. Nakatingin sa direksyon nina Yuan.
Labo niya talaga. Moody nanaman. Parang dinalaw na naman.
"Uy selos!" I told him. "Umuwi na nga tayo!" Sabi niya. "Sabi na crush mo ako eh!" I told him again. Ngayon sumeryoso ang mukha niya. "Pano nga kung oo." Nanlaki ang mata ko nun... whaat?
"Crush mo talaga ako?"
"Ewan."
"Hoy ano nga!"
"Ano ba uwi na nga tayo. Hinahanap ka na nila tita."
"Lastna lang."
Tumakbo na siya at iniwan ako sa tapat ng house namin.Naputol ang pag fa flashback ko nang may nag DINGDONG...
A/N:
SORRY PO IF MASYADONG SHORT LANG. DYW! GAGAWIN KO PONG PANTS BUT PLEASE KAPIT LANG PO TAYO MGA BES!!! T.Y.
YOU ARE READING
Safety Pin
Teen FictionHanggang dulo sana tayo padin, sana mga puso natin naka tali nalang para hindi tayo maghiwalay hiwalay. .