You Say Goodbye, I Say Hello (Short Story)
By: Ms.Juliet_o26
Started: January 29, 2014
Finished: January 29, 2014
-----
PROLOGUE
Kaya ganyan yung title kasi may isang tao na nagpapapansin sa taong mahal niya pero iniiwasan naman siya nito.. Maikli lang 'to kasi naiisipan ko lang gawan ng story. Actually old song yan na pinapatugtog ng father ko. Sana maganda kayo. ^_____^V
-----
Naranasan mo na bang magmahal ng taong handang tawirin ang bundok at karagatan..
Maiwasan ka lang?
Ako 'yon eh!!!! T_____T
Ako nga pala si Ernest Fortez. High school student ako at graduating na. Hindi naman ako yung tipo ng lalaking hinahabol ng mga babae. Ako yung tao wala lang sa campus na tagapalakpak ng mga taong kilala. Simpleng istudyante pero mabait naman. :))
Nasa canteen ako ng paaralan namin ng makita ko ang taong nagpapatibok ng puso ko, agad ko siyang hinabol para tulungan sa mga dala niyang gamit. "Miss!", pagkatawag ko sa kanya ay kaagad naman siyang humarap sa akin. "A-ano?..", tanong niya sa akin pero nakayuko siya na tila ayaw akong harapin. "A-ako na sa mga gamit mo.." alok ko sa kanya na tulong pero umiling lang siya at bigla na lang akong tinakbuhan..
Hindi ko maintindihan kung bakit parang makikipagkilala palang ako sa kanya pero ayaw na niyang makipag-usap sa akin.. Iniisip ko kung ano bang problema sa akin, wala naman yata? Basta hindi ko alam. Dati ko pang tinatangkang makipagkaibigan sa kanya pero magpapakilala palang ako bigla na siyang magpapaalam. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya.. Hay.. Sira palagi diskarte ko kapag babae. Nakakainis.. :-/
Lumipas lang ang mga araw, palagi ko siyang nakikita na nilalapitan ng mga lalake pero bakit sila kinakausap niya? Pakiramdam ko tuloy parang kasumpa sumpa ako at hindi pwedeng kausapin ng ibang tao.. Nakikita ko naman sa kanya na masayahin siya at palakaibigan. Siguro ayaw lang niya talaga akong kausapin. :((
Isang araw, nakita ko siya sa tapat ng auditorium ng school namin. Mag-isang nakasandal sa puno habang may hawak na isang bagay.. Hindi ko sigurado kung ano ang bagay na iyon dahil mga 1meter ang layo ko sa kanya nang makita ko siya. Seryoso niyang tinititigan ang bagay na iyon. Parang papel na basta. Hindi ko sigurado kung ano.
Kahit nag-aalinlanggan akong lumapit ay nilapitan ko pa rin siya. Sanay na ako kasi palagi naman akong napapahiya pagdating sa kanya. Nang nakatayo na ako sa harapan niya ay tinignan ko lang siya habang nakayuko ako. Bigla siyang napatingala at napatingin sa akin habang namumutla. Nilagay niya agad sa bag niya yung bagay na tinititigan niya kanina pa sabay tanong sa akin, "K-kanina ka pa ba dyan?", para siyang natatakot na hindi ko maintindihan. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ako makapagsalita kasi baka mapahiya na naman ako.
SILENCE..
Naiilang ako dahil hindi siya kumikibo o kahit magsasalita wala. Maya maya, bigla na naman siyang tumakbo ng nagmamadali. Hinabol ko siya at hinawakan ko siya sa braso, "Teka.. Gusto ko lang makipagkaibigan sayo..", sabi ko sa kanya. "Pwede ko bang malaman pangalan mo?", dagdag ko. "J-jenica Palermo, yan ang pangalan ko. K-kung pwede lang. L-layuan mo na ako. Ayaw kong makipagkaibigan sayo. Tigilan mo na ako", sabi niya.
Pagkasabi niya nun ay umalis na siya at naiwan ako sa ilalim ng puno nang tulala, tahimik, napahiya at mangiyak ngiyak. Ang sakit ng masabihan na kahit kaibigan lang, ayaw niya. Eh paano kung nanligaw pa ako? MAS MASAKIT!!! T_____T
Napaupo at napasandal na lang ako sa ilalim ng puno habang nag-iisip kung may nasabi o nagawa ba akong mali sa kanya. Bigla na lang akong may maramdaman sa kamay ko pagkahawak ko sa damuhan. Pagkatingin ko ay.. Ano 'to??? Picture ko 'to ah??? Bakit may ganito dito??? O_____O
BINABASA MO ANG
You Say Goodbye, I Say Hello (Short Story)
Short StoryShort story lang po ito na tungkol sa isang lalaking nagmamahal sa isang misteryosang babae. Enjoy! :)