The Virus (Chapter 5): Vin

12 2 0
                                    

Vin's POV

"Teka nasaan ako?" -me

"Uy gising ka na pala!" sabi ng babae.

Hindi na lang ako umimik. Di ako sanay sa makipagusap sa ibang tao.

Agad akong tumayo at ramdam ko na kumikirot pa rin ang ulo ko.

"Eto kumain ka na." Sabi ng isang lalaki.

"Ako nga pala si Drake" sabi ng lalaki

"Ako si Caitlyn" sabi ng cute na babae.

"Ako si Vin" tipid kong sabi.

"Nasaan ako?" ulit ko.

"Nandito tayo sa secret hideout namin" sabi ni Drake.

"Kami lang nakakaalam nito." sabi ni Cait.

Napansin kong tago nga talaga ito. Walang bintana. May maliit na butas sa bawat pader na nagsisilbing pasukan ng hangin. Mukhang inabandona na talaga ito. Pero ang cool ng mga gamit dito. Parang pinaghandaan nila ang apocalypse. May mga baril. May mga melee weapons. May mga tirang de lata. At may mini ref din dito. Halos lahat nandito na. Pero ang dumi ng loob nito, di ba nila to nililinisan? Hays. Magsasalita na sana ako ng biglang pinutol ni Cait ang sasabihin ko.

"Nakita ka namin kanina na nakahandusay at walang malay habang nagkakagulo ang mga tao." dugtong niya. Ang cute niya talaga. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan ka cute na babae. Sabagay wala naman akong friends. Lahat sila lumalayo.

"Ahh Salamat." tugon ko.

"Rarrrgghh!" ungol mula sa labas.

"Cait, kunin mo yung Ak47 rifle diyan." sabi ni Drake.

"Sige." sabi ni Cait. "Oh ito.!" Inabot niya sakin ang Ak47 rifle.

"Pero di ko alam gamitin to" sabi ko. Di niya ko pinansin, sa halip ay kumuha ng sarili niyang baril. Well, di na bago sakin yun. Ang balewalain.

A/N: Drama mo!

Author wag kang magulo. Epal ka. Nag eemote ako dito eh. -.-

"Cait,Vin. Kailangan na natin umalis dito. Maraming paparating" Sabi ni Drake habang nakasilip sa butas.

"Okay" sabi ko.

"Ready na kayo? Bubuksan ko itong pinto. Vin, back up ka sakin. Yung mga babangon pang zombies ay ikaw na bahala. At sa likod sa Cait. Ituturo niya ang daan." Maotoridad na sabi ni Drake.

"Roger" sabi ni Cait.

"Isa, dalawa, tatlo!" tinadyakan ni Drake ang pinto at bumungad samin ang nakakadiring mga zombies. Tanggal ang mga laman. Ang iba pa nga buto na lang. Mabagal ang lakad nila. Nakakadiri ang itsura nila. Dati sa movie ko lang sila nakikita, ngayon kaharap ko na. At mas kadiri sila in real life. Mukhang likod to ng school ah. Kaya siguro nila ko nakita.

Hinampas ko ang unang zombie.

"Tanga! Pindutin mo!" sabi ni Drake.

Aba. Natanga pa ko. Di nga ko marunong gumamit neto eh! Kagigil naman to. Kung di lang apocalypse nasapak ko na mukha neto. Triggered ako dun ah. Pinindot ko ang gatilyo. At natamaan ang isang zombie. Ayos. Tumatakbo kami palabas ng gate. At padami nang padami ang humahabol samin. "Di na natin kaya! Ubos na bala ko!" inis na sabi ni Drake. "Ako din!" sabi ni Cait. Nagpatuloy kami sa pagtakbo. May nakita kaming kotse. Agad kaming sumigaw.

"Tulong!" sigaw naming tatlo.

Huminto agad ito sa harap namin. Malaki laki naman itong kotse. Diretso pasok agad kami at pinaharurot naman ito ng lalaking nasa harap. May kasama itong babae. Cute din ito. Pero mas cute si Cait. :)

"Salamat bro!" sabi ni Drake.

"Kylie?!" takang tanong ni Cait.

"Teka magkakilala kayo?" tanong ni Drake.

"Oo" sabay nilang sabi.

"Bago ko malimutan. Ako si Miko :)" nakangiti niyang sabi.

"Drake" sabi ni Drake.

"Vin" -Ako.

"Kylie nga pala."

"I'm Caitlyn"

.

.

.

.

A/N: Sabaw Chapter again XD! Sorry antagal ng UD. Medyo tinamad si Author. Isa lang kasi reader. Okay lang yun atleast cute yung nagiisang reader <3 Wahahaha! Cute mo to.

Vote and Comment kung may nagbabasa man. :)


The VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon